Chapter 53

3.6K 70 3
                                    

"Putangina." Wala sa sarili kong sabi.

"I'm sorry, what?" Nangunot ang noo ni Clee at tila hindi makapaniwala sa ginawa kong pagmumura.

"I mean... Ano. Putangina? Ang galing! Hahaha!" Palusot ko pa. Naramdaman ko ang pamumutla ng katawan ko sa sunod niyang sinabi.

"Okay. Anyways, he's in my office. Do you want to stop by and talk about your upcoming partnership? Kahit ano man lang, kaunting usapan. You know?"

"NO!" Halos pasigaw ko ng sabi. "No, kasi ano... May pupuntahan ako." Sinabayan ko pa ito ng tawa. Para na akong baliw sa ginagawa ko ngayon.

"Are you sure that you're okay?" Tumango naman ako sa tanong nito at napahawak sa pouch ko ng mahigpit. Atat na atat ng umalis.

"Oo naman. I am totally fine. Why wouldn't I be? Diba?" I tried acting normal to convince him na ayos lang talaga ako.

"Sige. If you say so. I'll just arrange another meeting for the two of you." Pumamulsa si Clee. "Hindi ka kasama?"

"Gusto mo ba akong kasama?" Nakangiti nitong tanong. "Oo naman." Walang malisya kung sagot.

"Anyways, eto na pala 'yung miryenda na binili ko para sa'yo."

Nakipag-beso muna ako saglit sakaniya atsaka na umalis. Binilisan ko na lamang ang pag drive para makaalis na.

***

"Ready?" Nginitian ko si Clee bago kunin ang kamay niya.

"Tonight, we welcome the highest paid male model here in the Philippines together with the owner of Tyler's Fashion Empire. Mr. Alejandro Cleven Lee and Ms. Trinityellian Solana Gomez." Tumapat saamin ni Clee ang spotlight. Napangiti ako at napahigpit ang paghapit ni Clee sa bewang ko.

"Post po tayo, Ma'am & Sir." Rinig kong sabi ng photographer.

Tumagilid ako at nakipag titigan kay Clee habang nakapatong ang kamay sa dibdib niya.

"Nice shot!" Puri ng photographer.

Naka-ilang take pa ito bago kami naglakad na ni Clee papasok. May mga ilang sikat na artista, models, entrepreneur, business tycoons ang nandito.

Naglakad kami papunta sa kinaroroonan ni Mr. Sandejas. "Good evening, Ms. Gomez. It's so nice to have you as our guest tonight."

Tinangal ko ang mamahalin kung shades at nginitian ito. "Thank you, Mr. Sandejas. Who would've thought that a Sandejas would invite me and my partner to an elite party they hosted."

Natawa ito bago uminom sa alak niya.

"Anyways, I'd like you to meet someone. He once told me that he wanted to reach out to you for a business proposal. But none of his emails got any replies from your company." Napatango at napakunot dahil sa sinabi nito.

"I see. I'll check on that and make action as soon as possible. But who is this again?" Tanong ko at kumuha pa nga ng wine na isineserve nung waiter.

"He'll be here in a minute. Baka nag CR lang." Sabi pa nito at natawa pa nga.

Sinabayan ko nalang ito kahit wala namang nakakatawa sa sinabi niya.

"Who do you think is it?" Bulong ko kay Clee. "I have no idea. Pero baka bigatin din. What a wonderful opportunity." Napangiti na lamang ako sa sinabi ni Clee.

Kesa kabahan ay pinili ko nalamang tumingin sa brighter side.

"Excuse me," Napatingin ako sa nagsalita sa likod ko.

After looking at him I felt like my heart skipped a beat and my world wasn't in motion.

"Good evening, Mr. Sandejas." Nakipag kamay pa ito. "Good evening, Mr. Vasquez. I'd like you to meet someone, Ms. Gomez, the owner of Tyler's Fashion Empire."

He handed his hands to me as if he wanted to shake hands. That's the last thing I'll ever want to do. "Hi!"

Lumunok ako. What should I say?

"Buona serata! I am deeply sorry, Sir if no one had answered any of your emails. I'll make action as soon as I get back to work. Don't worry." I forced myself to smile in front of him.

"Let's not think about that for now." He answered. 

His presence makes me want to throw up. Nanginginig ang mga kamay ko na siyang napansin naman ata ni Clee. "Ayos ka lang?" Bulong niya. 

"No, I am not. Ang sama ng pakiramdam ko. I want to go home. Pero baka kaya ko namang tiisin."  

Kung alam ko lang talaga na andito siya. I would've hired someone to pretend as my boyfriend. Para di naman niya isiping I am miserable. 

Nang bigla namang may mag play ng instrumental music. 

"May I-" Mag sasalita na sana si Clee nang maunahan naman siya ni Leo. 

Ni hindi na nga ito nagpaalam saakin kung ayos lang ba na isayaw niya ako. At basta na lamang kinuha ang kamay ko at pasimple pang sinagi ang kamay ni Clee. Gago talaga.

"Trinity,"

"It's Ms. Gomez." I corrected him. How dare he call me that? Who does he think he is? He's just someone who I used to know. Nothing more.

"Alright, Mrs. Vasquez. "

||R.A||

RAENA ALMEDA

MKT TRILOGY #1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now