Chapter 10

5.8K 107 4
                                    

Nasa kalagitnaan ako ng pagsusuklay habang nakasakay sa tricycle. Alas onse na kase ng makaalis ako sa bahay namin. At ang usapan namin ng Boss ko ay mga 10:50 kami magkikita. Buti nalang ay hindi masiyadong kalayuan iyong pag memeet-ingan namin ng Boss ko.

"Manong, para po!" Sabi ko dito at inabutan ito ng 40 pesos.

Merong isang mama na sumalubong saakin at may dala itong payong. "Do you have any reservations, Ma'am?" Tanong nito. "Yes, ah under the name of Mr. Vasquez."

Sinamahan ako nito hanggang sa makarating kami sa table ng Boss ko. Naabutan ko siyang kasama na si Joshua.

"It's about time, Ms. Gomez." Nahihiya akong yumuko at nakita ko si Joshua na tumatawa-tawa pa. "As usual late ka nanaman." Sabi ni Joshua. Aba ngi-ngiti ngiti ngayon ang loko ah. Mukhang may magandang nangyari. "You may sit down, so we could properly discuss our terms and agreement for the second time." Sabi ng Boss ko at ako naman ay nagmamadaling umupo sa tabi niya at inopen ang Laptop para ipakita ang ginawa kung presentation dito.

Ipinaliwanag ko sa Boss ang mangyayaring New Terms & Agreement namin kay Joshua para doon sa gusto nilang Resort na ipatayo sa Palawan. Isa na doon ang 28 % na makukuha ni Joshua sa kikitain ng company.

"I agree with everything that's written in our contract. But I wanna make things clear that even if you dismissed those specific employees of yours that's written in the paper I gave you is that I'm still gonna sue them." Tumango si Joshua bago sumipsip doon sa frappe niya.

"Yeah, of course. No problem. So does this mean our Vacation on Palawan will no longer be postponed?" Maski ako ay napatingin kay Boss kung papayag na ba ito.

"Yup, I am sure Trinity here have fixed everything. The Hotel, Activities, and whatever?" Napatango kaagad ako kay Boss.

"Yes sir, I actually sent you a confirmation if okay na po 'yung napili kung Hotel at yung iba pang nakalagay doon sa file." Napapangiti na ako dahil matutuloy ang Vacation namin sa Palawan next week.

"Oh I see, I'll check it later. For now, meeting adjourned." Tumayo kami ng Boss ko at nakipag kamay kay Joshua. Hinintay ko naman si Joshua dahil siya ang nag bayad ng ininom at kinain namin.

"Trinity, may pupuntahan ka ba?" Tanong ni Joshua at umiling naman ako dito. "Tara punta tayo ng mall. Para makabili narin tayo ng isusuot." Aya saakin ni Joshua pero bago pa man din ako makasagot ay sumingit na ang Boss ko.

"Actually, she's coming with me. May importante kasi kaming pupuntahan eh. Is that okay with you?" Tsaka nito palihim na hinawakan ang pulsuhan ko.

"Ahh ganon ba? Oo naman. Pwedeng pwede."

...

Naka sakay ako ngayon sa sasakyan ng Boss ko at hindi ko parin alam ang ginagawa ko dito o kung saan ba kami pupunta dahil wala naman siyang sinabi.

"Samahan mo ako. Help me choose what to give to your best friend. I am planning to surprise her, hindi niya kasi alam na isasama ko siya sa Business Project na ito." Napatango tango ako.

"Isasama niyo pala si Nicole, sir." Hindi ko na napigilan ang bunganga at kusa na ngang lumabas ang mga salitang ito. "Yeah, ayoko kasing maiwan siya eh. Baka isipin niya iniiwan ko na kaagad siya." Natawa pa ito sa sinabi niya. May nakakatawa pala doon?

Hindi ko mapigilan ang pagiging bitter sa sarili kung kagagawan. "What about you? Are you not planning to give Joshua a gift?" Ibinaling nito panandalian saakin ang tingin.

"Wala po eh, mga espesyal lang at mga mahal ko sa buhay ko pinagbibigyan ko ng regalo eh."

"Ohh.. Bakit hindi ba special sayo si Joshua?"

"Special naman sir, pero ibang special yung kay Joshua-

"What's your definition of special ba?"

"You sir." Naging mala fast talk ang usapan namin at naramdaman ko na natigilan siya dahil sa isinagot ko.

"You sir, ka-kayo po definition ko ng a-ano special. Ka-kasi a-ang caring niyo po. Kayo talaga yung ti-tipo ng special sir. Dapat pinapahalagahan, basta ganon sir. Hirap mag explain eh." Namula ang pisnge ko. Ano ba kasing pumasok sa isip ko at nasabi kong siya ang definition ko ng 'Special'.

"So.. You think I'm special and a person that should be treasured?" Ay jusko maryosep nagtanong pa nga.

"Oo naman sir. Bakit hindi po?" Tumango tango ito at maya maya pa ay ang kanang kamay niya ay itinakip niya sa bibig habang ang kaliwang kamay ay nasa manibela.

Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang pamumula ng tenga niya. "Tri-trinity, could you please look at the window for a while? Just for 10 minutes." Kaagad ko itong sinunod at doon ko nga itinuon ang pansin ko.

Kinikilig siya. Ganitong ganito si Joshua sa tuwing kinikilig siya sa mga pinapanood niyang K-

...

Lumipas na ang 20 minutes at nakarating rin kami sa pupuntahan namin ng Boss ko. Nahinto ang sasakyan ninya sa isang Mansyon. Marahil ay pag aari niya na bahay dito sa Pangasinan.

Sinalubong kami ng dalawang maids at isang butler.

"Butler Hans, bring us something to drink upstairs." Yumuko ang butler na tinawag ni Sir Leo at sinabi pang.

"Yes my Dear Master."

"Do you want anything to drink, Trinity? Or maybe something to eat?" Tanong saakin ni Sir Leo pero umiling lamang ako.

"Wala naman, juice lang okay na ako."

Naglalakad kaming dalawa ngayon sa isang mahabang hallway at hindi ko naman mapigilan na mamangha sa ganda ng disenyo ng bahay ninya.

Mala Baroque ang theme ng bahay na ito.

"This is not actually my home, it's my mom's. Ako lang ang nag aalaga at mina-make sure na maayos at malinis ang bahay na ito. May sentimental value kase ang bahay na ito saakin. Bukod sa memories ay dito din kami tumira pansamantala nung nag bakasyon kami at nakilala ko iyong babaeng kinuwento ko sayo dito sa Pangasinan."

Pinilit kung hindi manlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

Akala ko ay nakalimutan niya na ang pagku-kwentuhan naming iyon.

"Trinity? Ayos ka lang ba?" Nabalik ang atensyon ko sakaniya ng tawagin ako nito at tumango lamang ako.

"Okay then, pumasok ka na sa kwarto ko."

||R.A||

RAENAALMEDA



MKT TRILOGY #1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now