Chapter 33

1.1K 55 11
                                    

CHAPTER 33

THE GAY'S BILLIONAIRE

MAXINE ZIN KATE NOVICIO

"Max ano ba ang nangyari kahapon? Nagulat na lang kami pinauwi mo kami dito sa mansion niyo kahapon eh"

"Ann is right, what do you think before you do those things?"

"Sila is right! What is happening to you?"

"Bobplaks! What is happened to you dapat! tuleg kang tunay Mike!"

FLASHBACK

Nang marinig kong umalis na ang sasakyan ni bayot ay agad kong kinuha ang bag na may lamang baril at granada.

"Hija saan ka pupunta? Hindi ka ba mag uumagahan muna bago umalis?" tanong ni manang ng maabutan niya akong pababa ng hagdan.

"Sa labas nalang po" sabi ko at agad na lumabas ng bahay.

"Sanda—"

Beep! Beep!

Agad kong pinaharurot ang motor paalis sa bahay ni bayot at agad na dumiretso sa lungga ni Mak. Kung tulad nang sabi mong hindi kapa tapos sa bayot na yun pwes uunahan na kita. Hinding hindi niyo siya magagawang galawin.

Ilang minuto pa ang binaybay ko ng marating ko ang lungga nila. Agad kong pinarada ang motor ko sa harap ng abandonadong gusali. Matagal-tagal na rin palang hindi ako nakapunta dito. Hindi ito gaanong makilala na dahil sa mga damong nakasabit na sa gusali. Masasabi mo talagang lumang-luma na talaga ito.

Agad kong binunot ang baril sa likod at naglakad papunta sa loob ng gusaling ito. Hanggang ngayon ay amoy malansa at mapanghi ang lugar na ito.

Tss. Dudugyot talaga ng mga tao dito.

Napatayo ang dalawang lalaking prenteng nakaupo at naninigarilyo.

"Zin?!" gulat na sambit nila sa tawag nila sa akin.

"Kumusta?" seryosong tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan naman silang dalawa.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ng isa

"Namamasyal?"  patanong na sabi ko na ikinasama ng tingin nila.

"Wala kang pinagbago!" sigaw ng isa at agad na sumugod sa akin.

Iniwasan ko naman ang suntok niya pero hindi ko naiwasan ang suntok pa ng isa. Tss.

"Hindi ka pa rin nagbabago, mahina ka parin sumuntok" nakangising sabi ko habang hawak ang pisngi ko.

"Hayop ka!" gigil na saad niya at sumugod ulit sa akin.

Kaya sinipa ko siya sa tiyan "Uggh!" at sinipa ko ang isa sa tagiliran niya "Shit!"

Daing nilang dalawa at nakahawak sa tiyan at tagiliran. Mahina pa rin talaga ang mga bata ni Mak. Bakit kaya hindi niya turuan ang mga to bago sila pumatay ano?

"Hoy!!" napabaling ako sa likuran nila.

Nakatayo doon si Mak at Halyu. Galit silang nakatingin sa akin at mabibigat ang hakbang nila papunta sa pwesto namin.

"Anong karapatan mo dito na pumasok Zin?!" galit na tanong ni Mak ng makalapit ito.

"Sarili ko"

The Gay's BillionaireWhere stories live. Discover now