Chapter 48

1K 34 5
                                    

CHAPTER 48

THE GAY'S BILLIONAIRE

Nagising ako dahil sa mga kalabog na naririnig ko. Inaantok na bumangon ako sa higaan at tumingin sa pinanggagalingan ng  ingay. Pero agad akong napahinto at nawala ang antok ko dahil sa nangyayari ngayon.

"Le-lesbi.. ano.. ah.." utal na sabi ko at bigla na lang nanubig ang mga mata ko.

Akala ko hindi siya galit kagabi dahil hindi naman siya kumibo or nagwala. Pero bakit siya nag-iimpake ng mga damit at sobra atang nagmamadali siya?

Hindi man lang niya ako nilingon or huminto muna sa ginagawa. Galit ba siya dahil sa nangyari kagabi? I already told her naman ang nangyari eh. Na hindi ko gusto ang mahalikan ni Fiona at lasing siya.

Pero kahit nag e-explain ako kagabi hindi niya ako pinapansin until now. Walang kibo. Pagpasok niya kagabi sa kwarto namin, akala ko aawayin niya ako o magwawala siya pero dumiretso lang siya sa kama at natulog.

Eh ako namang si tanga, nagdadaldal ako at i'nexplain ang lahat sa kanya eh hindi sumagot ayon naman pala eh tulog na. Mas natatakot ako kapag ganito siya, yung hindi kumikibo at parang hindi niya ako kasama.

Nabalik ako sa realidad ng marinig ang pagsara ng pinto. Luminga-linga agad ako sa paligid pero agad ding kinuha ang bagahe ko at sinuksok lahat ng gamit doon. Dahil sa pagmamadali ay gulo-gulo ko ng nilagay ang lahat ng damit ko sa bagahe, hindi ko na rin pinalitan ang damit pantulog ko dahil baka iwan ako ni lesbi.

Ng matapos agad ay kumaripas na ako nang takbo papalabas ng kwarto at pababa papunta sa front desk. Hangos-hangos kong dinamba ang counter na ikinagulat ng receptionist na babae.

"Si—"

"Itoyungsusi!LibrelahatundernameofMandyandJaizin Novicio!AtpleaseTanggapinmonanangtahimikdahilhahabulinkopaangasawako!" mabilis na saad ko at hindi na hinintay ang sagot niya.

Kahit pinagtitinginan ako ng mga tao ay hindi ko na ito pinansin, minadali ko nalang ang paglakad na nauwi sa takbo. Nakikita ko na sa dalampasigan si lesbi na pasakay sa yate nila.

"SANDALEEEEEEE!" sigaw ko at kumakaway na tumatakbo sa kinaroroonan niya.

Napahinto siya sa pag-akyat ng yate at kunot-noong nakatingin sa akin. Waaaah! Kahit galit siya sasama ako. Mag-eexplain ulit ako kahit paulit-ulit pa! Ayoko ng ganito! Nang makarating ako sa pwesto niya ay habol hininga akong napahawak sa dalawang tuhod ko at tumingin sa kanya.

"Sa..sa..ma..ako.." hingal na saad ko at napapikit bago umayos ng tayo at humarap sa kanya "lesbi"

Hindi nawala ang pagkunot ng noo nito at salubong ang kilay na pinasadahan niya ako ng tingin. Pagkatapos nun ay namulsa siya at malalim na bumuntong-hininga.

Bubuka na sana ang bibig nito pero agad kong inunahan. Delikado na at dahil sa lagay niya I'm sure hindi niya talaga ako isasama. Huhu.

"Hindi ako magkukulit! Promise yan!" tinaas ko pa ang kanang kamay ko at hinarap ang palad sa pwesto niya na signs ng promises "Hangga't maaari ayokong mahiwalay ako sayo kaya please lesbi! Isama muna ako! Kung galit ka okay tatanggapin ko! Pero let me explain all those shit last night lesbi!" tumango ako ng ilang beses "Promise ko yan!"

Nang-aasam ang mukha na tinignan ko ito ng diretso para sabihin na seryoso talaga ko sa promise ko sa kanya. Hindi nawala ang kunot-noo niya at salubong ang kilay. Nagpakawala ulit siya ng malalim na hininga at nakapamulsang tumalikod at tinuloy ang pag-akyat sa yate. Dinampot ko naman agad ang dala ko at sumunod sa kanya.

The Gay's BillionaireWhere stories live. Discover now