Chapter 28

1.1K 40 3
                                    

CHAPTER 28

THE GAY'S BILLIONAIRE

Nakaupo sa sulok at nakatakip ng newspaper. In short. Nagtatago!

My gosh! I think I'm criminals in this states! Nandito ako sa loob ng fast food at nagtatago sa sulok. Lihim na nakatingin sa ikadulong lamesa nakapwesto ko.

"Hahaha talaga?! Akala ko pa naman bubugbogin ka nitong si Max!" sabay turo kay lesbi na tipid lang ngumiti sa kanila.

Tch! Ang hinhin gumalaw ngayon ng tomboy na to! Palibhasa! Kaharap ang kurimaw na Vandross!

"I thought that too" nakangiting sabi niya at bumaling kay lesbi.

Napairap ako. Kailangan ba talaga magkatabi at nakatutok ang mata niya kay lesbi?! Like duh?! She's not baby anymore! Kung makaasta naman itong kurimaw eh tatay! Kaimbyerna mga sis!

"Sana all! Max? Anong shampoo mo?! Matry nga iyown!" sabi ni Mike at hinampas pa kunwari ang kurimaw "Ummp! Ang laki ng biceps ng otoko Keith! Hihi meserep!"

(Otoko: Gwapong lalaki)

"My god Mike! Ang bunganga! Mahiya ka!" saway sa kanya ni Keith at umirap sa kanya.

"You so are KJ!"

Muntikan ko ng mabitawan ang newspaper na hawak at nakatakip ng konte sa mukha ko ng mag english na naman si Mike.

"Letcheng english yan Mike, bobo amp!" sabi naman sa kanya ni Joann. Yung madaldal na kaibigan ni lesbi.

"Me is good in englisherist! Oha!" proud pang sabi niya at nag flip ng hair kahit maikli naman.

"Hahaha"

"Anyway! Kanina pa itong dalawa. Tahimik, I smell something fishy ah!" biglang sabi ni Joan.

Kaya agad kong ibinaba ang newspaper hanggang gitnang ilong na nakasilip lang ang dalawang mata. Nakita kong umiwas ng tingin ang kurimaw at yumuko naman si lesbi.

Ha! Wag niya sabihing nahihiya siya sa presence ng kurimaw na yan?! Ang kapal ng feslak niya mga sis! Diba? I'm the father of her child tapos sa iba siya maggaganyan?! Diba? Diba?!

"Kate"

Nalaki naman bigla ang mga mata ko, a-anong tawag niya kay lesbi?!

"Wow! Kate pa rin pala tawag mo sa kanya!" sabi ni Joann na tuwang-tuwa pa.

Sa sobrang inis ko ay tumayo ako at mabilis na naglakad papuntang restroom. Agad akong pumasok doon at napahinga ng malalim.

"Kate?!! Ha! Ang panget! Makaasta nga eh tomboy pero ang tawag ng kurimaw Kate?! Hahaha letcheng Vandross na yan!!" inis na sigaw ko at nagpapadyak.

Ang panget talaga! Kate? Hindi ba niya nakikita na tomboy na ngayon ang tinatawag niyang ganon?! Ha! Walang taste! Mas maganda talaga yung lesbi! Bagay na bagay sa kanya! Hahaha tomboy kasi! Hahaha punyeta!

Inis akong naghilamos ng mukha at nagpunas. Nang matapos ako at umayos ang mukha ko ay lumabas na ako. Nawalan na ako ng gana kaya uuwi na ako! Bahala siya makipag landian! Nakakainis siya! Akala mo walang uuwian na mag-ama!

Bigla akong napatigil.

"Ano bang nakakadiring pinagsasabi ko?! My gosh! Magpapacheck-up na ako mga sis! Nagkaka problema na ata yung pretty brain ko! Nakakalowka!-Ay kabayo!"

Napahawak ako sa dibdib ko ng may humarang at lumitaw na engkantong tomboy sa harap ko. Chos lang! Nakakunot ang noo, salubong ang kilay at nakapamulsang nakaharap sa akin si lesbi.

The Gay's BillionaireWhere stories live. Discover now