Chapter 20

5.3K 94 2
                                    

"What the hell are you doing, Trinity?!" Naka kunot noong tanong sakin ni Sir Leo.

What?? Ba't parang kasalanan ko pa? Putangina.

"Sir-

"Shut up! I don't wanna hear any of your excuses." Putol nito at inalalayan si Nicole na tumayo. Napansin ko ang nangaasar na itsura ni Nicole nang tignan ko ito matapos siyang alalayan ni Sir na itayo. "It doesn't mean that I am joking around with you is that you can take advantage to hurt... N-nicole." He hesitated to tell us that one word. Girlfriend.

"I'm sorry," Napayuko nalang ako at pilit na nilunok ang pride.

"A-aray babe, ang sakit ng braso ko. Sobrang lakas ng pagkakatulak niya saakin."

Sana nga mas nilakasan ko pa at ng sa ganon ay maumpog ang ulo mo at baka sakaling magising ka pa sa kahibangan mo.

Nag-lakad na ang mga ito palayo at sila Eeviy at ang iba naming ka-trabaho ay inalalayan ako na makabalik doon sa gazebo. Doon ay pinag tsismisan nila si Nicole at ang masama nitong ugali. Samantalang ako ay heto, hinihimas iyong braso ko dahil nakalmot din pala ako ni Nicole. Bumaon ang kuko niya dito kaya grabe ang pamumula at pagdugo nito.

Buti nalang ay ginamot na ni Aisha at baka ma impeksyon pa ito. Ako yung nasaktan. Ako yung nasugatan. Ako pa yung mali. Grabe naman ito pakiramdam ko ay hindi lang braso ko ang nasugatan kung hindi pati ang puso ko. Its like he's no longer the guy I met way back in Pangasinan.

Isinuot ko ang eye glasses ko. And there ay naging maayos na ang kulay ng mundo ko. I have a disorder called tritanopia kung saan ang kulay na green at blue ay may pagka look-a-like kaya siguro noon ay napagkamalan kung blue ang green na mga mata ni Leo.

And remembering my past made my heartache. The way he looked at me kanina, ang layo layo kung paano niya ako titigan noon. Sabi nila Past is Present, but it doesn't make sense. Kasi nga Past eh, so stuck ka sa nakaraan. Kaya siguro I am always behind him, because I am just a part of his Past and Nicole is his Present.

"Lalim ng iniisip natin diyan ah, share mo naman." Mahina pa akong siniko ni Aisha.

"Iniisip ko lang kung ano ahh-

"Iniisip mo parin ba yung nangyari kanina? Jusko move on girl! Dami daming nagkakandarapa sayo ano! Andiyan si Sir Joshua, Si Mr. Dela Vega. Dala-dalawa pag pipilian mo girl and yet you are choosing that man na hindi man lang inalam ang totoong pagkatao nong kasama niya. Trust me, he's not worth it. Masasaktan ka lang!" Babala nito saakin bago uminom ng coke.

Magsasalita na sana ako ng makita namin sina Luna at Khiro na magkasama papunta saamin. "Good morning Sir & Ma'am." Bati naming lahat.

...

Ilang oras pa ng usapan at kwentuhan kina Sir Khiro at Luna bago nag request ang iba na mag paturo kung paano mag surfing dahil bukod sa pagiging mayaman na negosyante ni Sir Khiro ay kilala din ito sa pag wagi sa isang surfing olympics last year. Pinanood ko nalang sila dahil wala din naman ako sa mood na mag-aral ng surfing ngayon.

"Hi," Hindi ako nag abala na tignan kung sino ang naupo sa sa gilid ng beach bed na inuupuan ko din.

"Nicole's fine, don't worry." As if I care.

"She didn't broke any bones, buti nalang." Buti nalang? Baka dapat 'sayang naman' mas maganda pakingan.

"Are you going to ignore me the whole day? If yes, wag naman."

What? After he shouted me kanina he expect me to just act like nothing happened? Pero ano nga bang magagawa ko eh sekretarya nga lang pala niya ako.

"Hindi naman po, Sir. Naririnig at naiintindihan ko naman po kayo. Wala lang po talaga akong maisip na sasabihin kaya pasensya na po." Sinubukan kong ayusin ang pakikitungo sakaniya.

"What happened to your arm?" Hahawakan na sana niya iyon ng ilayo ko.

"Nagasgasan lang, Sir. Wag niyo na lang po pansinin malayo naman ito sa bituka." Malamig ang tono ko ngunit sinusubukan kung ayusin parin ang boses ko at ng sa ganon ay hindi ako matawag nito ng bastos.

"Look I'm sorry-

"Okay lang po talaga. Sir. Ayos lang 'yon." I cut him off at umalis na.

...

Gabi na at kakatapos lang naming kumain. Gaya ng nangyari kagabi ay gumawa nalang muna kami ng bonfire at pinalibutan iyon. Nag iihaw din kami ng marshmallows. Ramdam ko ang pasulyap sulyap saakin ni Sir Leo kaya naman itong si Joshua ay sobra kung maging sweet. Alam kung pinapaselos niya si Sir. At effective pa ata dahil nasunog ang iniihaw niyang marshmallow.

"CR lang muna ako." Paalam ko kay Joshua.

Tumayo na ako at naglakad patungo sa comfort room ng biglang may humila sa kamay ko at malakas akong isinandal sa pader. Nanghihina ang katawan ko dahil sa pagkaka untog.

"Where is he?" Malalim at nakakatakot ang boses nito.

Hindi ko nagawang sumagot bagkus ay umiling na lamang ako. Akmang ibabalibag na sana ulit nito ang ulo ko sa pader ng biglang may dumating para tulungan ako. Malakas ang pagkaka sapak niya sa lalaking ibinalibag ang likod ko sa pader kaya naman tumba kaagad ito.

"Trinity!"

But it was too late dahil nahilo na ako at natumba.

...

I woke up in an unfamiliar room. "You're awake." Napatingin ako sa gilid ng marinig ang isang pamilyar na boses. The room is so dark and only the lampshade serves as the light inside this room.

"Si-sino ka?" Napakapit ako sa kumot ko ng bigla itong tumayo. I felt the bed sunk at the footboard. Naupo siya roon at sinubukang haplusin ang paa ko kaya inilayo ko iyon kaagad sakaniya.

"Don't be afraid. You know me." Tama siya pero hindi klaro ang boses niya at pakiramdam ko ay mas makikilala ko ito kung mas magiging klaro at mas lalakasan pa niya ang boses ninya.

"Sino ka nga?" Mas lalong humigpit ang hawak ko sa kumot dahil sa takot sakaniya. Ganon nalang ang kilabot na dumaloy sa katawan ko ng malakas niyang hatakin ang kumot na nagsisilbi kaninang balakid para hindi niya ako mahawakan.

||R.A||
RAENAALMEDA

MKT TRILOGY #1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now