Chapter 46

4K 73 6
                                    

Mahigit apat na oras ng nag dri-drive si Leo habang si Trinity ay nakatulog na. Ngayon ay nakarating na sila ng Vigan. Itinigil ni Leo ang sasakyan sa tapat ng isang restaurant upang makapag hapunan muna sila ni Trinity.

At dahil na din sa kalagayan ng dalaga ay mukhang mag che-check-in na lamang sila para makapag pahinga silang pareho

...

Hating gabi na ng maalimpungatan si Leo. Nag madali itong isinindi ang ilaw at hinanap si Trinity ng magising itong wala siya sa tabi niya. Hinalughog niya ang buong hotel room nila at ng mapagtanto niyang wala doon si Trinity ay kaagad itong lumabas ng kwarto bitbit ang baril nito. Hindi na niya pinansin ang suot niyang T-shirt at short pants dahil ang importante ay mahanap niya si Trinity.

Binilisan niya ang pag-takbo hanggang makarating ito sa labas. Nagtataka pa ito dahil ang receptionist ay tulog pati ang guard at mas lalong wala ding Trinity itong naabutan.

Mas lalong uminit ang ulo ni Leo ng mapagtagpi-tagpi ang mga nangyayari at kung ano ang rason kung bakit ito nahihilo at hindi niya naramdaman na umalis si Trinity sa tabi niya. Kung ito ay umalis nga ba o baka kinuha habang sila ay mahimbing na nag papahinga.

Maaaring nag simula ito sa kinain nila sa restaurant at ang pagkain o inumin lamang ni Leo ang nilagyan ng pampatulog. Dahil pag dating nila sa kwarto ay antok na antok na ito at si Trinity naman ay hindi dahil nakapag cellphone pa nga bago siya natulog.

Kaagad itong bumalik sa kwarto at inayos ang gamit nila. Nagbihis na din ito at nag hilamos upang kahit papaano ay mabawasan ang pagkahilo niya.

Aalis na sana ito ng maagaw ng isang maliit na note na naka dikit sa lamesa malapit sa higaan nila. Binitawan niya ang dalang bag at kaagad na kinuha ang note.

'I took her. You know where to find me. I'll be waiting.'

Iyan ang nakalagay sa note. Inis nitong kinusot ang papel bago ito marahas na itinapon. Umigting ang panga niya bago kinuha ang bag at naglakad na. Gising narin ang receptionist maging ang guard. "I'm George Leonardo Zapanta Vasquez, here's my-"

"Ay Sir Vasquez, wag na po. Ibinilin po ng owner na libre na po ang stay ninyo. We hope you enjoyed your stay here." Sabi ng receptionist na nahihilo parin hanggang ngayon.

"Okay, thank you then." Tsaka na ito tumalikod at naglakad papunta sa kotse niya. Isinuot niya ang seatbelt at pinaandar ang kotse. Mabilis niya itong pinaharurut at wala itong pakielam kung may mabanga man ito dahil ang importante ngayon ay ang mailigtas niya si Trinity.

Habang nasa kalagitnaan ito ng pag-dri-drive ay napaisip siya na kahit anong gawin niyang pag protekta kay Trinity ay mapapahamak at mapapahamak parin ito dahil hindi lang isa, dalawa, o tatlo ang nag tatangka sa buhay niya. At kung hindi niya ito gagawan ng paraan ay maaaring hindi lang ang anak nila ang mawawala kundi pati si Trinity.

"I messed up... again." Inis nitong sinampal ang manibela at napaluha na lamang. "Fuck! Fuck! Fuck!" Mura pa niya habang tumatangis.

Pinunasan niya ang luha bago kinuha ang telepono at tumawag. Mabilis na sumagot ang kabilang linya. "I need a back up. ASAP! I'll text the address." Hindi na hinintay ni Leo na sumagot ang nasa kabilang linya at pinatayan na kaagad ito.

...

Nakarating ito sa isang mansyon at kaagad siyang nag park ng kotse. Marahas siyang bumaba ng sasakyan at ganon din sa pag pasok niya sa mansyon. "Where the fuck are you? Get your fucking ass here right now!" Nag echo ang boses nito sa loob.

"Le-leo." Napatingin siya sa likod ng makita si Nicole. Huminga ito ng malalim at pinipigilan ang namumuong galit sa katawan niya.

"Where did you take your best friend?" Halata ang pagod sa itsura ngayon ni Leo. "She's not my friend! Because a real friend would have never dated someone that I like!" Sigaw nito kay Leo.

"J-just enough with the bullshits, Nicole. I want to see my wife. Ano ba'ng gusto-"

"You! I want you! Maibibigay mo ba?" Tumulo ang luha ni Nicole sa magkabilaang mata. "Why was it so easy for you to give up on me? Did you not love me at all-"

"I did not. I played with your feelings just like how you manipulated Trinity's. And I am not sorry at all. I know everything, Nicole. You can't fucking lie to me. Nung nag pakilala ka saakin na ikaw si Tyellian and then we went on a date, I know something was off about you."

"I asked you several times about our experiences back in Pangasinan, but you insist on dodging that topic. Which made me suspect more about you. So I performed my own research on you and Trinity, and being with Trinity, proves a lot that you're not 'Tyellian'."

"Kaya wag kang umasta na parang ikaw pa ang biktima dito. Because it is Trinity. She chose to shut her mouth and let you live with your delusional dreams not because you made her feel guilty with all the helps you provided for her and her family but because you was her best friend. But after all, you can't force my heart to fall for you or anyone. My heart will always belong with Trinity or Tyellian."

Namumula na ang mukha ni Nicole dahil sa mga narinig niya. "I did that because I love you-"

"I don't have time for this." Tumalikod na si Leo at sinubukan na halughugin ang mansyon nang matigil ito dahil sa biglaang pag labas ni Joshua sa gilid at may hawak din itong baril.

"So you're brave enough to enter my territory alone?" Itinapat ni Joshua ang baril sa ulo ni Leo. At si Leo naman ay marahang itinaas ang kamay sa ere. Sa ginawa niyang iyon ay may laser na tumama kay Joshua at pinaputukan din nila ito sa braso kung saan hawak niya ang baril na nakatutok kay Leo.

"This WAS your territory. It's mine now."

||R.A||

RAENAALMEDA

MKT TRILOGY #1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now