Chapter 52

3.6K 67 3
                                    

I stared at them.

Ang saya nila.

Yung mga nababasa ko online, are they even sure na rumors lang na nagda-date sila? Dahil sa tingin ko, hindi. I feels like it's more than that. Ang saya saya nila and they even look inseparable.

I turned my back and went to my car.

Inilagay ko nalang ang kwintas sa glove box ng kotse ko. Wala akong lakas ngayon na suotin ito.

This is what I am afraid of.

He knew my fear of losing him. And he showed it to me mercilessly. My heart ached as I turn my back and walked away. I forced myself not to cry as people started to run toward me. They were asking for photos. I bitterly smiled at them as I refuse and opened my car.

Some called me masungit, mataray, mayabang, and etc.

How I wish I could be vocal with how I felt.

...

Dumaan ako sa condo ni Clee. Mabuti na lang ay gising pa ito. "Why are you crying? Are you okay?"

Imbes na sagutin ang tanong niya ay niyakap ko na lamang ito. Marahan niya akong hinaplos sa likod at pilit na pinapatahan. Nagulat pa ito at tila ngayon lang niya narinig ang paghugulgul kong ganito.

"Who hurt you, T? Sabihin mo." Ibinabaon niya ang ulo ko sa dibdib niya. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya dahil sa mga oras na ito ang naririnig ko lamang ay ang masakit na pagtibok ng puso ko.

Inalalayan ako nitong umupo sa couch. Ikinuha niya din ako ng tissue at tubig.

"If you can't open up yet. It's fine. But if you need to talk to someone. I'm right here." Hinawakan pa nito ang kamay ko.

Tulala parin ako at mugto parin ang mga mata.

Sa sobrang pagod ay nakatulog na din ako.

***

"Sa dami ninyo ni isa walang maipakita saaking bagong design?" Kalmado ngunit stressed ko ng sabi. Sapo ko pa ang ulo ko.

Halos walang maka sagot sa tanong ko. "Meeting adjourned! I want everyone to come up with a new design by next week. Ayusin niyo trabaho niyo."

Inis akong lumabas ng conference room bitbit ang kape ko. "Ma'am? Ma'am!" Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa likod ko.

"Yes? Can I help you?"

"Ako po 'yung bagong Janitor. Yssikah, po!" Nakangiti nitong sabi. Napakunot ako at tumango-tango din. "Okay?"

"Ah ano po, balita ko kasi nagkaka problema po kayo sa mga designs ng damit? Ah actually mahilig po kasi ako mag design din ng damit. Eto nga po, may samples ak-"

"You're not a fashion designer." Aniya ko.

"Yes! Kasi di afford ng parents ko ang fashion school. Pero hindi naman 'yon naging sagabal para tumigil ako sa pag de-design ng damit."

Tumango ako. Tila sanay na siya sa mga ganitong tanong.

"Anyways, eto yung mga designs ko po. Lahat' yan bagong drawing lang, Ma'am."

Inabot niya saakin ang isang sketch pad.

Unti-unti ko itong ibinuklat. "Wow," Tulala at namamangha kung sabi.

Kung hindi siya nagtratrabaho dito as Janitor baka napagkamalan ko na siyang isang sikat na fashion designer.

Tumikham ako bago isinara iyun. "Let's talk later. I have a great offer for you."

Ibinalik ko sakaniya ang sketch pad at nginitian ito bago naglakad paalis.

Narinig ko siyang nag tititili dahil sa saya. At napangiti ako dahil doon.

...

Isinara ko ang kotse at naglakad papasok sa kompanya na pinag tra-trabahuan ni Clee.

Bumili din ako ng paborito niyang Krispy Creme at Latte.

Sakto naman ay nagkasalubong na kami sa lobby. "Hey!" I waved at him.

"Oh, hi! Akala ko hindi kana dadating." Biro pa niya bago bumeso.

"Anyways, I have a surprise for you. Remember Mr. Sandejas? We had a meeting earlier. And surprisingly, it's not just him who came to my office."

Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Clee.

"What do you mean?"

Ngumiti ito bago pumamulsa. "He was with Mr. George Leonardo Zapanta Vasquez. If you remember him. Well, we had a lot of talks a while ago. And Mr. Vasquez wants to schedule a meeting with you. Dahil interesado daw itong mag invest sa business mo. Isn't that great, T? What do you think?"

||R.A||
RAENA ALMEDA

MKT TRILOGY #1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now