Chapter 9

1.9K 77 6
                                    

CHAPTER 9

THE GAY'S BILLIONAIRE

MAXINE ZIN KATE NOVICIO

Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas. Tiningnan ko ang aking anak na mahimbing na natutulog. Hinalikan ko muna siya bago ako tumungo sa banyo. Ilang minuto pa ay lumabas na ako at nadatnan na nagsisigawan si Ann at si Tristan.

"Bakit kapa kasi pumunta dito?! ang aga aga nambubulabog ka ng magaganda!" tugon ni Ann sa sarili. Napailing nalang ako.

"Hindi ikaw ang pinunta ko dito" pagsusungit naman ni Tristan sa kanya at ng makita ako ay ngumiti ito "Hello baby! Good afternoon hehe"

"Psh! if I know gusto mo lang talaga ako masilayan hahaha" kahit kailan assuming itong si Ann. "Good afternoon Max! anong gusto mong ulam? hindi pa kasi tayo nakapag grocery eh kaya tuyo at itlog na maalat lang ang meron tayo!" sabi niya habang naglalakad papuntang kusina.

Sumunod naman ako sa kanya, ng makarating ako sa kusina ay binuksan ko ang refrigerator at kinuha doon ang isang pitsel na may lamang tubig. Kumuha ako ng isang baso at nagsalin doon.

"Baby!" napatingin ako kay Tristan "Nagtatampo ka pa rin ba dahil kahapon? sorry na kasi" nakanguso na naman niyang sabi.

Lintik na! Bakit ba ngumunguso ng ngumunguso ito? Hindi ba niya alam na hindi bagay sa kanya? Mabuti at hindi pa ako nakakainom, baka naibuga ko ang tubig sa kanya pag nagkataon.

"Ang panget mo! wag kang gumanyan!" pang aasar ni Ann at inihahanda ang mga lulutuin.

"Tumahimik kana nga!" naiinis namang sagot ng isa "Baby oh"

"Tss. hindi na" sabi ko nalang at bumalik sa sala.

Sa totoo lang hindi ako nakatulog ng maayos. Tumawag kasi sa'kin ang dalawa kong kaibigan sa coffee shop at iniisip ko yung sinabi ng dalawang bakla kagabi ng magdamag.

"Max! pumunta dito yung ama ni Matt. Hinahanap ka! Kaloka ka bakla! Ang fafa galit na galit! Nagwala dito kanina! Tapos ang sabi pa 'magnanakaw ng puri' hahaha Bakla! ninakaw mo daw puri niya! Aba'y galit na galit, gustong manakit ng fafa eh!"

Kung kahapon pumunta na siya doon. Paniguradong sinabi na ng Andrew na yon sa kanya. Naiinis ako dahil ako dapat ang magalit sa kanya. Kung wala ako sa katinuan noong nangyari yun. Paniguradong nasa tamang pag-iisip naman siya. Kaya bakit malaki ang galit non sa akin?

Ngayon na alam na niya kung saan ako nagtatrabaho. Paniguradong malalaman na rin niya kung saan ako nakatira dahil sa Andrew na iyon. Handa akong harapin siya pero yung takot na para sa anak ko ay mas tumitindi. Hindi ko alam kung paano ko itatago ang anak ko nang hindi niya malalaman.

Mayaman siya at alam kong marami siyang mga connection sa taas para malaman ang lahat lahat sa isang tao. Kaya lagi kong dinadasal na, sana wag niya malaman ang tungkol sa anak ko. Kaya nga hindi na ako nagtataka kung bakit nalaman niya ang pangalan ko. Paniguradong natatandaan niya ang mukha ko ng gabing iyon, dahil kung hindi. Hinding-hindi na niya ako hahanapin tulad ng ginagawa niya ngayon.

"Anong iniisip mo?" nabalik ako sa realidad ng magsalita si Tristan. Nasa harap ko na pala ito

"Nothing" umiling ako.

Ayoko ng dumagdag pa sa mga problema nila. Alam kong hindi maganda ang takbo ng company niya. Kahit gusto ko mang tumulong ay hindi pwede. Ayoko lumaki na naman ang ulo nitong isa. Kapag kasi tutulungan mo, ipapaubaya na sayo lahat. Katamaran ang pinapairal. Tss.

"Eh bakit tulala ka na naman jan? Or baka sino?" taas baba pa ang kilay na sabi niya. Nang-aasar.

Ngumiwi ako "Wala"

The Gay's BillionaireWhere stories live. Discover now