Chapter 34

1K 52 9
                                    

CHAPTER 34

THE GAY'S BILLIONAIRE

Dilat na dilat pa rin ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Dahan-dahan naman itong nagmulat at sabay nun ang paglayo ng dahan-dahan ang mukha niya sa harap ko.

Lunok

Ngayon ko lang naramdaman na natuyuan ng laway sa lalamunan. At ngayon lang din ako nakahinga ng maayos simula pa kanina.

Kingina!

"You're talking to much" paos na saad niya at peste! Nakakawala ng cool to! Hayop! "Alam mo na kung anong nararamdaman ko? Then take a responsibility of it" dagdag niya at sinundot pa ang ilong ko bago ako lagpasan.

Bumuka ang bibig ko, may gusto akong sabihin pero walang lumalabas na salita.

"Oh! By the way, I like the taste of your lips baby"

Napalingon ako ng marinig ko ang sinabi niya. Nakangisi siyang nakatingin sa akin at kumindat bago lumabas ng kwarto.

"Kingina" bulalas ko na lang kahit marami akong gustong sabihin.

Nawawala ang angas ko dahil sa ginawa niya! Kingina niya! Bakit bigla-bigla na lang siyang manghahalik ng ganon? At lalo akong naiinis dahil hindi man lang ako nakapektus sa kanya!

Napahawak ako sa labi ko at umiling ng umiling ng paulit-ulit.

"Kingina"

"Minumura mo ba ako Maxine Zin Kate Novicio?"

Natauhan ako sa narinig kong boses at agad na tumingin sa hamba ng pinto. Nakatayo siya at nakahawak sa tungkod na dala-dala.

Agad akong yumuko para magbigay galang sa kanya.

"Joh-eun jeonyeog maseuteo" bati ko sa kanya at umayos ng tayo.

Good evening master

"Dangsin-eun michyeossgo ijeon dongmaeng-ui jeog-eul chajgo issseubnikka?" seryosong tanong niya na kinakuyom ng kamao ko.

Nahihibang kana ba at naghanap ka ng kaaway sa dati mong kakampi?

Mangingialam na naman ba siya? Bakit sa lahat ng desisyon ko parating umaayaw at hindi niya gusto? Tss nagtataka pa ako.

"Maseuteoga anida" pagtitimping sabi ko

Hindi master

"Sesang-e!" tumalim ang tingin nito "Geu gei ttaemun-e dachyeoss-eodo haenaess-eo! dangsin-ui dunoeneun eodie issseubnikka Maxine?!" galit na tanong niya

God! Dahil lang sa baklang iyon ginawa mo yun kahit ikapahamak mo pa! Where's your brain Maxine?!

"Nasaulosaanpa" bulong ko at sabay yuko "I'm going" agad akong naglakad sa pwesto niya at nilampasan siya palabas.

Masama itong tumingin ng makalapit ako sa kanya. Tss, hindi na uubra sa akin ang ganyan tanda. Kung ang nanay ko napapasunod mo sayo, pwes ako hindi. Kahit lolo pa kita.

"Sesang-e!"

Oh my god!

Narinig ko pa na sigaw niya sa itaas kaya ngumisi lang ako. Ganyan nga tanda, at kapag hindi mo na kaya. Bumalik kana sa pinanggalingan mo dahil mas okay ka doon. Pagkababa ko ay may naririnig akong mga sigawan sa labas ng mansyon kaya naglakad ako papunta sa kinaroroonan ng kaguluhan.

Agad naman napakunot ang noo ko dahil nandito ang pinsan ni bayot na si Andrew at isang babae na nakikipag sigawan kay Ann.

"If I were you, just back off!" mataray na sigaw ng babae kay Ann.

The Gay's BillionaireWhere stories live. Discover now