Chapter 29

1.1K 45 7
                                    

CHAPTER 29

THE GAY'S BILLIONAIRE

Pagkatapos ng hindi makatotohanang pinagsasabi ni Drew kanina ay agad akong nagpaalam na umuwi. Gusto kong masuka dahil sa sinabi niyang dalawang bagay na iyon. Like duh! I'm gay pero hinding hindi ko magugustuhan ang kurimaw na Vandross na iyon.

At lalong lalo na hindi pa ako lesbian para magkagusto sa isang tomboy din no! Nakakadiri isipin! Ewww! Tumirik ang mata ko at nanginginig ang buong katawan dahil sa isiping iyon! Bwisit naman kasing si Drew! Paano naman niya nasabi na gusto ko iyong si lesbi?! Naiinis at nagagalit nga ako pag nakikita ko siya kaya saan ang pagkagusto doon?!

Tch! At nagseselos?! Ha! Paanong nagseselos?! Naiinis ako, yun lang iyon dahil pag iba ang kaharap ay sobrang hinhin at maayos kausap lalong lalo na sa kurimaw na Vandross na iyon pero pag dating sa akin akala mo siga sa kanto ng apartment nila! Kaimbyerna ang ganoon di ba?!

"Ay pesteee!"

Napapreno ako agad nang biglang may humarang sa harap ko na itim na kotse. Pauwi na kasi ako at ginabi na rin. Malapit na to sa bahay ko at bakit ba nanghaharang ang kotse na to?!

May bumaba na dalawang lalaki. Malaki ang katawan nito at may dalang-Oh my gosh! B-baril ba yang hawak nila?! Hold-up ba to? Papatayin ba ako? Hala! Hala! Nataranta ako ng maglakad sila papunta sa pwesto ko. Agad na kinatok ng isa yung pinto na nasa side ko.

Lunok

Kumabog ang dibdib ko ng super ultra mega! Nakakalowka! Ano gagawin nila sa akin?! Bubuksan ko ba? Paano nalang kung barilin ako agad nito? Edi na tegi ang beautiful Demon sa mundo?

"Lumabas ka! Kung ayaw mong paulanan ko tong kotse mo ng bala!" rinig kong sigaw niya sa labas.

Natatakot man ay nanginginig ang kamay na binuksan ko ang pinto at nanginginig sa takot na lumabas.

"Lalabas ka rin pala!" sigaw niya ng makalabas ako.

Naglakad palapit sa amin ang kasama niya. Nakangisi at humihithit ng cigarettes. Gusto kong umiyak dahil sa takot na nararamdaman ko. Parang mga criminals ang mga kaharap ko ngayon. Huhu.

"Nanginginig sa takot ang bakla pre hahaha" sabi nung may sigarilyo sa bunganga.

Gusto kong umirap sa kanya dahil sa sinabi niya. Like duh?! Sino matatakot sa mga panget at hayop nilang mukha ha?!

"Baklang bakla ka nga talagang tunay! Hahaha" dagdag niya at ibinuga niya ang usok ng sigarilyo sa mukha ko.

Kaya napaubo ako sa ginawa niya.

"Ano ba?! You're so disgusting!" napabulalas ako ng wala sa oras at hinawi ang usok sa mukha ko.

"Oh?!" turo niya at tumingin sa katabi niya "Pre ang arte din magsalita hahaha" sabi niya at humalakhak ng tawa naman ang mga kasama niya.

"Ano bang kailangan niyo?" lakas loob kong tanong sa kanila.

Nawala ang mga ngisi nila sa labi at sumama ang tingin sa akin.

Lunok.

"Papatayin" saad nung kumatok kanina na lalaki.

Nanlalaki naman ang mata ko ng marinig ko iyon. Anong papatayin? Bakit? Anong kasalanan ko sa kanila?

"What?!" napasigaw ako "Anong kasalanan ko sa inyo?! Eh ni-hindi ko nga kayo kilala!" biglang sigaw ko sa kanila

"Sa amin wala pero sa boss namin meron" nakangising saad niya.

The Gay's Billionaireजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें