Chapter 50

1.2K 46 42
                                    

CHAPTER 50

THE GAY'S BILLIONAIRE

MAXINE ZIN KATE NOVICIO

Ang tawag na iyon kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Dahil sa kanila, nagkagulo-gulo na ang buhay naming lahat. Monteverdi dapat lang ang nangyari sa inyo. Wala akong pagsisisi sa ginawa ko sa inyo. Nakuha ko ang hustisya para sa aking ina at matitigil na rin ang kasamaan niyo.

"Mr. Novicio, the two bodies of Monteverdi are in the Morgue. What do you want to do with them sir?"

"Cremate their body, and throw their ashes into the sea"

"Copy sir"

Dinig kong pag-uusap ng isang tauhan namin at ni Dad. Hindi ko magawang ituon ang paningin sa kanila dahil hindi ko maalis ito sa harapan ko. Kung saan taimtim lang na natutulog at maraming apparatus na nakakabit sa mga katawan niya.

Isang linggo na ang nakakalipas simula ng mangyari ang engkwentro ko sa mga Monteverdi pero hanggang ngayon ay hindi parin siya nagigising. Hindi ko akalain na mangyayari sa kanya ito. Kung alam ko lang sana, hindi ko na talaga pinayagang sumama siya sa'kin.

Akala ko ay mawawala na talaga siya pero laking pasasalamat ko na lumaban at nakaya niya ang operasyon na ginawa sa kanya. Sabi naman ng doktor ay isang himala dahil konting-konti nalang daw matatamaan na ang puso niya, mabuti nalang daw at bandang balikat ang tama niya at tagiliran.

Gusto ko din siyang sisihin dahil sa kakulitan niya kaya napapayag ako pero kahit saan ko tignan, ako parin ang may kasalanan. Kaya lubos kong sinisisi ang sarili ko dahil muntikan ng mawalan ng ama ang anak ko. At hindi ko alam kung ano mangyayari sa'kin kapag nangyari man ang ganoon.

"Kumain kana hija" nabalik ako sa realidad ng marinig ang boses ni Mrs. Montenegro

Napatingin ako sa direksyon niya at napagtantong nandito din pala ang tatlong kaibigan ko at si Matt. Bitbit siya ni Angelo na ngayon ay taimtim lang na nakatingin din sa akin. Lahat sila ay nakatingin at naghihintay sa isasagot ko. Ganyan sila simula na mangyari ito. Napabuntong-hininga na lang ako at umiling.

Ibinalik ko ang tingin kay Demon. Paano ako makakakain kung alam kong hindi kumakain si Demon? Hindi ko kayang lunukin ang pagkain kung alam ko sa sarili ko na, kasalanan ko ang lahat kung bakit nangyari sa kanya ito.

"I told you maxiee na ayaw din ng baby ko na nagpapalipas ka ng gutom. Isang beses kalang kumain and we know na magagalit siya" napatingin ako sa kanya dahil sa tinuran niya.

Napatango naman ang iba. Lalo na ang magulang ko. Napabuntong-hininga nalang ako at tumayo. Kinuha sa kanya ang pagkain na kanina pa niya inaalok sa'kin.

"Look after to-"

"Just eat that maxiee, ako na bahala dito" nakangiting sabi niya.

Tumango ako at naglakad papunta sa dining area. Executive Room ang kinuha nila para sa anak nila kaya pag nakapasok kana dito. Makikita mo ang isang simpleng bahay lang pag nasa labas kana ng hospital. Ito daw ang kinuha nila para lahat daw kami ay magkasya at hindi na mag siksikan sa loob.

"Baby"

Patuloy lang ako sa pagsubo, naramdaman ko naman na umupo sila sa katapat kong silya. Hindi ko nalang sila pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Anong nginunguso mo jaan fafa Tristan? Want you kiss?"

"You want kiss- yun Mike tanga!"

"Tse!"

"Eh ang bunso kasi namin, hindi na tama ang pagtulog niya"

"Oo nga momshiee, pagkatapos mo kumain matulog kana ah?"

The Gay's BillionaireWhere stories live. Discover now