Chapter 25

1.4K 53 6
                                    

CHAPTER 25

THE GAY'S BILLIONAIRE

"Ano bang iniisip niyo at sumunod kayo doon ha?! Hindi ba kayo nakakaintindi na hindi nga pwede? And look what happened to the two of you!" napahilot siya sa sintido at dinuro kaming dalawa ng katabi ko "Kung hindi kami ang nandoon mababalitaan na lang namin na patay kayo!" tumingin siya ng masama kay Mike

"At ikaw naman Mike. Alam mo ang lugar na iyon! Bakit mo hinayaang pumunta yan don?!" sabay turo sakin kaya nakanguso akong napayuko.

Masama bang sumunod at alamin ang ginagawa nila? Syempre! Iba kaya pumasok sa isip ko! Hindi ko naman alam na ganun mangyayari samin eh!

"Max kashii etong si mamang pinigilan ko na nung nandoon na kami, eh ayaw mag paawat. Isa lang naman akong magandang bakla at hindi kaya ang mamang" nakangusong sabi naman ng katabi ko kaya tiningnan ko ito ng masama.

"Niyaya mo kaya akong sumunod doon!"

"Luh hindi ah!" todo iling ito

"Lier!"

"Me is not lier mamang"

"Hmppp!" chuchumbagan ko na sana kaso may tumama sa akin na unan "Ouch! Why-sabi ko nga tatahimik na" nakanguso akong napayuko at kinutkot ang sariling kuko.

Huhu. Ang sama kaya kung tumingin itong si lesbi! Baka maglabas siya ng baril then paputukan aketch! My gosh!

Dapat nga ako magalit eh!

Sino ba namang hindi magagalit ah? Ako kasama niya sa bahay pero hindi man lang magsabi kung saan pupunta! Paano na lang kung may nangyari sa kanya na masama?

Edi ako pa chuchumbagan ng daddy niya at si fafa Angelo. Okay lang sana kung si fafa Angelo lang eh, mag chuchumbagan kami sa kwarto ko hihi. Chos lang!

"Ikaw naman bayot bakit kapa sumunod doon ha?! Mag sisihan pa kayong dalawa! Gigilitan ko kayo ng buhay!"

Gigil na gigil ateng?

Napatingin tuloy ako sa kanya "Curious lang ako lesbi! Makapag react ka naman jan! Syempre dahil maganda pa ako sa dalawang baklitang itow!" turo ko sa dalawa "Dapat mas angat ako no! Ano? kayong dalawa lang makikipag chikahan sa mga fafables doon?! Tsaka" ngumuso ako sa kanya "Hindi mo man lang sinabi na may meetings kayo ng mga fafa niyo! Ikaw lesbi! May tinatagong ka-"

"Hindi ganon yun bayot tss!" inis niyang inismiran ako.

"Eh ano lang ha?! Bakit kasi hindi mo sabihin sa akin ha?!" inis ko rin siyang tiningnan.

Nagsukatan pa kami ng tingin. Nakakainis siya! Hindi ba talaga pwede na sabihin niya na lang? Ano bang gagawin nila doon at sabihin man lang sa akin ay hindi pwede?

Lalo tuloy akong na co-curious!

Bumuntong hininga ito sa huli. Ha! Hindi niya ako matatalo sa sukatan ng tingin kahit ilang meters pa iyown no! Mga chaka!

"Keith,Mike pumunta na kayo sa guestroom. Mag-uusap lang kami nitong isa" baling niya sa dalawa

Hindi nakaligtas sa akin yung simpleng pag-tango niya kay Keith na iyon. Bakit may ganon pa? Tsk! Nakakainis na itong lesbi na to! Lahat nalang! Lahat-lahat! Ckahabels naman!

"Ikaw" napatingin ulit ako sa kanya na ngayon ay nakapamulsang nakatayo paharap sa pwesto ko. "Itanong mo na ang gusto mong itanong"

Nagliwanag agad ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Seryoso siya? Pwede ko ba itanong kung anong mga names ng mga fafables doon? Hmmm? Pwede naman siguro.

The Gay's BillionaireWhere stories live. Discover now