Chapter 58

910 27 8
                                    

CHAPTER 58

THE GAY'S BILLIONAIRE

Nang makarating si Maxine sa ospital ay bumungad sa kanya ang mga nagkakagulong reporters sa labas ng hospital. Mabilis siyang naglakad papunta doon, at nakita niyang limang security na ang umaaawat sa mga ito. Mabuti nalang at naisipan niya ang bagay na ito kanina kaya tinawagan niya ang mga tao nila habang nasa byahe.

May humintong dalawang SUV Van sa harap ng hospital, lumingon ang lahat ng mga reporters doon pati ang mga security. Mabilis na lumabas ang mga lalaking naka itim at mabilis na humarang sa mga reporters. Lahat ay napanganga at gulat na nakatingin sa mga ito, nag-ingay ang lahat at sunod-sunod ang mga tanong ng mga ito. Lumingon sa kanya ang isang tauhan at yumuko para sa paggalang.

"Secure the entrance and exits of this hospital, make sure that no reporters can enter this building"

Tumango sa kanya ang isang tauhan at inutusan ang iba na pumunta sa mga exits ng hospital. Naglakad na si Maxine papunta sa loob at dumiretso sa nurse station para itanong kung saan ang room ni Demon. Nang sabihin ng isang nurse kung saan ito ay mabilis na naglakad papunta si Maxine doon. Mabuti na lang at dito lang sa ground floor ang room ni Demon kaya hindi na siya nag abalang umakyat pa sa pangalawang palapag nitong hospital.

Nang makarating siya sa harap ng kwarto ay sakto namang bumukas ito at bumungad sa kanya ang gulat na mukha ni Amie. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa bago humalukipkip at tinaasan ng kilay. Huminga ng malalim si Maxine dahil hindi niya naisip agad na nandito din pala ang isang ito.

"And anong ginagawa ng isang higad na katulad mo dito?" mataray na tanong nito kay Maxine.

Napakuyom ang mga kamay ni Maxine nang marinig ang salitang yon. Minabuti niyang wag pansinin ito kaysa sa patulan. Biglang dumating si Ann at Angelo kaya napatingin si Amie sa kanila. Tumaas pa lalo ang kilay niya at tiningnan din mula ulo hanggang paa ang kararating lang.

"Aba't nagsama kapa talaga ng mga alagad mo?" natatawang sabi nito na ikinakunot ng noo nila Ann at Angelo. "Sabagay…" bumaling ulit siya kay Maxine ". . kung saan ang reyna ng mga higad doon din ang mga kasapi niya" natatawang dagdag niya na ikinairita ng dalawa.

"What did you call to my sister?!" matalim na tinignan ni Angelo ang babae at kukunin na sana niya ang baril sa likod nito ng awatin siya ni Ann.

"Woi! Relax ka lang! Wag mo na patulan" saad nito at hinila paatras si Angelo.

Nang kumalma ang lalaki ay mabilis siyang naglakad sa tabi ni Maxine at tinignan si Amie ng taas-baba at tinaasan din ng kilay.

"Anong sinabi mo sa kaibigan ko?" mataray na tanong nito sa kaharap.

"I said,  kung saan ang higad doon din ang—Oh my god! Get off your hands on my hair! Ahhh!"

"Pisting yawa ka! Inulit mo pa talaga, kingina ka!"

"Oucccch!"

Napabuntong hininga si Maxine habang nakatingin sa kaibigan na sinasabunutan si Amie. Tumingin siya sa kapatid niyang nagpipigil ng tawa, sinenyas niya ang dalawang babaeng nag-aaway kaya naglakad siya papunta sa pwesto ng dalawa at inawat ito.

"Get off your—Oh my goodness! Ang sakit nun ah?! Hindi mo ba nakikita na may bandage ang kamay ko?!" galit na sigaw ni Amie kay Ann nang mailayo ni Angelo ito sa kanya.

Nakahawak ng mahigpit si Angelo sa manggas na nasa likod ng damit ni Ann at bitbit-bitbit ito palayo sa kaaway ng babae. Parang isang pusa na binitbit ng lalaki si Ann. Sa sobrang laki ng katawan ni Angelo at sa matangkad ito ay hindi na magtataka si Maxine kung paano. Napapailing nalang ang isa dahil sa nagwawala parin ito kahit bitbit-bitbit na siya ng kapatid.

The Gay's BillionaireWhere stories live. Discover now