Chapter 5

16.4K 295 63
                                    

Hindi ko na alam kung anong oras ako nagising dahil sa puyat kagabi. Gumawa pa kasi ako ng mga paper works at anong oras na din ako naka-uwi.

Pero mas hindi ko alam pano naka takas ang boss ko sa scandalong ginawa niya kagabi.

"Morning, Nicole." Bati ko sakaniya at  tsaka ko ininum iyong tinimpla kung milo. Humikab pa ako dahil pakiramdam ko ay kulang ako ng tulog.

"Ayan! Puyat pa." Sermon nito sa akin. Pagka inom ko ng milo ay tinanong ko ito kung anong oras na.

"Girl! 10 am na." Naibuga ko ang milo na iniinom sa sagot niya. Bukod sa mainit ito ay late na late narin pala ako!

Hindi ko na inubos iyong milo ko at nagmadali akong tumayo at kinuha iyong twalya para maligo na.

"Diyos ko! Ba't hindi mo naman ako ginising." Halos maiyal ko ng sabi dito ng binuksan ko ang faucet para magkarga ng tubig panligo.

"Gaga! Pati nga alarm mo sinukuan ka dahil naka ilang alarm na yan di ka parin gising. Pati nga pusa ng kahit bahay tinapon ko sayo pero wa-epek parin pati sunog prank wala parin!"

Bakit ngayon pa ako na late eh ngayon darating iyong business partner ng Boss ko!

"Trinity may tumatawag sayo. Sagutin ko ba?"

Ayan na nga! Tinatawagan na'ko susmaryosep!

"Boss ang nakalagay. Sagutin ko?"


"Wag. Akin na!" Sagot ko sakaniya at pinatay ang maingay na faucet .


("Trinity, where are you? I hope you're aware-- no you should be aware that we are scheduled on a meeting with the investors. God! For pete's sake don't be late!") Sermon ng boss ko.


"Sir, traffic po sa EDSA." Rason ko kahit ang totoo ay naliligo pa ako.


...

Matapos ang mahigit 30 minutes na pag prepare ko ay natapos na din ako. Hindi na din ako nakapagluto ng baon ko kaya naman umasa nalang ako sa niluto ni Nicole.

Jusko sana hindi sunog yung kanin!


Nainis pa ako dito, asarin ba naman akong mukhang manang amp. Though may point nga naman siya. Mukha talaga akong manang today. Bukod sa nakalimutan kung plantsahin ang damit kung puti ay sabog din ang buhok ko kakamadali at wala na din akong oras mag make up.


Kaya nirentahan ko nalang iyong tricycle para mas mabilis akong maka punta doon at magkaroon ako ng oras na mag ayos man lang kahit kaunti. Maayos na ang itsura ko maliban nalang sa suot ko.

Pag pasok ko palang ng lobby ay saakin na naka tingin ang ibang staff dahil parang hindi sila maka paniwalang ilang linggo palang ako nagtatagal dito ay mala manang na ang itsura ko.

Third Person's POV


30 minutes earlier


It's already 9:50 am in the morning when Leo arrived in his office. His people bowed to him as a sign of respect. It's almost like a casual day.

MKT TRILOGY #1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now