Chapter 56

3.7K 70 1
                                    

"Natin. Anak natin." Pag-uulit pa nito.

Para akong nabingi bigla sa sinabi niya. Is this a joke? Pa'nong anak namin 'yan eh matagal ng pumanaw ang anak namin.

"Our child... Did not die. He never left us. You—"

"If this is a joke you better stop it. I'm not playing games with you." Nangingilid na ang luha ko dahil sa mga pinagsasasabi niya.

"I'm not playing games with you, Ty."

"Tumigil kana. And just bring me home!"

Napasigaw na ako at napaluha. How can he talk things like this na parang hindi siya nasasaktan?

"If you would just let me explain." Halatang halata ang lungkot sa mga mata niya.

...

Narito kami sa sala at tulala parin ako mula sa mga narinig ko kanina.

"On that day, where you got into an accident. Our child— actually made it. Hindi ito namatay. Pinalabas lang namin ng mga panahong iyun dahil delikado ang buhay ng anak natin."

I did not say anything. I want him to explain first before judging.

"Months after Joshua Navickas had died, his family went after our baby. Not you or me. But the child. They wanted the baby to die to ensure that no one will ever carry my name and blood. Because they think that the child will take over my position once he turns 15."

"But I will do everything in my power to stop that, I have left the fraternity and have given it to someone who deserves it more than I do. I also kept the baby with me to make sure that nothing will ever happen to him."

He was playing with his hands while explaining. He's nervous.

"I can provide any evidences that you want if you still don't believe me—" 

I cut him off. "What's his name?" 

Nakatingin ako ngayon sa batang nag lalaro sa crib. Di masiyadong malayo saamin. 

"Solitaire Tyler Gomez Vasquez. I named him just like how I know you would. He's 3 years old and his first words were "love you" and "mama"." 

Tumayo ako at nilapitan ang anak namin na abala sa paglalaro ng kaniyang teddy bear. 

Yumuko ako upang magpantay ang tangkad namin ng bata. 

"H-hi!" mahina ang boses ko at nanginginig pa nga. 

Tinignan ako ng bata at tuluyan ng tumulo ang luhang kanina pa nagbabantang tumulo muli. 

Anak ko nga siya. 

Pinagmasdan ko ang itsura ng anak ko. May pagka kulot ang buhok nito at ang mapupulang labi niya na namana niya saakin. Maski ang mga mata nitong kulay kape ay saakin din nagmana. Habang ang kulay gatas na kutis niya, at ang matatangos na ilong ay namana niya sa kaniyang ama. 

Sa mga tingin niya palang ay alam kong anak ko ang batang ito. Walang duda. 

Lumapit ito at inilusot ang kamay niya sa butas ng crib at hinawakan ang mukha ko. Malambot ang kamay nito kaya't dinama ko ito.

Ngumiti siya at tumawa. "Mama!". Masayang tugon niya.

... 

Narito ako sa kwarto ng anak ko at buhat buhat siya. Mahimbing itong nakatulog sa balikat ko. 

Maghahating gabi na ata ngunit hindi ako dinadalaw ng antok. 

Hindi parin ako makapaniwala na matapos ang tatlong taon ay buhay pala ang anak ko. Nabuhayan ang pagkatao ko sa mga nalaman ko ngayon. 

Iisipin ko sanang panaginip ito kung hindi lang hinaplos ng anak ko ang pisnge ko. 

Napatingin ako sa pintuan ng bumukas ito. Si Leo lang pala. 

"Hindi ka pa inaantok?" Tanong nito at umiling lamang ako bilang sagot. 

"Do you want anything to eat?" Muli nanaman niyang tanong kaya umiling uli ako bilang sagot. 

Ayoko siyang kausap!

"Talk to me." He demanded. 

"I want to go home and I'm bringing my baby with me." Masungit kung sabi sakaniya. 

"Ayaw mo ba akong isama?" 

Kinunutan ko ito ng noo. "Bakit? Sino ka ba?" 

"Your ex first kiss, and ex boyfriend. Do I have to remind you, Tyellian?" 

Oh. Alam na niya pala. Good. 

"Kadiri nga eh. Batang bata hinahalikan. Bastos." Asar ko dito. 

Hindi ako kinikilig. Naiinis ako sakaniya. 

Magsasalita pa sana ito kaso naunahan ko na siya. "Let's not forget the fact that you're dating someone. So please don't talk to me like we're still together." 

Mukhang siya naman ngayon ang nangungunot ang nuo. "How am I supposed to date anyone if I have never moved on from the mother of child?"

Alam ko namang binobola lang niya ako kaya hindi ako basta basta mag papadala.

"Alright, guess you don't really want to talk to me. I'll fix a flight for us tomorrow. Para maka-uwi narin tayo."

||R. A||
RAENA ALMEDA

MKT TRILOGY #1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now