Chapter 26

1.3K 49 3
                                    

CHAPTER 26

THE GAY'S BILLIONAIRE

MAXINE ZIN KATE NOVICIO

Dalawang oras namin binaybay ang probinsya kung saan nakatira ang katulong ng pamilyang pumatay sa pinakamamahal kong ina. Mas pinili ko na lang na sumakay sa kotse ni bayot dahil sa halos dalawang oras ang byahe ay naging mahirap ang daan dahil sa bako-bako ito.

Kawawa si maxi pag nagkataon.

"Lesbi where almost 2 hours here at wala pa ring lumalabas na matanda jan sa little house" sabi ng kasama ko

Tumingin naman ako sa bahay na tinutukoy niya. Maliit nga ang bahay at tama lang sa para sa dalawa o apat na taong nakatira. At dalawang oras na rin kaming nag hihintay dito pero wala pa ring lumalabas.

"Maghintay pa tayo"

"Oh my gosh! So boring naman ditey!"

Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin sa paligid. I'm thankful dahil wala na akong nararamdaman na may sumusunod. Simula kasi na nangyari ang unexpected scenes ay palagi na lang akong may nararamdaman na preseniya. Dati rati madalang lang, pero naging araw-araw naman ngayon.

"Hindi na sana ako sumama! Pumunta sana ako ng office to do some works doon! Kaimbyerna ka talaga lesbi!" pag rereklamo niya kaya binalingan ko na ito.

"Sino ang nag rereklamong hindi nakakasama kapag may lakad ako?" seryosong tanong ko rito na ikinanguso niya.

"Ako"

Kingina talaga kapag ngumunguso itong bayot sa harap ko, panget na gansa ang nakikita ko sa kanya.

"Edi sisihin mo sarili mo" sagot ko at nagmanman ulit sa bahay.

"Eh?! Ano yern? Like, 'hey demon! Bakit mo kasi siya sinamahan? Dapat nag paiwan kana lang! Nag trabaho kana lang sana para hindi ka ma bored jan!' Ganon ba yown lesbi ha?!" sigaw niya kaya napatingin ako ng masama sa kanya.

"Oh eh bakit kaba sumisigaw? Dapat talaga hindi kana sumama! Nakakasira ka ng diskarte ko" sumulyap ulit ako sa bahay.

Baka kasi masilisihan kami nung matandang iyon. I can't wait to ask her. Nangangati na ang kamay ko, i want to know the truth.

"Like duh?! Kaimbyerna kaya ng pagmumukha mo! Kaya ako sumisigaw! Letche!" umirap ito at nakangusong tumingin din sa harap "Oh my gosh! Ayan na siya!" agad naman akong napabaling sa bahay.

Naglalakad ang isang matandang may hawak na tungkod at isang lalaking inaakay siya. Sa wari ko, kasing-edad lang namin ang kasama niya.

"Bumaba ka" sabi ko kay bayot at lumabas din sa kotse.

Pumunta ako kung saan sila na kasalukuyang palabas ng bahay. Ramdam ko naman sumunod ang kasama ko. Nang makalapit ako sa kanila ay napahinto sila sa paglabas. Agad naman akong yumuko para sa paggalang.

"Magandang hapon" serysong bati ko sa kanila

Tiningnan ako ng matanda ng maigi na parang kinikilatis kung sino ako. Nakakunot naman ang noo ng lalaking kasama niya.

"Hello fafable! Hihi"

"I-ikaw" gulat na sabi ng matanda na nakaturo pa sa akin.

Ngumiti ako ng alanganin, nakilala na niya siguro ako kaya ganyan ang naging reaksyon niya.

"La, kilala mo ba sila?" tanong sa kanya ng lalaking kasama niya.

Tumango naman ang matanda.

The Gay's BillionaireWhere stories live. Discover now