Chapter 12

5.6K 106 19
                                    

"May sasabihin po ba kayo, Sir?" Inaasahan ko na sabihin niya na kung ano man yang gusto niyang sabihin dahil kami nalang dalawa ang nakakarinig ng usapan namin maliban sa mga di namin kakilalang dumadaan dito sa airport.

"I just really wanted to apologize. Lalo na nung malaman kung nagkasinat ka daw after mong maulanan kakahintay saakin non sa rooftop." Bahagyang kumirot ang puso ko dahil doon.

Nag aalala pala siya? 

Kase nung nagkita kami imbes na kamustahin ako at kung anong nangyari saakin ay parang sinermonan pa ako dahil hindi kuno daw ako nag file ng leave eh samantalang nag iwan ako non sa table ninya.

"Okay lang naman ako Boss, walang kaso saakin iyon." Peke ko itong nginitian bago kunin ang kamay ko sakaniya. Sinuklian din naman niya ang ngiting ibinigay ko bago tumalikod at lumakad palayo saakin at patungo sa gawi ni Nicole.

Sa kung ano mang iniisip o inaasahan ng puso ko na makikilala niya ako ay please lang tigilan muna.

...

Mahigit 2 hours and 39 minutes na ang itinagal ng biyahe namin papuntang palawan. 

Sobrang saya talaga kahit kami kami lang ang laman ng eroplano. Nagtataka nga ako bakit kami lang na walo at yung marketing team namin ang nandito at wala ng ibang passengers. 'Yon pala ay private plane ito ni Leo.

Buti nalang talaga at may isang salita siya nung sinabi niyang tutulungan niya ako. 

Magkasama kaming dalawa ni Joshua sa right side ng plane at sa left side naman namin sila Nicole. Ewan ko ba parang nananadya talaga ata ang tadhana na saktan ako eh.

"Trinity, cr lang ako ha?" Paalam saakin ni Joshua at tinaguan ko lamang ito. Napansin ko ang palihim na pagtingin ni Sir Leo saamin lalo na kay Joshua ng umalis ito.

Hindi pa mandin lumilipas ang 1 minuto ay tumabi kaagad si Sir Leo saakin.

Luh gagi! 

Para akong naistatwa sa lagay kung ito at pilit na pinapanatili ang pokus sa ginagawa ko sa laptop ko.

Hindi ba siya nababahala na baka makita kami ni Nicole kahit pa sabihin nating nandoon siya kela Aisha at nakikipag kilala?

"Trinity," Aniya. 

Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Ayan naaaa! Kinakausap na niya ako! Pinili ko na lamang ang mag bingi bingian dahil nakasuot naman din ang headset ko. Sana ay isipin niyang malakas ang music ko at diko siya marinig.

"Trinity," Muli nanaman nitong tawag.

Dumagundong na ang puso ko at mas mabilis pa sa kanina ang ginagawa kung pag type ngayon. Pakiramdam ko nga ay masisira na ang keyboard ng laptop ko. 

Pero ang ginagawa kung pag type ng napaka bilis ay nahinto ng bigla nitong kunin ang kamay ko.

Tangina.

"Yes Boss?" Nanginginig ang boses ko. 

Ba't ba ganito? Hindi naman ganiyan ang boses ko nung nakipag meeting kami sakaniya eh.

"Kelan ang kasal?" Napalingon ako bigla sa tanong niyang iyan.

Blangko ang itsura niya at halatang pinipigilan ang pag igting ng panga niya.

"A-ano pong kasal?"

"You & Joshua obviously. May iba ka pa bang dinadate?" Napa yuko ako sa tanong niya at pinipilit na wag mapangiti.

Nagseselos ba siya?

"Wa-wala namang kami, Boss." Pag tangi ko dito. Wag ka na mag overthink ikaw lang naman lagi ang pipiliin ko.

"Oh really? Para kasi kayong couple na dalawa everytime na magkasama. Good thing you're not the type of woman I know na madaling mahulog sa kaunting pakitang motibo ng lalaki."

Selos to da maximum ultra mega level si Boss!

Kahit hindi niya sabihin ay nararamdaman ko iyon sa mga binibitawan niyang salita, at sa expression nito.

"I've got my standards, Sir. And sa tingin ko naman hindi naabot ni Sir Joshua iyon. Wala rin po kaming napag usapan about anything sa ligawan and etc. We're just an old friends to each other 'yon lang po talaga."

Ito ang naging sagot ko sakaniya.

"What are your standards then Secretary Gomez? I wanna know." Kalmado na ito kumpara sa kanina na galit na galit ang itsurang ibinibigay niya saakin.

"Someone who is I've met 14 years ago." Simple kung sagot. That boy whom I met and now is a man that raised my standards. And that I'd rather grow old alone if he isn't the person I'll marry in the future.

"That's all? Matagal na kayong magkakilala ni Joshua hindi ba? Impossible namang wala pang 14 years—

"It's not that, Sir. I'm referring to "a person" that I've met exactly 14 years ago. Because that person raised my standards so well." Tinitigan ko ang berde ninyang mata gaya ng pagtitig niya saakin. Agad ko itong pinutol dahil sa parang nalulusaw ang aking katawan. 

What the hell. Anong pumasok sa isip ko at sinabi ko iyon???

Magsasalita pa sana ako ng biglang tumayo na si Sir at bumalik na kaniyang aircraft seat. Sakto din namang bumalik na si Nicole at naupo na sa tabi ng Boss ko. Kahit pa nakabalik na ang atensyon ko sa aking laptop ay hindi mapigilan ng mata ko ang pasimpleng tumingin sa gilid at malaman kung ano ang ginagawa ng kaibigan at Boss ko.

For pete's sake! Pilit hinaharap ni Nicole ang mukha ng Boss ko sakaniya para halikan pero nag pro-protesta naman ang Boss ko at sinasabing makikita sila ng ibang tao sa mga ginagawa nila.

"Hey I'm back," Kaagad na natahimik ang dalawa ng marinig nila ang boses ni Josh. Huminga ako ng malalim bago ipinahinga ang ulo ko sakaniyang balikat.

"Anything wrong?" Tanong naman nito saakin ngunit umiling lang ako. Doon naman ay napatingin siya kila Nicole at Joshua. Siguro ay alam niya ng naiilang ako sa dalawa. Na kwento ko narin kasi nag buonng nangyari sakaniya. Kaya naman inakay na lamang nito ang ulo ko at hinaplos ang buhok.

Thank god I have someone like him na kaya akong pakingan at icomfort sa mga ganitong oras.

Pero sa kabila ng nangyari ay ako rin naman ang may kasalanan hindi ba? Kung sana ay hindi lang ako pumayag sa gusto ni Nicole edi sana walang problema.

FLASHBACK

"Nicole, mahirap naman 'yang sinasabi mo. Dahil alam mo rin namang matagal ko ng hinahanap ang taong ito." Nakahawak na siya sa hinihigaan ko dito sa hospital.

"I-I know pero wala ka na bang pake sa nararamdaman ko? Sa dami ng naitulong ko sayo, sainyo ng pamilya mo. Humingi ba ako ng kapalit? Hindi naman diba? Ngayon lang. Ngayon lang ako hihingi." Nagmamakaawa nitong sabi kaya hindi ako makasagot.

"Nung ma hospital ang Papa mo Trinity sino ba ang unang tumulong sainyo? Hindi ba't pamilya ko—

"Pera iyon ng pamilya mo Nicole. Pera ng pamilya mo. Hindi mo pera. At Oo habang buhay kung tatanawin na utang na loob iyon sainyo at kung sisingilin mo ako ngayon ay sige handa akong bayaran iyon. Pero wag namang ganito. Wag naman umabot sa puntong aagawin mo iyong kaisa isang tao na matagal ko ng hinahanap." Depensa ko dito.

Ito ang ayaw at kinatatakutan ko. Ang dumating sa punto na mag aaway kami at isusumbat niya ang lahat ng naitulong ng pamilya niya.

"Kaibigan mo ba talaga ang turing mo saakin ha?" Tanong nito at hinawakan ng mahigpit ang kamay kung may pilay.

"A-aray nasasaktan ako!" Sinusubukan kung manlaban ngunit ganon nalang bigla ang pag hingal ko.

Inaatake ako ng asthma!

Hinanap ko kaagad sa paligid ko iyong nebulizer. Pero bago ko pa mandin ito madampot ay naunahan na ako ni Nicole.

"It's either you die or you live. Now make a decision Trinity. Will you give him to me or not?" 

Baliw na siya. Dahil handa siyang mamatay ang kaibigan niya para lang sa isang lalaki.

||R.A||

RAENAALMEDA

MKT TRILOGY #1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now