Epilogue

1.5K 46 21
                                    

EPILOGUE

THE GAY'S BILLIONAIRE

MAY 10, 2021

Maingay ang mga tao sa loob ng simbahan, hindi sa gulo kundi sa saya na nararamdaman ng mga taong malalapit sa pamilyang Novicio at Montenegro. May mga ngiti sa kanilang mga labi at saya sa kanilang mga mata.

Naka ngiting pinagmasdan ni Demon ang lahat, nahinto ang tingin nito sa kanyang magulang na masayang nakatingin sa kanya. Isang tango at matamis na ngiti ang ginawad ng kanyang ama na ikinangiti niya ng malapad. Inilipat niya ang tingin sa kabilang side ng simbahan kung saan nandoon ang kanyang mga kaibigan.

Tango at thumbs up ang ipinakita ng mga kaibigan ni Demon dito. Si Andrew na nakangisi sa kanya at sabay sabi ng walang boses 'be a shooter later dre’ na ikinailing nalang ni Demon at nakangiting iginala nalang ulit ang tingin sa loob ng simbahan. Bahagyang napatigil si Demon ng dumako ang kanyang tingin sa babaeng naka blue dress na nakaupo sa likod ng kanyang mga magulang.

Bumalatay ang guilt sa mata ni Demon at ngumiti ng tipid kay Amie na nakangiting pinagmamasdan siya. Tumango ito sa kanya at ngumiti. Nang malaman kasi ni Amie ang tungkol sa nakaraan ni Demon ay minabuti niyang tanggapin at katotohanan dahil unang-una naman sa lahat ay wala siyang panalo kay Maxine dahil may mga anak na ang mga ito.

“The bride is already here, let's start the ceremony”

Biglang tumahimik ang mga tao sa loob ng simbahan ng sabihin iyon ng wedding coordinator. Si Demon na biglang kinabahan, halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon. Kinuha niya ang panyo sa bulsa at pinunasan ang namuong mga pawis sa noo nito. Nagsiayos naman ang lahat, ang wedding coordinator at mga staff nito ay pinagsabihan ang mga tao na tumayo.

Kanya-kanya namang labasan ang mga tao ng kanilang phone at camera. Hindi mapigilan ng mga tao na tumili dahil sa sobrang excitement ng kanilang nararamdaman. Ilang minuto pa ang lumipas nang biglang bumukas ang malaking pinto ng simbahan. Napapikit pa ang iba ng mga mata at ang iba ay hinarang ang mga kamay sa liwanag na bumungad sa kanila. Maya-maya pa ay naging okay ang paningin nila at naaaninag na nila ang babaeng nakatayo sa gitna ng pinto kung saan ay nakasuot ito ng simple pero sobrang gandang wedding gown.

Biglang nag ingay ang mga tunog ng camera na nanggagaling sa mga taong napanganga at nabighani sa ganda ni Maxine. Napigil naman ni Demon ang hininga nito nang dumapo ang mga mata niya sa babaeng nakatayo sa labas ng pinto. Kahit malayo ito ay nakita pa rin ni Demon ang walang katulad na ganda ng kanyang magiging asawa. Hindi mapakali sa kinatatayuan si Demon dahil sa sobrang kaba, Napalunok ito ng wala sa oras ng bumaling ang tingin ni Maxine sa kanya at nagtagpo ang mga mata nilang sabik sa isa’t-isa.

“Are you ready, anak?”

Inalis ni Maxine ang tingin niya kay Demon at tumingin sa kanyang ama na ngayon ay pinakita ng kanyang ama ang braso nito sa kanya. Nakangiti namang pinulupot ni Maxine ang kamay at nakangiting tumango sa kanyang ama. Huminga muna siya nang malalim at tumingin sa harap saka ngumiti. Nang maiapak niya ang paa sa red carpet na nasa loob ng simbahan ay kasabay nun ang pagtugtog ng wedding song.

Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave?
How can I love when I'm afraid to fall?

Nagsimula ng maglakad si Maxine at ang kanyang ama, malapad ang ngiting tinignan niya ang mga kamag-anakan nila. Merong kabang nararamdaman si Maxine habang dahan-dahang naglalakad patungo sa altar kung saan ang taong mahal niya.

But watching you stand alone
All of my doubt suddenly goes away somehow

One step closer

The Gay's BillionaireWhere stories live. Discover now