Chapter 43

3.9K 74 3
                                    

Third Person's POV

Patuloy ang pag andar ng sasakyan at gustuhin man ni Trinity na manlaban ay hindi nito magawa dahil sa sitwasyon niya. Pinipilit din nito ang sarili na hindi maging emosyonal dahil ayaw niyang ma-stress ang baby. Tanging ang pag dadasal na lamang ang nagawa niya sa mga oras na ito dahil narin sa kaba at takot. Nanginginig ang mga kamay niyang pinunasan ang mga luha na kanina pa umaagos sa pisnge niya at kasabay naman non ang pag tigil ng sinasakyan nila.

"Anyare? Ba't ka tumigil?" Tanong ng isa sa mga katabi na kidnapper ni Trinity.

"May nakaabang saatin. Isang lalaki. 'Yung kalaban ni Big Boss." Halata ang kaba sa boses nito. "Tangina! Sagasaan mo! Para 'yan

lang natatakot ka? Baka nga mas malaki komisyon natin pag napatay natin 'yan. Dali na! Sagasaan mo-"

"Hi-hindi pwede." Lumingon ang driver sakanila. "Tignan mo! Andami niyang kasamang sniper. Kitang kita ko yung laser ng baril nila na tumatama dito sa sasakyan. Sa oras na gumalaw itong van, patay tayo panigurado."

Halos walang maintindihan si Trinity sa mga pinag sasasabi nila pero nagsimula nanamang kumabog ng malakas ang puso nito ng hilain siya palabas ng sasakyan at tinutukan pa ito ng kutsilyo sa leeg. At gaya nga ng sinabi nung driver ay mayroon ngang sniper at lahat ito ay nakatapat sa lalaking hawak hawak siya ngayon.

"Pararaanin mo kami o papatayin ko 'to?" Mahigpit ang pagkakahawak nito sa braso ni Trinity.

"You're not leaving here until I take that woman. One wrong move, and I'll make sure your head will blow in no time." Banta ng lalaking naka harang sa dapat na dadaanan sana ng van at mayroon din pala itong suot na black maskara upang hindi ito makilala ng sino man.

"Wag mo'kong tinatakot. Kita mo 'tong hawak kung kutsilyo? Itututsok ko 'to sa leeg ng babae na hawak ko sa oras na hindi mo utusan 'yang mga kasama mo na tangalin 'yang mga nakatutuk nilang baril saakin." Halata ang kaba sa boses at ikinikilos ngayon ng kidnapper.

At dahil narin sa takot ng lalaki na may itim na maskara na baka may mangyari kay Trinity ay sumenyas ito sa mga kasama. At ganon nalang ay nawala ang pulang laser na kaninang naka tapat sa kidnapper

Masiyado ng naguguluhan si Trinity at napapikit na lamang at muling nagdasal na dumating na ang nobyo niya at ang mga pulis para mailayo na siya sa lugar na ito. Maya maya pa ay may puting kotse ang natigil sa gilid nila ng kidnapper. Lumabas doon ang isang lalaki na msy suot ding maskara pero kulay ginto naman

"Boss!" Napalingon ang lalaking may hawak hawak na kutsilyo sa lalaking bumaba.

"You may go, I'll take it from here." Sabi nung naka gold na mask at siya ngayon ang humawak sa braso ni Trinity.

"Asshole!"

"Hey there! It's such a pleasure to see you again, Lord L. When was the last time we met? Oh yeah right. Way back 10 years ago when I killed your Mom. Well, looks like I'm about to take something precious from you AGAIN!"

Ito ang unang beses na narinig ni Trinity ang boses ng lalaking may ginto na maskara kaya kaagad na kinilabutan ang dalaga ng mapansin niyang kaboses ito ng kaniyang kaibigan... Si Joshua. At bakit si Trinity ang tinutukoy nitong isang mahalagang bagay kay Lord L? Eh hindi nga nito siya kakilala dahil wala naman siyang pamilya na sangkot sa mga ganitong gang.

"You're standing in my territory, Fucking Asshole!" Mura ni Lord L.

"I am. But I'm holding your most treasured property. And trust me, you wouldn't want what I'd do to her once your mens started shooting me."

"What the hell do you want--"

"Everything! Your girlfriend, properties, family. I want everything, And I'll start with having her!" Mas lalong hinigpitan ng lalaki na may gintong maskara ang pagkakahawak sa braso ni Trinity. Humarap siya sa dalaga at pinipilit na halikan ito ngunit hindi pumayag si Trinity at paulit ulit siyang nanlalaban.

Mukhang nakalimutan na ng lalaking ito ang presensya ni Lord L kaya naman hindi nito inaasahan ang isang malakas na sapak mula kay Lord L. Sa sobrang lakas ng pagkakasapak ni Lord L sakaniya ay dumugo ang ilong nito at na displace din ngunit hindi iyon pinansin ni Lord L. At sa halip ay kaagad nitong hinila si Trinity at isinakay sa kotse.

...

"I-Iyuwi mo na ako. Maawa ka." Nanginginig ang boses ni Trinity habang pinapanood si Lord L na nag mamaneho.

"I'm not going to hurt you." Sagot naman nito sa dalaga. Napa kunot noo si Trinity ng marinig niya ang boses nito sa mas malapit. At muli nitong maalala ang lalaking tumulong sakaniya sa Palawan. Ganitong ganito ang boses niya. Mababa at malalim ang tono na parang pinipigilan nitong mag salita sa normal niyang boses.

"That's you--"

"Yes. And I'm saving your ass for the second time dahil matigas ang ulo mo. Sinabihan kana ng boyfriend mo na wag kang lalabas eh lumabas ka parin." Nanahimik na lamang si Trinity at hindi na sumagot. Napaisip na lamang ito kung paano niya nalaman ang bagay na iyon.

"Sinusundan mo ba ako? At ba't ako yung tinutukoy nung lalaki na mahalaga sa'yo? Please, kung sino ka man. Tantanan mo na'ko. Hindi kita kilala at wala akong balak na kilalanin ka." Tumaas ang boses ni Trinity ng malaman niyang ang Lord L palang ito ay matagal na siyang minamanmanan.

"Sleep. I'll wake you up pag andoon na tayo sa kung saan ka nila kinuha--"

"No! Baka magulat nalang ako nasa ibang lugar na tayo pag gising ko." Umigting ang panga ng lalaki sa katigasan ng ulo na mayroon ang dalaga.

"You know, that's why you get in to trouble. Because you don't know how to listen." Pinipigilan ng lalaki na wag taasan ang boses niya dahil alam nitong babae ang kausap niya at buntis pa mandin ito.

"Bilisan mo nalang mag maneho dahil hindi ako komportable na kasama ka. Iyuwi mo nalang ako please lang." Huminga ng malalim si Trinity pagkasabi non at nag dadasal na wala na sanang mangyayaring masama. Ngunit sa pag bukas ng mga mata niya ay siya namang pag putok ng baril. Tumama ito sa gulong na siyang naging rason na pag tigil ng sinasakyan nila at tumama sa isang poste.

||R.A||

RAENAALMEDA

MKT TRILOGY #1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now