Chapter 6

1.9K 87 2
                                    

CHAPTER 6

THE GAY'S BILLIONAIRE

MAXINE ZIN KATE NOVICIO

Nandito ako ngayon sa mall at naghahanap nung request ng anak ko.

"Mom, can you go to the mall and buy me a phone? I'm so bored here you know?"

Nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Baby you're still 7 years old. No phone allowed okay?"

"Okay, I will tell tita Joann to call my daddy"
nakangiting sagot naman niya.

"Oh god Matthew! c'mon" naiinis ako. Simula nang malaman niya na ama niya yon. iyon ang panakot niya sakin.

"I will definitely do that mom.. Tita Joann!!"
may pagbabanta sa boses niya at tinawag ang tita niya.

"Tss" napasinghal nalang ako sa kawalan. kahit kailan itong batang ito. imbis na magbasa na lang eh phone pa ang pinapabili.

"Bakit kaba sumisigaw?!?"
lumabas sa kwarto niya si Ann at lumapit sa aming dalawa.

"Tita call my dad and tell him that I exist"
seryoso naman niyang sabi sa tita niya. Napairap ako.

"Eh?!" napaatras pa si Ann dahil sa sinabi ng bata at tumingin sa'kin na nanlalaki ang mata.

OA talaga.

Umiling ako senyales na wag niya gagawin.

"Ay! ayoko! ke bata-bata mo pa makapag utos ka sakin! Matt tita moko ha!"
duro-duro pa niya sa bata at umirap ng ilang beses.

"I promise from now on, I will not shout at you" nakangiting sabi nito sa tita niya at yumakap pa sa bewang nito.

Ito namang isa eh parang naging maamo ang mukha at suminghot pa. Kingina! ang OA talaga.

Tinignan niya ako ng nakangiti at dahan-dahang nilabas naman ang phone niya. Naningkit naman ang mata ko na nagpipindot na siya. Kingina niya, gagawin talaga niya eh.

Peste!

Tumayo ako "Oo na" hindi nakaligtas sa'kin ang pag ngisi ng anak ko.

Kung hindi ko lang ito anak kanina ko pa natapon to sa basurahan. Aish!
Tinignan ko muna ng matalim si Ann bago lumabas ng bahay.

Nang may nahanap akong maganda kinuha ko na ito para makauwi na ng maaga.
Gusto ko na magpahinga.

"Thank you ma'am, come again"

Agad akong lumabas ng mall papunta ng parking lot. Nilagay ko na sa compartment ang binili ko ng makarating ako kung saan naka park ang motor ko.

Sasakay na sana ako ng motor ko nang may narinig akong sigaw ng babae. Hindi ko siya maintindihan. Hinanap ko ito dahil wala naman akong nakikitang tao malapit sa pwesto ko.

Naglakad pa ako sa parte ng parking lot na hindi gaanong pinupuntahan ng mga tao.

Nangunot ang noo at nag salubong ang kilay ko ng makita ko ang nangyayari.

May isang babae na hawak ang bag nito at lalaking mukhang ito ang magnanakaw.

Pati ba naman sa parking lot ng mall may nakapasok na magnanakaw? Hindi ba private to? Eh bakit hindi nila napansin tong lalaking ito?

The Gay's BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon