Chapter 1

51.4K 710 37
                                    

D I S C L A I M E R

***

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental

WARNING: The story's genre is Dark Romance with a combination of Action. Story may contain violence, strong language, extreme red flags of the characters, and etc. So if you're not into this kind of story kindly drop this one and do not proceed. Thank you! 

•••

Third Person's POV

Trinity's life has been the same after 14 years. But she would never give up until that guy who stole her first kiss at the age of 6 would cross her path once again.

Para sakaniya mahalaga ang pangakong binitawan nila.

Siguro nga komplikado dahil bata pa sila at malawak ang mundo para hanapin ang isang bagay na walang kasiguraduhan kung hinahanap ka din ba nito o hindi.

Pero hindi siya titigil hanggang muli silang mag-kita.

Trinityellian Solana Gomez

"Baby, wag ka mag-alala sandalian lang naman doon si ate." Ang hirap pag ikaw talaga naging kaclose ng bunso mong kapatid.

"A-ate promise uuwi ka kaagad?" Paninigurado nito. Sa manila lang naman ako mag-tra-trabaho eh 'di naman sa ibang bansa.

"Oo naman baby. Ano bang gusto mong pasalubong?" Pinunasan ko naman ang mga luha ninya gamit ang kamay ko.

"Ate gusto ko nung doll house!" Naka nguso nitong sabi.

"Sige promise ko sayo ibibili kita ng doll house pag-uwi ko, a?" Tumayo naman ako sa pagkaka-upo at pinagpagan ang suot kong pantalon.

"Pa, Ma, kayo may gusto po ba kayo? Ipapadala ko na lang pag sumahod ako."

"Wala anak, makarating ka lang ng safe doon sa pupuntahan mo okay na kami." Sabi naman ni Mama na naka yakap pa sa braso ni papa.

"Oo nga anak, wag ka muna diyaan mag nonobyo ha?" Si Papa naman talaga eh.

Atsaka ano daw boyfriend? Wala ngang pumapatol sakin eh. 

'Walang pumapatol sayo o may hinahanap ka lang' 

Pangontrang sabi ng utak ko. Well, totoo naman ang sinabi nito. Meron nga akong hinahanap na tao.

"Opo, papa." Kinuha ko na ang mga bagahe ko at umalis na.

Masakit man sa damdamin ko ang iwan ang probinsya at ang pamilya ko ay kailangan ko 'tong gawin dahil isa sa pangarap ko ang makapunta sa manila at makapag ipon ng maraming pera.

'Sigurado ka 'yon lang?'

Hayan nanaman ang pangongontra ng utak ko sa tuwing saabihin kung trabaho lang talaga ang pinunta ko doon at wala ng iba. 

Mahigit anim na oras ang papunta sa manila dahil taga Pangasinan ako. Kaya itinulog ko muna.

...

Maya rin ay ginising ako ng kunductor ng bus at sinabing nandito na daw kami. Agad ko namang hinanda ang mga gamit ko para makababa na. Pagbaba ko naman ay nakita ko agad si Nicole. Oo nga pala si Nicole ay ang best friend ko ever since bata.

"Huy, tagal na nung huli tayong nag-kita ah." Bati niya kaagad saakin.

"'Di naman nung after graduation lang. By the way, okay na ba yung room ko?"

MKT TRILOGY #1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now