Chapter 19

5.3K 97 9
                                    

"Sir Joshua, we hope you have enjoyed our pa-games last night. We can start the business as soon as possible but for the meantime we wanna get to know you more." Aniya ni Vince habang sumusubo ng mais con yelo.

"Yeah, I had so much fun last night. Sana maulit pa 'noh? And I actually have an idea about this Big Project of us Mr. Vasquez." Ang kaninang nakatitig saakin na amo ko ay napatingin na ngayon kay Joshua.

Ba't ba ganon siya kung makatitig? Problema non?

"What is it?" Paos ang boses nito.

"What if ang kunin nating mag endorse ng fragrance product and hotel na itatayo natin ay ang mga sariling empleyado or some people from the streets instead of hiring a famous model? Then we can give them a 5% share ng kikitain." Napa isip si Sir Leo sa suggestion ni Joshua.

"A-actually Sir Joshua, if we allow na hindi isang sikat na model ang mag endorse ng product and itatayong hotel ay there's a possibility na malugi ito within just a few months according to our re-search." Singit ng isa sa mga market research team.

"I don't think so, re-check your research I am not satisfies. That's why we have media, we can pay them so they'd advertise our business. Aside from that, kilala na ang Vasquez Company all over the world. That's why I'm pretty sure that this is a good idea. What do you think Mr. Vasquez?"

Nag isip bahagya ito bago muling ibinalik saakin ang tingin. "I suppose it's worth a shot; after all, this heartless CEO they referred to also has a heart for the people who deserves his charity."

Kaagad kong kinalabit si Aisha at tinanong kung may dumi ba sa mukha ko dahil sa paulit ulit na pag sulyap sulyap ni Sir Leo saakin. Gusto ko siyang sigawan dahil naaalibadbaran na ako sa pag mumukha niya. Nag seselos parin ako kahit na wala akong karapatan!

"Trinity," Nagulat ako sa boses ni Sir Leo kahit na hindi naman ito sumigaw or what.

"P-po?"

"Ayos ka lang ba? Or may hang over ka pa?" Napa pikit pikit ako at napalunok pa bago ito sagutin.

"Wala na po, Sir. Salamat nga kay Sir Joshua eh kasi dinala na ako sa kwarto ko kahapon sa sobrang kalasingan." Mahina ito natawa bago nag iwas ng tingin.

Ang iba naman ay ganon din ang naging reaction. Tangina anong meron?

"Hoy! Hindi kita hinatid na knocked out na nga daw ako habang bitbit kita at nag lalakad pa. Ewan ko lang kung sino nag hatid sayo baka iyong mga staff." Mas lalong natawa si Sir Leo sa sagot ni Joshua pero pinipigilan lamang nito ang gumawa ng anong tunog habang tumatawa.

"Shuta ka vebs, si Sir Leo nag-hatid sayo." Mahinang palo ni Aisha saakin at tumatawa pa.

Nanlaki ang mata ko at halos malaglag ang panga ko sa narinig. "Hala gago- Ay sorry po!"

Tangina bat naman nag mura ako sa harap ng Boss ko? Nakakahiya!

Nakagat ko ang ibabang labi dahil sa hiya. Kung ano ano pumapasok sa isip ko. Nasukahan ko ba siya kagabi? Paano niya ako dinala sa kwarto? May nangyari kaya? Ay charot masiyadong advance.

"Sa-salamat po." Sabi ko habang naka yuko. Umiling iling ito at naka ngiti parin.

"Wala ka ng hangover?" Muli nitong tanong. Narinig ko ang malakas na pag hampas ni Vince sa katabi niya ng folder siguro dahil sa kilig. Pucha!

"W-wala po."

"Sigurado ka? Sige nga, then tell me what's the taste of my lips?" Napatingin ako dito na pulang pula ang mukha. Gago? Hinalikan ko ba siya kagabi? What?

Nakakaloko itong ngumiti. Tangina nag bibiro ba siya or seryoso?

"What? I'm asking you. How does my lips taste? Is it sweet, fresh, etc?" Nag mistulang hinog na kamatis ang mukha ko dahil sa pula.

"S-sir naman." Sinubukan kong ilipat ang tingin kaso gusto ko lang matawa sa reaction nila Vince at Eeviy dahil maski sila hindi mapigilan ang kilig.

"Biro lang of course. Walang halikan na nangyari." Tumawa ito pero parang hindi ako convinced eh. What if nahalikan ko talaga siya?

"Oh everyone, wag masiyadong ma-issue okay? Binibiro ko lang siya dahil siya ang pinaka madami atang nainom kagabi." Humalakhak pa ito kasama ng iba.

"Oh Vince and Eeviy tama na yang sampalan niyo ng plastic bottle." Binalingan namin ang dalawa sa likod at tawa kami ng tawa.

From folder to plastic bottle ah.

"Sige sir, last na po 'to" Pinalo ni Vince si Eeviy ng plastic bottle

"Huy naka dalawa kana ah. Ako dapat last." Sabi ni Eeviy at hinampas sa ulo ni Vince ang plastic bottle

"Di beh ako na." Vince.

"Hindi ako nalang." Eeviy.

Nag hampasan pa ang dalawa ng plastic bottle. "Hoy tama na yan." Singit naman ni Joshua na tumatawa din.

"Sige, ikaw nalang." Sabi ni Vince at walang pagdadalawang isip na ipinukpuk ang plastic bottle kay Joshua.

"Ay hala Sir ikaw pala!" Ngayon lang na-realize ni Vince na Boss pala namin ang napalo niya ng plastic bottle at nagtawanan kaming lahat dahil sa kagaguhan nitong si Vince.

"Hala ka Vince! Nako Sir Joshua kung ako yan kakaltasan ko sweldo nyan." Asar sakaniya ni Eeviy.

"Talaga ba Doc Jill?" Muling pinalo ni Vince sa ulo si Eeviy ng plastic bottle at nagtawanan naman kami. Parehas kasi sila ni Doc Jill ng gupit kaya inaasar namin itong si Eeviy.

Umalis muna ako doon at nag pahangin ng onte sa isip na matagal pa bago matapos ang bangayan ng dalawa. Sino kaya mananalo sa pukpukan nila ng plastic bottle?

"Trinity," Napatingin ako sa kalayuan at nakita si Nicole. Naglakad ako papunta sa kinaroroonan nito at isang mainit na sampal ang natangap ko dito imbes na yakap ng makarating ako.

"Tangina. Ano nanaman bang ginawa ko?" Marahan ko siyang itinulak dahil hindi ko siya kayang sampalin dahil hanggang ngayon ay itinuturing ko parin naman siyang kaibigan.

"Anong ginawa mo kagabi kay Leo ha?! Galit na galit siya saakin after ka niyang dalin sa kwarto mo! At ngayon ay gusto na niya akong umuwi. What did you tell him?!" Itinulak at sinampal nanaman niya ako at doon ay hindi na ako nakapag pigil para itulak siya ng malakas.

Hindi ibig sabihin na hindi ko siya pinapatulan ay pwede na niya akong i-bully at saktan saktan. Malakas ang pagkakatumba nito at humiyaw naman ito ng pagkalakas lakas.

"ARAAAAAAY!" Ang arte pucha.

"Nicole!" Napatingin ako sa gilid ko ng magtatakbo si Leo sa likod ko papunta kay Nicole at alalayan ito. Nang subukan namang alalayan ni Leo ito ay umakto siyang parang napilayan.

"What the hell did you do?" Nagulat ako ng ako ang sisihin ni Boss.

Bakit ako pa ang may kasalanan? Putangina.

||R.A||
RAENAALMEDA

MKT TRILOGY #1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now