Chapter 48

3.7K 70 3
                                    

I was bawling my eyes out and whimpering when I took a peek at the helicopter’s window. I saw him. He was down there and looking at us as we go far from where he is. He came. But it was too late.

He fell down in his knees while still looking at me. It broke my heart, seeing us this way. I want to be with him, happily and peacefully… but faith just keeps on getting in our way.

It took me fourteen years to find him. And now that he’s in my arms, faith is ruining our chances to be finally together. Do I have to wait another decade to have that one and only thing I have asked for in my life?

The Helicopter landed safely somewhere in Tondaligan. The Pilot helped me get down but as soon as my feet touched the land, Nicole immediately drag me inside the van. I don’t know where we are heading to, so I kept crying as if my tears never ran out and pleaded her to let me go.

“We… We would have still been friends if only he could return my feelings.” She whispered, not looking at me.

“We can still be friends, Nicole. It’s never too la—”

I was stunned when she turned around and looked at me. I saw her tears falling from her cheeks. “H-how can you say that? After all I did, after I put you through hell. How can you still think we can still be friends? How can you see the good in people who almost killed you and your child?”

I gulped. “It was never wrong to fall for someone, Nicole. You fell in love. What’s wrong is, when you keep pushing yourself to someone who clarified everything to you and pretending someone you are not.” I answered.

She looked away. “So you want me to just stop how I feel because it’s wrong?”

“Y-yes. You don’t deserve this. You don’t deserve to chase someone, beg for their love and attention. You deserve more than that—”

“Paano? Sarili ko ngang magulang ay hindi ako mahal. Alam mo ba kung gaano kasakit saakin sa tuwing ikinukumpara nila ako sa’yo? At lagi nilang pinapamukha saakin na walang-wala ako kumpara sa’yo?”

“Na sana, ikaw nalang naging anak nila? Tangina! Kaya paano? I had no one else aside from Leo. Kaya wala kang alam kung bakit ganito ako ka-desperado sakaniya. Because with him, I found my peace.”

Nagulat ako sa pag sigaw nito saakin. Parang lahat ng galit niya sa mundo ay gusto nitong ipasalo saakin at ipaalam na ako ang rason ng sakit at pag-hi-hirap na nararanasan niya.

“But you took that away! That person who made me feel loved, cherished and safe. And no amount of words can tell how I hate you for taking away the person I found my peace at.”

Hagulgul nito. Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko naman magawa dahil baka masaktan niya lang ako.

Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa bintana ng van at hinayaan na tumulo ang luha ko. Kaya pala okay na okay lang kung tumulong ang pamilya ni Nicole saamin dahil ang iniisip nila ay mas maayos at matino akong anak kaysa kay Nicole.

Kaya pala may mga araw na mugto ang mata ni Nicole pagkarating niya sa kung saang lugar kami naglalaro. Dahil ganoon pala ang naririnig niya sa bahay nila.

Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko at pinipilit ang sarili na tumahan na. Alam ko ay nasa Calasiao na kami at lumiko ito papuntang kaliwa at pa-diretso sa Balani. Ito ang shortcut dito sa ngayon papuntang Gabon dahil sarado ‘yung isang daan.

Madilim at may pagka-lubak-lubak ang daan. Mabilis ang pag-ma-maneho ng driver kaya nagulat na lamang kami ng biglang mawalan ito ng kontrol sa sasakyan at malakas na lamang itong bumanga sa poste.

Nanlalabo ang mga mata ko ng imulat ko ito. Walang malay lahat ng kasama ko maliban saakin. Napalunok ako bago sinubukan na bumaba. Mabuti na lamang ay hindi ito naka lock.

Habang nag-la-lakad ay napansin ko ang ilang dugo sa pambaba ng suot kung dress.

Nasugatan ba ako?

Kaagad kong tinignan ang kamay ko kung may sugat ba at naipahid ko lamang dito. Pero wala naman. Muli ko itong tinignan ng paulit-ulit at baka nagkakamali lamang ako hanggang sa maiyak na lamang ako sa isip na… nakunan yata ako.

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa maka-layo narin ako sa kinaroroonan ng van. May ilang tao na nag labasan ng bahay nila para tignan kung ano ang nangyari. Mga tatlo din o lima. Hindi ko sigurado dahil nanlalabo na din ang paningin ko.

Nanginginig na ang paa ko at kaunti na lamang ay bibigay na. Ngunit pinilit kong wag. Kaylangan kong humingi ng tulong.

Tumayo ako sa kanang gilid ng tulay at pumapara, nagba-baka sakaling may tutulong saakin. “Tulong,” Paos ang boses ko at hinang hina na.

Muling may dumaan na kotse at muli ko rin itong pinara. “Tulong!” Sigaw ko dito at napaluha na lamang ng muli nanaman ako nitong lampasan.

Ginamit ko ang buong lakas ko para isigaw iyon na siyang nag-pa-nginig mas lalo sa paa ko at naging sanhi nito upang bumigay na lamang dahil sa hina. Huminga ako ng malalim ng maramdamang pabagsak na ang katawak ko

Pabagsak sa mga kamay niya.

||R.A||
RAENAALMEDA

MKT TRILOGY #1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now