Chapter 15

5.6K 112 11
                                    

Hanggang Ngayon - Regine Velasquez (Playing)

Narinig ko ang pinapatugtug ni Aisha sa cellphone niya dahil sabay lang na dumating ang bangka nila sa bangka namin. Hindi ko alam kung sinasadiya niya ba ito o hindi. Tangina nakakagago.

"Leo," Tawag pa ni Nicole sa Boss namin. Pero nahipnotismo ata ang Boss namin sa mukha ko dahil hindi niya matangal ang mga banyaga niyang mata saakin.

I remember 14 years ago when we first wet, he used to stare my eyes just like this.

"Ano ba Leo? Okay naman na si Trinity ibaba mo na!" Narinig ko pang sabi ni Nicole at doon na ata nahimasmasan ang Boss namin. Medjo awkward pa ng kaunti dahil sa nangyari pero nagawa ko namang ayusin ang pakikitungo ko at nag pangap na parang di ako affected dito.

Nang makarating na kami sa resthouse ay mayroon ng mga upuan at tables na naka handa doon maski ang projector ko ay maayos na rin. Kaagad akong i-prinesent ang mga files ko at saktong lunch na ng matapos ako. Kaagad kaming nag tungo sa beach dahil doon ko naman ipina set up ang lunch namin.

"This is really impressive, Trinity." Naka pamewang si Boss habang naka ngiti at ang buhok naman niya ay mahinang hinahangin. Putang ina. Sunod sunod akong napalunok ng sinimulan niyang tanggalin ang damit niya at nagtatakbo papunta sa beach.

Lahat ay halos tumulo ang laway dahil sa toned nitong katawan at higit sa lahat ay ang 8 pack abs ninya na nasisigurado kung matitigas kahit hindi ko pa ito nahahawakan. Saan ba siya tumitira? Sa Gym ba?

Sumunod din kay Sir Leo sila Sir Sky at Sir Khiro at maging si Joshua din. Gwapo naman si Joshua pero hindi talaga maikakailang lamang na lamang ng ilang drum na paligo sila Sir Sky at Sir Khiro.

Tinignan ko ang mga girlfriends na isinama nila Sky at Khiro. Si Aisha ay hawak parin ang camera pero hindi na matangal ang mga mata niya kay Sir Sky. Si Luna ay busy masiyado sa pagkain na hindi niya napapansin ang galing sa pag surfing nitong si Sir Khiro. Magagaling silang lahat dito pero halatang mas bihasa si Sir Khiro kumpara sakanila.

Sumunod naman na ang iba naming co-workers after nilang kumain at naglaro pa nga sila ng volleyball eh. Gusto ko mang sumama ay hindi ko naman magawa dahil sa mga paperworks at calls na bigla biglaang tumatawag sa Boss ko. Mamaya nalang siguro ako magtatampisaw.

"Come on, Trinity. There's nothing to rush, come and enjoy." Hahawakan pa sana ni Boss ang kamay ko at hihilain na papunta sa dagat kaso inilayo ko na kaagad ito.

"Mamaya nalang po ako, Sir. May mga important calls po kasi kayong maya maya tumatawag and paper works na kaylangan kong gawin." Paliwanag ko pa dito.

"That can wait, and besides nag inform narin naman na ako na I'm on a business trip kaya kung may tumawag diyan ay ang dad at kapatid ko lang. So let's go na." Akma nanaman niyang kukunin ang kamay ko ng ituro ko iyong bag ko.

"Okay lang po talaga, Sir. Bukas nalang po ako mag eenjoy tatapusin ko lang iyong mga paperworks ko." Doon ay naupo na siya sa tabi ko at kinuha ang laptop niya.

"If you're not going then I'm not going also. Ang unfair naman kung ang secretary ko eh hindi mag e-enjoy while I'm there having fun and relaxing." Hibang na ba siya? Eh parte ito ng trabaho ko eh. Hindi naman niya ako binabayaran na para mag enjoy sa mga business trips ninya.

Napakamot ako sa ginagawa niyang pang gu-guilty. "Bihis lang po ako sirin, Sir." Napangiti ito at sinabing hihintayin niya nalang daw ako. Kinuha ko iyong bigay saakin ni Sir na swimsuit which is yung Dolce & Gabbana Belted plunge-neck swimsuit. Nahulma ng swimsuit na ito ang bawat curves sa katawan ko at kitang kita ang kaputian ng katawan ko dahil sa black na color nitong swimsuit.

Inipitan ko lamang ang buhok ko ng pusod at isinuot ang white flat hilfiger sandals.


"Amoy expensive ah!!" Rinig kung sigaw ni Aisha na pagkalabas ko ng banyo at dumiretso kaagad kay Leo. Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil dito.

"Fuck. I really have such a good fashion sense." Mahinang bulong ng Boss ko sa sarili ninya habang ang mata niya ay kinikilatis ang buong pagkatao ko.

...

Mag kasama kami ni Luna nag aaral kung paano mag surf. Ang instructor ni Luna ay of course si Khiro habang ako naman ay itong gwapong kakilala ni Khiro. Nagka taon kasing magkasabay ang business trip namin sa mga Dela Vega. Which is wala naman daw problema kay Sir dahil in  a few months after ng partnership sa mga Navickas ay susunod na ang mga Dela Vega.

Hawak hawak ni Axcel ang bewang ko at tinuturuan ako kung paano dapat ako tatayo sa dagat. Habang hirap na hirap ako dito ay kaagad akong napa pikit dahil sa biglang may naghahampasan ng buhangin. Sila Khiro at Luna lang pala.

"Stop it, Luna, Come on I'm sorry." Tumatawa pa si Khiro habang pilit na iniilagan ang mga buhangin na ibinabato sakaniya ni Luna.

"Ayoko nga, kung gusto mo nung muah muah sabihin mo lang. Pasimple ka pang tukmol ka eh." Natawa kami pareho ni Axcel dahil sa mala childish nilang relationship. Ala ang sweet lang kasi.

"Pahinga muna tayo?" Tanong saakin ni Axcel at tumango naman ako sakaniya.

"Am I not really bothering you, Mr. Dela Vega?" Umiling ito sa tanong ko at ngumiti.

"No no not at all. Sumama lang naman ako dito because Domino told me so. Business like this is not really my thing. I'm a famous 5 star chef,  I also have 23 restaurants all over the world. If you don't mind after ng business trip ninyo we can go in my restaurant and have a simple dinner." Pasimple na tumaas ang kilay ko kay Axcel. Ang bilis naman nito mang aya ng date aba.

"I'll think about it, Mr. Dela Vega. Madami po kasi kaming gagawin for sure after ng trip namin." Naglalakad kami papunta doon sa nakahain na bouffette.

"Mr. Dela Vega, nice meeting you." Sabay kaming napatingin ni Axcel ng marinig namin nag boses ni Sir Leo sa likod namin.

||R.A||

RAENAALMEDA

MKT TRILOGY #1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now