Chapter 14

1.7K 63 0
                                    

CHAPTER 14

THE GAY'S BILLIONAIRE

MAXINE ZIN KATE NOVICIO

Kanina pa ako nakauwi ng bahay pero hanggang ngayon hindi mawala sa isip ko yung nangyari kanina. Ngayon na nag tanong na siya tungkol sa ama ng bata. Paniguradong sa susunod ay malalaman na niya ang totoo. Hindi sa ayaw ko siyang maging ama sa anak ko.

Pero ayoko lang kasi na pati siya magulo ang buhay. Oo galit ako sa kanya, pero alam ko naman na ako ang may kasalanan. Kung hindi ba ako tanga, nanghalik nalang bigla. Noong araw na iyon hindi ko alam pero si Vandross ang nakita ko. Kaya nagawa ko iyon, lalo na at lasing pa.

Alam kong mababaw ang rason ko kung bakit ayaw kong ipaalam sa kanya na siya ang ama ng anak ko, nag-aalinlangan lang kasi ako. Alam kasi ng buong mundo na bakla siya tapos sa isang araw, may ihaharap siya sa mga ito na anak? Syempre issue na naman iyon, at madadamay lang ang anak ko. At iyon ang iniiwasan ko, kilala siyang tao at ako ay hindi.

Hindi ko na alam ang gagawin kapag nalaman niya na siya ang ama. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya, kung mind-reader lang ako. Alam ko na ang gagawin kapag once na magkagulo. Sa ngayon, takot na takot ang nararamdaman ko. Kung dati nasabi ko na hindi ako takot para sa sarili ko. Ngayon takot na takot na.

Not just for myself but for my son also.

Alam ko sa sarili na kapag kinuha niya ang anak ko ay hinding-hindi ko kaya. Tulad nga ng sabi, he's my life now. Anak ko lang ang kailangan ko para mabuhay. He gave me another life for living.

Nabalik ako sa realidad ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
Nakauwi na ata si Ann. Inayos ko muna ang sarili bago lumabas, naabutan ko siyang nasa sala at naghuhubad na ng sapatos niya.

"Oh Max? Nakita ko ang motor mo sa garahe kaya ako kumatok, ang aga mo ata? I thought overtime ka today?" sabi niya ng makita ako.

"Sumama ang pakiramdam ko" iyon lang ang nasabi ko.

Tamad ako mag explain at lalo na magsalita. Alam na niya ugali ko kaya forgiven na yun.

"Uminom ka na ba ng gamot?" humilata siya na akala mo parang pagod.

Naalala ko pala. Galing pala siya sa bahay ng lalaking yon, dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tubig. Agad akong bumalik at nilagay ko sa table center ang dalang tubig ng bumalik ako sa sala. Umupo ako na rin ako sa tabi niya.

"Thanks" uminom muna siya bago umayos ng upo at humarap sa akin "Kahit hindi mo sabihin, alam kong gusto mong mag tanong hehehe" hagikgik na saad niya.

"What?" maang-maangan na sagot ko.

Napasimangot siya bigla "Sige, kunwari ka pa!"

Umiling nalang ako, yan ang ugali ni Ann. Kapag naisip niya, pipilitin niya. Kesyo tama daw ang instinct niya.

"Osiya sige, kwento ko nalang Max. Mahal naman kita eh hehehe kahit ganyan kana—Ay! sige ito na hehehe" tiningnan ko ito ng masama ng magsasalita na naman siya tungkol sa akin.

JOANN NAVARRO

FLASHBACK

"Vanvan!" sigaw ko at napatayo sa kinauupuan.

"Hello Ann" nakangiting sabi niya pero hindi naman nakatakas sa akin ang lungkot sa mata niya.

"Kingina! mag usap tayo ah—wait lang" tumingin naman ako sa bebe ko "Ian my loves, usap lang kami ng kuya mo ah. Hehe" hindi ko na hinintay ang sagot niya at hinigit na palabas ng bahay si Vandross.

The Gay's BillionaireNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ