Chapter 20

1.6K 62 0
                                    

CHAPTER 20

THE GAY'S BILLIONAIRE

MAXINE ZIN KATE NOVICIO

Nagising ako dahil sa tunog na naririnig ko mula sa telepono kong nasa side table. Bagot ko itong kinuha at sinagot na hindi tinitignan kung sinong talipandas ang umistorbo sa'kin ng gising.

"Siguraduhin mong may rason ka sa pang-iistorbo mo sa tulog ko, sino ka?"

"Good morning rin max! Nandito pala ako ngayon sa Cebu! Hihihi"

Tss, si Ann lang pala.

"Paano ka napunta jan?" kunot-noo kong tanong at napapahikab na umupo sa kama.

Kagabi ng iwan ko siya sa bahay ay wala naman itong sinabing aalis siya o uuwi. Kaya bakit ngayon lang niya sinabi at inistorbo pa ang tulog ko?

"Ay? sumakay ako sa eroplano max. Hindi mo ba alam papunta dito? Shit! oo nga pala may private chopper pala kayo!"

Kingina.

Hindi ko alam kung maluwag ang turnilyo nito sa utak o may jetlag pa. Letche. Tumingin ako sa tabi ko ng mapagtanto na wala na pala ang anak ko.

"Tigil-tigilan mo ako Ann. Anong ginagawa mo jan?" madiing sabi ko

"Namalengke max! Namalengke! Amp! Wala ka na naman sa hulog no? Uyyyy! kulang ba tulog mo? Oh my god! Did you and fafa demon do that th—"

Hindi ko na siya pinatapos at padabog na ibinaba ang phone. Ano bang nasa isip niya? Kahit kailan talaga yung babaeng iyon ulaga pa rin. Kaberde ng utak.

"Peste" inis na sabi ko tsaka tumayo na at tumungo sa banyo para gawin ang daily routine ko.

Nang matapos ako sa ginawa. Ay bumaba na ako at nadatnan ko ang isang may edad na matanda sa sala. Ng makarating ako sa baba ay napahinto ito sa ginagawa at napatingin sa pwesto ko.

"Hija gising kana pala" sabi nito at ngumiti.

Tipid akong ngumiti sa kanya. Hindi ko siya kilala, hindi ko naman kasi siya nakita kagabi dito. Nilibot ko ang tingin sa sala. Pero wala akong makita na bakas ng anak ko. Saan naman kaya iyon nagpunta? Hindi manlang ako ginising.

Napalingon ako sa matanda na bigla itong magsalita. Itinuloy niya ang pagtutupi ng mga damit.

"Wala sila Demon dito hija, maagang umalis. Nagka problema ata sa opisina dahil pati magulang niya ay sumama" sabi nito at tumingin sa akin "Sumama na rin ang anak mo. Ayaw pa nga isama sana ng alaga ko pero nagpumilit kaya ayon" dagdag niya.

Napatango naman ako. Kaya pala.

"Sige ho" sabi ko at umakyat ulit sa taas.

Kagabi bago ako matulog, nakatanggap kasi ako ng mensahe galing kay Angelo at pinapapunta ako sa mansion. May kailangan daw siyang ipakita at sasabihin iyong matanda. Ayaw ko pa sana pero ayaw ko namang mabaril nalang bigla ni Angelo. Alam ko utak noon eh.

Simpleng itim na shirt at itim na leather jacket at itim na pants tsaka itim na boots ang suot ko. Nakakahiya naman kasi sa matanda, kung ano-ano pinagsasabi dahil lang sa suot ko. Napailing nalang ako nang maalala ang mga sinabi niya.

Nilabas ko ang bagahe na nasa ilalim ng kama at kumuha ng anim na throwing knife. Sinuksok ko ito sa boots ang dalawa, sa likod ang dalawa at sa leather jacket ang dalawa. Ng matanggap ko ang minsahe ng kapatid ko kagabi ay agad kong tinawagan ang mga kaibigan ko para dalhin ito dito. Alam ko na kasi kapag nagpatawag ng ganoong oras si Angelo. Hindi siya nag aaksaya ng oras kapag hindi importante.

The Gay's BillionaireWhere stories live. Discover now