Chapter 2

18.2K 339 45
                                    

"Lunch na po kasi baka pwede na pong mag lunch break?" Nahihiya ko pang tanong.

Napatingin siya sa kaniyang relo na mas lalong nag padagdag ng kanyang kagwapuhan. Yumuko ako at kinagat ang bibig ko at diniinan pa ang pag yakap doon sa hawak kung envelope.

"Yeah, 12 na nga. You can have your lunch now. By the way, set me an appointment with Mr. Velasco 1 week from now. I have some important things to discuss with him sa expansion ng business niya abroad."

Pahabol nito habang pinaglalaruan niya iyong ballpen sa kamay niya. Tumango nalang ako at sinubukang labanan iyong mata niya na diretso na nakatingin sa akin.

"And also, I want you to bring this folders sa kabilang building. I want you to hand it mismo sa owner, don't give it to someone na empleyado lang. This file is worth 10 million contract at kapag nawala mo ikaw ang magbabayad." Dagdag pa niya.

Iaabot na sana niya sa akin kaso nahulog niya ito kaya naman nagkalat ang papeles sa sahig. Kaagad ko namang pinulot iyon. I thought he would help me kaso hindi.

Nainis naman ako sa sarili ko dahil mas napansin ko pa ang kagwapuhan niya kaysa sa pagiging attitude niya.

"Mauna na po ako, Sir." Ngumiti pa ako dito bago tumalikod at lumabas ng opisina niya. Para akong nabunutan ng tinik nang makaalis ako doon.

...

"I asked you to clean my office but until now you haven't yet done it? I'm not paying you to sit there! I'm paying you to clean my office!" Sa labas palang ng opisina niya ay rinig mo na ang sigawan pero parang wala lang sa iba ang ingay na ito. Kaya naman naisipan ko na magtanong sa isang employee.

"Maam, naririnig niyo po ba yung ingay na nagmumula doon?"

"Common na iyan dito sa amin tatanga-tanga rin kasi minsan ang janitress na iyan."

Iniwan naman na ako nung babae na nakausap ko.

"Talagang hindi na mauulit because you're fired!"

Nakakatakot siya kung magalit. Sayang bata pa naman high blood na.

...

Ala-una na ng pumasok ako sa loob siyempre ayokong mapag initan eh kaya saktong sakto ako na pumasok sa loob ng opisina niya.

"I need you to have this signed by Mr. Ravanilla. His office is on 34th floor." Pabungad kaagad niya saakin.

"O-okay po sir!" Kinuha ko kaagad iyong folder at dumiretso na agad sa elevator.

Nang bumukas na ang elevator ay naka ilang lakad palang ako ng matapatan ko ang isang kwarto doon na malaki.

Huminga muna ako ng malalim atsaka kumatok dito kaso wala namang sumasagot kaya pumasok na ako dito.

"Mr. Ravanilla?" sabi ko nung pagka pasok ko sa opisina niya.

"Looks like a goddess is loss." Tumaas ang balahibo ko ng marinig ko ang malalim na boses niya sa tapat ng tenga ko.

"Go-good day, Mr. Ravanilla! I... May mga papers po na kaylangang ipa pirma si Sir Leo." Nanginginig kung sabi at pilit pang napangiti.

Third Person's POV

Leo was busy signing papers until Mr. Seran came in to his office. "Don't you know how to knock?" His head furrowed.

"What do you need?"

"I want to discuss about Mr. Ravanilla's attitude. Alam naman nating he's a womanizer right?"

"Last week my PA, Aisha. barged in to my room saying that Mr. Ravanilla almost raped her—"

MKT TRILOGY #1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now