Chapter 42

3.9K 79 4
                                    

Akala ko ay a-attend lang kami sa isang corporate event. I never expected this to happen. Dahil baka ang balak ni Leo ay mag propose after kung manganak. 'Yun ang iniisip ko.

"I love you so much, Trinity." Mahigpit ang pagkakayakap niya saakin at ganoon din naman ang ibinalik ko.

This is it! We're finally having our own happily ever after.

...

Pumasok na kami sa loob ng hotel sakto naman ay nag sasayawan ang lahat kaya naman nakisabay din kami.

Slow dance lang ang ginagawa naming dalawa at nakapatong ang ulo ko sa balikat niya at ang kamay niya naman ay nakayakap sa bewang ko.

"You're spoiling me with so much surprises today, Leo. It's my turn. After this party I have something to tell you." Bulong ko sakaniya. I've been waiting for this moment.

"I've never been excited about surprises like this before. Well maybe because I never get to experience one. Thank you for making me feel these things." Lumunok ako at tinignan siya.

He never mentioned anything about his childhood. Pero nararamdaman ko ang hindi magandang naranasan niya mula pagka-bata.

He's a grown up man yet the pain is still visible through his eyes every time he opens up about this topic or something that has to do with his childhood. And maybe that's the reason why he is easily attached to childrens.

But I hope, when he finally has the strength to talk about it he would come to me and tell about it. Just like what I'm about to do.

Because after 14 years, I finally had the guts to tell him, I am that kid he met at Pangasinan way back in 2006.

...

"Nasaan pala si Joshua?" Natanong ko kay Leo habang kumakain.

"I don't know either. Hindi naman niya sinasagot ang mga tawag ko. Everyone's been looking for him too." Natigil ako sa pag subo ng salad at kinuha ang purse ko kung nasaan ang telepono ko.

Pagkakuha ko nito ay agad kung tinawagan si Joshua kaso pinatayan naman ako. Muli ko sana itong tatawagan kaso naka receive ako ng message galing sakaniya.

From (Joshua)

: Can't attend the party, sorry. Ingat nalang and enjoy.

To (Joshua)

: Why?

From (Joshua)

: I have something to do. Don't worry, magkikita din tayo.

Somehow his message sent shivers down to my spine.

Itinago ko na lamang ang cellphone ko at nag enjoy na lamang lalo na't naka play ngayon ang proposal video ni Leo saakin kanina.

Ilang 'Congratulations' ang natangap ko ngayon na hindi ko na din mapigilan ang maging emotional.

Ang kaso ay napasigaw ang lahat ng sunod sunod na putok ng baril ang narinig. Maski ako ay nagulat kaya napabilis ang tibok ng puso ko.

Kaagad akong niyakap ni Leo. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko sa takot. Hinahagod niya din ang likod ko at sinusubukan akong pakalmahin.

"W-what's happening? Ba-ba't may putok ng baril, Leo?" Naka baon ang ulo ko sa dibdib niya dahil sa takot.

"I don't know, Baby. Pero siguradong tinignan na ng mga guards iyon. D-don't worry."

Nanginginig ang kamay ko habang mahigpit na nakahawak sa damit niya. Biglang nag ring ang telepono ni Leo, sinagot niya ito gamit ang kanang kamay niya habang ang kaliwa ay nakayakap parin saakin.

"Hello?" Panimula ni Leo kaya napatingin ako sakaniya.

Sunod sunod itong napalunok at kung saan saan ibinabaling ang mga tingin niya na tila may hinahanap ito.

"Trinity," Narinig ko ang boses ni Aisha na tinatawag ako.

"Ayos ka lang ba? Ma-may nararamdaman ka ba?" Nag-aalala nitong tanong saakin.

"Ayos lang naman ako. Ikaw? Sa'n ka galing?" Nag iwas ito ng tingin saakin at doon ko lang napansin na parang mugto ang mata niya at mukhang bagong retouch lang ang make-up niya ngayon.

Tatanungin ko sana kung anong nangyari sakaniya pero bigla namang sumingit si Leo.

"Baby," Napatingin naman ako ngayon kay Leo.

"I- may pupuntahan lang ako saglit, okay? Stay here. Aisha, and Sky will take care of you." Hinawakan ko ito sa kamay.

"Where are you going? Sama ako."

"No, stay here. Mabilis lang ako. Don't ever go out, okay? Just stay here please." Natatakot ako sa pwedeng mangyari sakaniya.

Nagpunta ito sa harap at kinuha ang microphone.

"Everyone! Please stay here at the moment. I'll check what's happening outside. I repeat please do not go out." Pagkasabi niya non ay umalis na kaagad siya at hindi na sinagot ang mga bisita sa mga tanong nila kung ano ba'ng nangyayari.

"Umupo ka muna dito, Trinity." Hinawakan ni Aisha ang kamay ko at dahan dahan akong inalalayan na umupo. Si Sky naman ay nandito narin sa tabi namin.

Sinubukan kung ikalma ang sarili ko at pinipilit ang sarili na mag-isip ng mga positibong bagay.

Kaso kahit anong gawin ko ay patuloy ko lang na naiisip si Leo at baka kung anong mangyari sakaniya.

"Aisha, CR lang ako." Pag sisinungaling ko dito.

"Samahan na kita." Huminga ako ng malalim dahil mukhang wala akong lusot.

"Hindi na. Dito lang naman yung restroom diba?" Sinusubukan ko paring kumbinsihin si Aisha na wag na akong samahan.

"Kahit na. Samahan na kita." Umigting ang panga ko bago tumango.

Nung una ay mabagal lamang ang paglalakad ko at ng maka tiyempo na ay tumakbo na ako pero kahit ganoon ay may pag iingat parin dahil baka madulas ako. Kampante naman akong tumakbo dahil sabi ng doctor ay pwede pa naman ako sa mga ganitong exercises.

Kaagad akong nakarating sa labas. Huminga muna ako ng malalim dahil hiningal ako ng kaunti dahil sa ginawa kung pag takbo.

Ngunit sa pag mulat ng mga mata ko ay bigla namang may tumigil na van sa harap ko at nagmamadali ang mga ito na dakipin ako. Tinakpan ng isa sakanila ang bibig ko para hindi ako makasigaw.

Nagpupumiglas ako sa mga ito ngunit masiyado silang marami na pinagtulungan akong ipasok sa loob ng van. Natanaw ko pa si Aisha at Sky na kalalabas lang at sinusubukan na bawiin ako pero huli na ang lahat dahil umandar na ang sasakyan.

||R.A||

RAENAALMEDA

Hi mga seleys! Sorry short update lang muna hehe, tinapos ko kase mga peta ko last week and nagpahinga ako ng ilang araw hehe, lablatsss ♥ Salamat sa patuloy na pagsuporta sa istoryang ito😊 HAPPY 20K READS!!

MKT TRILOGY #1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now