Chapter 59

936 24 3
                                    

CHAPTER 59

THE GAY'S BILLIONAIRE

Unang pumasok si Maxine sa loob ng mansyon nang makarating na sila galing hospital. Nakita niya doon si Mike na buhat-buhat ang anak niya. Nakasuot ito nang isang baby blue dress with a white shoes. May headband ding ribbon ito. Ng makalapit ay agad niyang kinuha sa kaibigan ang anak at kinarga ito.

"Thankyou Mike" nakangiting sabi ni Maxine sa kanya.

"It's my pleasure momshiee"

"Hey baby, did you miss me hmm?" tanong ni Maxine sa bata at nilaro ang cute at maliit na kamay ng anak.

"Mii.. yoo" bulol na sagot ng anak kaya tumawa ito.

Hinalikan niya sa pisngi ang anak at ibinaba. Sakto namang pumasok ang mga kasama niya kanina. Nang makita ni Mr. Montenegro ang isang maliit at cute na batang babae ay agad na nangilid ang mga luha nito. Ito ang kaunang-unahang apo nilang babae kaya sabik na sabik ito sa bata. Ng makalapit ito ay lumuhod ito para magkapantay sila nang apo niya. Hinawakan niya ang ulo ng bata na inosente lang na nakatingin dito.

"H-hi.." garalgal ang boses na bati nito sa bata "what's your name darling?" tanong nito at ngumiti.

Ibinaling naman ng batang babae ang ulo niya sa kanan at tinititigan ang kaharap. Natawa si Mr. Montenegro sa galaw ng bata dahil kaugali nito ang kanyang ina. Ilang segundo pa ang lumipas na gumalaw na naman ang bata pakanan ang ulo at ganoon din ang ginawa. Napapailing nalang si Maxine sa ugali ng anak. Nang tumuntong sa dalawang taon ang anak niya, doon niya nakita ang ugali niya sa bata.

"Lo.."

Biglang sabi ng bata kaya inantay nila ang kasunod. Hindi mapigilan ni Maxine na mapangiti dahil nahihirapan pang magsalita ang anak, gusto lang ng anak niya na matuto agad kaya pinipilit nitong magsalita ng hindi namimilipit ang dila.

"Lo..Loh.." natawa silang lahat nang kamutin nito ang kanang tenga dahil sa inis. "Lohr.. Lohrine!" biglang sumigla ang boses nito at nakataas ang hintuturo "Lohrine!" inulit pa niya at lumingon sa ina na ikinatango ni Maxine.

"Good job!" nakangiting saad ni Maxine dito.

Bumaling ulit siya sa kaharap na lalaki at ngumiti nang malapad. Masaya na siyang nasabi na niya nang kompleto ang pangalanan niya. Ngumiti sa kanya si Mr. Montenegro at binuhat ito. Kumapit ang maliit na dalawang kamay ni Lohrine sa magkabilaang balikat ni Mr. Montenegro.

"Do you know me?" agad namang umiling si Lohrine sa kanya "I'm your grandfather!" nakangiting sabi ni Mr. Montenegro kay Lohrine na kumunot ang noo.

"An..dewwr" namimilipit ang dila na inulit ang sinabi sa kanya ni Mr. Montenegro.

"Lolo, call me lolo" ngumiti si Mr. Montenegro kay Lohrine at kinurot ang pisngi nito.

"Lolo!" bigla siyang niyakap ng bata kaya agad niyang sinuklian ito.

"Hey baby, baba kana. Mahihirapan si lolo" saad ni Maxine at akmang kukunin na niya ito nang umiling ang anak niya.

"To.. lolo" nakangusong sambit niya at yumakap ng mahigpit sa lolo nito.

"Hayaan mo na hija, kaya ko pa naman hahaha" ngumiti nalang si Maxine at bumalik sa pwesto niya.

Umalis si Angelo at umakyat sa taas. Ang mga kaibigan nito na pumunta sa kusina para maghanda ng meryenda. Sakto namang bumaba si Tristan hawak-hawak ang isang laptop. Napahinto siya ng makitang may bisita pala sila, kaya agad siyang naglakad papunta sa pwesto nila Maxine.

The Gay's BillionaireWhere stories live. Discover now