Chapter 34

4.3K 72 2
                                    

Third Person’s POV

Mag a-alas onse na ng gabi at wala paring Trinity na umuuwi sa bahay nila Harold at Rosset. Sobra na ang pag-aalala ng dalawang mag asawa dahil wala parin ang panganay nilang anak at hindi rin ito sumasagot sa kahit kaninong tawag mula sa kanilang dalawa at maging sakaniyang nobyo din.

Nang tumahol ang aso ay kaagad na tinignan ng mag asawa at nag baka sakaling nakauwi na ang kanilang anak kaso ay si Leo lang pala. “Tita, Tito. Nagtanong tanong na po ako sa bayan kung nakita nila si Trinity dahil kilala naman po ang pamilya niyo dito kaso hindi naman daw po nila siya napansin. Hindi ko rin po tinatan tanan na tawagan ang cellphone niya. Naki usap narin ako sa mga kakilala kung pwedeng makatulong sa atin para mahanap si Trinity.”

“Naku! Diyos ko, sana naman ay walang masamang mangyari sa anak ko.” Napa upo na ang mag-asawa sa couch dahil sa sobrang takot at pag-aalala. Si Tita Rosset naman ay patuloy lang ang pag dadasal.

Bandang alas onse bente na ng gabi nang may tahulan ang aso. Napa tayo ang dalawang mag-asawa maging si Leo. At laking tuwa ni Tita Rosset ng makita ang kaniyang anak na si Trinity. Mahigpit siyang niyakap ng ina niya habang tumatangis. “Anaaak! San ka ba galing? Pinag alala mo kami!”

“P-pasensya na po, Ma. Nakipag kita po kasi a-ako sa kaibigan ko. Na lowbat din yung cellphone ko kaya hindi ko napansin na a-alas onse na pala.” Walang emosyon ang itsura niya at tila kinakabahan pa ito.

“Nakipag kita lang pala. Sa susunod, mag papaalam ka. Para naman hindi kami nag-iisip ng kung ano-ano.” Sermon ng ama niya sakaniya.

“Pasensya na po, Papa… Hindi na po mauulit. Napagod po ako, pahinga muna ako.” Inabot nito ang dalang plastic sakaniyang ina na nag lalaman ng mga pinabili ng kaniyang kapatid.

“Hindi ka ba kakain?” Habol na tanong ng kaniyang Ina.

“Hindi na po.”

Mag tu-tuloy tuloy na sana siya sa kwarto ng hawakan siya ni Leo sa kamay.

“Trinity—"

“Bukas nalang tayo mag-usap. Pagod ako.” Wala paring emosyon na sabi ni Trinity at hindi rin nito tinitignan ang kaniyang nobyo. “Please—”

“Pagod ako. Please. Umuwi ka nalang.” Mariin na sabi nito.

Napalunok na lamang si Leo dahil sa sinabi nito bago niya binitawan ang kamay ni Trinity. Pinanood niya kung paano mag walk out at pumasok sa loob ng kwarto si Trinity habang siya ay patuloy parin ang pag aalala sakaniya.

“Hijo, nag away ba kayo kanina?”

“H-hindi naman po, Tita. Wala rin naman po akong naaalala na naging kasalanan ko sakaniya.” Tumulo ang luha nito sa kaliwang mata na siya namang sinundan ng sa kanan.

“Baka nga pagod lang yung anak namin, Hijo. Nga pala agahan mo pumunta dito sa bahay bukas samahan mo ako dahil pupunta tayo doon sa sabungan sa bayan.” Kaagad namang siniko ni Tita Rosset si Tito Harold dahil sa sinabi niya. “Eto nama! Alam mo na ngang hindi okay yang manliligaw ng anak natin tas ginaganiyan mo pa.” Saway ni Tita Rosset kay Tito Harold.

“Ma-mauna na po ako, Tito, Tita. Magandang gabi po.” Sabi ni Leo at tinapik tapik naman siya ni Tito Harold sa likod.

“Mag-ingat ka, Hijo.” Bilin ni Tita Rosset at nginitian niya ito. “Salamat po, Tita.”

***

Sa sumunod na araw ay dumaan ang mag hapon na hindi pinansin ni Trinity si Leo sa di kaalamang dahilan. Kahit anong gawing panunuyo nito sa dalaga ay patuloy ang pag ayaw nito sakaniya. Siya na ata ang lalaking may pinaka mahabang pasensya sa mundo kung tatanungin.

“Please tell me what’s our problem. Para alam ko paano natin ‘to maaayos.” Naka upo sila ngayon sa isang kubo malapit sa isang dagat kung saan sila ay naligo kahapon.

“Tangina. Ilan beses ko bang sasabihin? We don’t have a problem. For pete’s sake! Is that too hard to comprehend? Ang kulit mo naman. Nakakasawa ka.” Napalunok si Leo dahil sa sakit na natamo niya sa mga sinabi ni Trinity.

“You’re too much, Trinity… I- I’ll go muna. We’ll talk if kalmado kana.” Tumayo si Leo at umalis na sa kubo. Tinangal niya sa pagkakatali ang isa sa kabayo na sinakyan nilang dalawa at sumakay na doon.

“Go! No one’s stopping you. You’re free to go.” Taboy pa sakaniya ni Trinity. Ni hindi man lang nito pinanood ang pag lisan ni Leo at naka tingin lamang ito sa pag lubog ng araw.

Habang nakasakay si Leo sa kabayo ay hindi na nito napigilan ang umiyak. Pilit niya itong pinipigilan at iniisip na lilipas din ang tampuhan nilang dalawa. Ngunit kahit anong gawin niya ay patuloy parin ang pag agos ng luha sakaniyang mga mata.

***

Nag patuloy ito sa mga sumunod na dalawang lingo. Napapansin ito ng kaniyang ina kaya naman kinompronta siya nito. “Bakit ganiyan kung tra-tuhin mo ang Boyfriend mo ha, Trinity? Kung ayaw mo na sakaniya, sabihin at iwan mo na! Wag mo siyang pahirapan at paasahin sa wala!” Napalakas na ang boses ng kaniyang Ina.

“Hindi ko alam kung ano ang nang yayari sainyong dalawa. Pero ang sabi ng tatay mo eh maayos naman kayong dalawa bago ka umalis nung gabing iyon. Tapatin mo nga ako. Anong nangyari talaga nung gabing iyon?!” Madiin ang bawat salita ng kaniyang ina. Nanginginig ang mga kamay ni Trinity habang nag tutupi. Napahagulgul na din ito.

“Buntis po ako!" Nag uunahan ang luha sa mga mata ni Trinity. “Anong problema? Kung si Leo naman ang am—”

“H-hindi po siya ang ama.” Tumingala ito upang makita ang ina. Nagulat ang Ina ni Trinity dahil sa sinabi ng kaniyang anak at naguluhan narin dahil isa lang naman ang nobyo nito at kung hindi si Leo ang ama ay sino?

“W-what? Did I heard it right? Hindi ako ang ama? Y-you cheated?” Napalingon ang mag-ina sa isang lalaki na pumasok sa loob ng bahay nila. Si Leo.

||R.A||

RAENAALMEDA

MKT TRILOGY #1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now