Chapter 36

1K 39 6
                                    

CHAPTER 36

THE GAY'S BILLIONAIRE

DEMON LOHR MONTENEGRO

"Sir, Mr. Monteverdi is here" rinig kong sabi ng secretary ko sa intercom.

Itinigil ko ang ginagawa at inaalala kung may appointment ba ako sa kanya o wala pero wala naman akong matandaan na meron.

"Do I have appointment to him Rose?" takang tanong ko.

"I checked three times on your schedules sir but he doesn't have an appointment. Nagpupumilit lang po talaga siya kaya that's why I called you po"

Napataas ang kilay ko. May importante ba siyang sasabihin para magpumilit pa siyang makapasok dito?

"Let him in" sabi ko nalang at kinuha ang phone.

Papapuntahin ko na lang si Andrew dito at siya na pupunta sa ilang clients namin for investment.

"Hello dre"

"Drew punta ka dito sa office, may ipapagawa ako sayo" sabi ko at tumingin sa pinto ng bumukas ito.

Nagulat ako dahil akala ko si Vandross Monteverdi ang sinasabi ng secretary ko. Iyong ama pala niya. Iminuwestra ko ang kamay para maghintay muna siya ng ilang saglit.

"Dalian mo okay? Bye" agad kong binaba ang tawag at nakangiting tumayo.

"Good morning Mr. Drossquo Monteverdi" nakangiting bati ko sa kanya.

"Good morning hijo, bakit ayaw mo ata akong papasukin dito? Is there somethings wrong?" nagtatakang tanong niya.

"Ah hehe, wala Mr. Monteverdi. Akala ko kasi ay iyong anak mo ang tinutukoy ng secretary ko. Halika maupo ka" yaya ko sa kanya at naglakad papunta sa couch.

Nang makaupo kami ay may inilapag siyang phone sa mesa.

"Anyway, why are you hear? Wala tayong appointment ngayon Mr. Mon—"

"Malalaman mo kapag kinuha mo ang phone na iyan"

Biglaang nagsitayuan lahat ng balahibo ko dahil sa seryoso at malamig na boses niya. Nagsalubong ang kilay ko, kanina ay nakangiti palang ito pero ngayon ay seryoso na siyang nakatingin sa akin.

"Why sir?" takang tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya ang phone sa mesa at tumingin ulit sa akin sabay kibit-balikat. Kunut-noo kong kinuha ang phone at binuksan.

"Bakit Mr. Monteverdi? Anong gagawin ko dito sa—May tumatawag sir" inabot ko sa kanya ang phone pero diretso lang itong nakatingin sa akin.

He's creepy for god's sake!

"Answer it"

"Eh?!"

Gulat akong palipat-lipat ng tingin sa kanya at sa phone. It's unregistered number kaya bakit ako ang inuutusan niyang sumagot?

Tumango siya na sinasabing sagutin ko na kaya napalunok ako bago ko sagutin ang tawag. Bakit ba niya pinapagawa sa akin to? Papasok siya dito tapos ganito? Aba'y matino ba siya?

"Magsalita ka!"

Araay! Makasigaw naman itong nasa kabilang linya!

"Hoy! Ikaw itong tatawag ta—"

"Dad"

Napahinto ako sa pagsasalita ng marinig ang boses ng anak ko. Tumingin ako sa kaharap ko para sana magtanong pero nagulat ako na may nakatutok na sa akin na baril na siyang hawak niya.

The Gay's BillionaireWhere stories live. Discover now