Chapter 55

3.6K 69 1
                                    

Dude, let her eat what she wants."

Matalim ang mga tingin na ibinigay ni Leo kay Clee. At si Clee naman ay nanatiling tahimik na lamang at iniurong na ang dala niyang pagkain.

"What can I do for you, Mr. Vasquez?" Nang tawagin ko siya ay doon na nagbago ang tingin nito. He went from raging mad to calm and sweet. 

"I want to talk to you. Alone." Sinenyasan ko naman agad si Clee na lumabas. 

"Apologies, Sir. But I only have 10 minutes to entertain guests since you don't have a proper appointment. What is it that you want to talk about?" Seryosong tanong ko habang iginigilid ang pagkain ko. 

Kung siya lang din ang investor na tutulong saakin. Then, no thanks. Hindi ko siya kawalan

"I want to talk about us." Mabilisan niyang sabi. Uminom ako at napatango tango pa. 

"Correction, there's no us." I looked at him deep in the eyes to let him know that I'm dead serious. 

"I know, I know. And I want to try my luck. Nagbabaka sakali lang naman kasi ako na baka pwede pa." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. 

"Yes, I turned my back when you needed me the most. I left not because you pushed me away. But because I know that's the right thing to do—" 

"Kaylan pa putanginang naging tama ang pabayaan ako?" Napa hampas na ako sa lamesa ko. 

"Kung... Kung hindi ako umalis, mapapahamak ka. Pati narin ang anak natin." 

I can't believe this guy. "The baby died even before you left. Nakakalimutan mo na ba?" 

"Stop lying, Tyellian. I know the baby was alive. Kaya nga ako umalis. Because staying with you means you will never be safe." 

Kagaguhn.

"Maybe, you're right. I lied." Pinunasan ko ang luha ko. "But I got into an accident, months after you left me, and when I woke up..."

Nanginig ang mga labi ko. I can't. I can't talk about it anymore. Ang sakit sakit parin. 

"I need to show you something." Tumayo siya at hinila ako palabas ng opisina ko kaya naman ay hinili ko na kaagad ang bag ko.

We took the stairs instead of the elevator, dahil baka matagalan lang kami. Dumiretso kami sa rooftop at may nag hihintay doon na helicopter. 

"Just where the hell are you taking me?" 

"Just trust me on this." His grip tightened on my hands. Nakasakay na kami at isinuot ko naman ang seatbelt ko pati narin ang headphones.

Nanginginig ang mga kamay ko hanggang sa pag takeoff ng helicopter. 

...

Naramdaman ko ang mahinang pag-alog ni Leo sa balikat ko. Unti-unti akong napamulat at nagulat na lamang ako na nasa isang hotel room na'ko.

"Nakatulog ka kanina. So, I didn't bother to wake you up." Sabi nito habang nag bubuhos ng tubig sa baso niya. Ako naman ay abala sa kakahanap ng bag ko.

"I hid it. I want you to focus on this trip. I'll return it as soon as we go home." 

"What the hell? Ibalik mo bag ko. Or else, I'll go home." Pananakot ko dito.

Pero parang hindi siya nasindak at lumapit pa nga saakin. Na-upo siya sa tabi ng hinihigaan kong kama. "How? Tell me, how? When I have everything that you've got. Your bag, phone, debit cards, passport, and pocket money. You have no escape here. And you will be stuck with me for as long as I want." Tsaka na ito tumayo.

May kinuha itong damit sa isang cabinet. "Here. Dress up. We've got a dinner to catch." 

Nag punta ako ng CR at doon nag bihis. I was wearing a white turtleneck jumper layered with a brown coat and partnered with brown boots. 

... 

Habang nagmamaneho si Leo ay wala akong ideya kung saan kami papunta. 

"What do you want? Why the hell are you doing this?" I asked to start a conversation between us. 

"You'll know soon." Diretso ang tingin ni Leo sa daan. 

Pumasok ang kotse sa isang patagong bahay at doon nag park. Pagbaba niya ng kotse ay sinalubong siya ng mga kasambahay. 

Ipinagbuksan niya rin ako ng pinto at bumaba narin. Hinawakan niya ang kamay ko habang papasok kami sa bahay. 

At ng makapasok kami ay kumabog ang puso ko sa hindi malamang bagay. Sumalubong ang isang kasambahay saamin bitbit ang isang bata. 

"Good evening, Sir." Bati nito kay Leo bago marahan na ipinakarga ang bata sakaniya.

Habang nakikita si Leo na bitbit ang bata ay siyang paglala din ng nararamdaman ko.

"A-anak mo?" Tanong ko dito.

Huminga ito ng malalim bago sumagot sa tanong ko. "Natin."

||R.A||
RAENA ALMEDA

MKT TRILOGY #1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now