Chapter 13

5.5K 106 7
                                    

"It's either you die or you live. Now make a decision Trinity. Will you give him to me or not?" Baliw na siya. Dahil handa siyang mamatay ang kaibigan niya para lang sa isang lalaki.

Tumango tango na lamang ako dahil hindi na ako makahinga at pilit na inaabot iyong nilalayo niyang nebulizer ko. Mabuti nalang at naintindihan niya iyong gusto kung sabihin at inabot din saakin ang nebulizer ko. Puta. Nakahinga ako ng malalim ng magamit ko na ito.

"Papatayin mo ba ako ha?" Iritado kung tanong sakaniya pero ni walang ka isa isang emosyon siyang ipinapakita saakin.

"Itatapon mo talaga lahat ng pinagsamahan nating magkaibigan para lang kay Leo?" Nanlaki ang mata niya saakin at halatang nasaktan siya sa sinabi ko kaya naman ginantihan ko din iyon at tinaasan pa siya ng kilay. Namahagi saamin ang katahimikan at nagsalita na lamang ito muli ng paalis na siya.

"I'm sorry, Trinity. And thank you."

END OF FLASHBACK

"Trinity," Nakaramdam ako ng mahinang tapik sa pisnge ko at narealize na nakatulog na pala ako sa balikat ni Joshua at nandito na din kami.

"Kanina pa ba ako nakatulog? Pasensya na ha baka nabigatan ka sa ulo ko." Natawa naman si Joshua sa sinabi ko.

"Ang gaan kaya ng ulo mo hindi masiyadong mabigat 'yon nga lang ay humihilik ka at may tumulong kaunting laway." Kaagad akong napakuha ng salamin at tinignan kung meron ngang panis na laway sa bibig ko. Kumunot ang noo ko ng wala naman akong nakitang panis na laway sa bibig ko at lalo na ng makita kung tatawa tawa itong si Joshua.

Anak ng tipaklong. Napag tripan nanaman ako.

"Oh ba't ganon ka mag react? Ibig sabihin natutulog ka ngang naka nganga paminsan minsan?" Asar ninya saakin. Susmaryosep isang buwan nanaman ako nitong aasarin na natutulog ng naka nganga. Agad kung sinapok ang ulo niya at napakamot nalang siya doon at tatawa tawa parin talaga.

"Desurv! Halika na nga at baka mahuli pa tayo." Sabi ko dito at tumayo para kunin ang luggage ko. Sakto ding nag aayos na ang iba para makababa na ng eroplano.

Nagpaalam muna ako sa Boss ko bago umalis at pumunta sa pag s-stayan namin para icheck kung ayos na ba ang lahat. Kasama ko si Aisha dahil siya ang tumulong saakin sa mga ganito. Napag isipan rin naming sa mismong Club Paradise na gawin ang occasion o research namin.

"Hello good morning this is the secretary of Mr. Vasquez and I just wanna follow up some things." Panimula ko. Grabe naman kasi itong si Boss ang gusto daw ay buong island ang rentahan para sa research naming ito. Nakahinga ako ng maluwag ng wala namang aberya na meron at hinihintay na kami ng staffs doon.

"Okay then, thank you so much." Paalam ko dito bago pinatayan ito ng tawag. Actually nung una ay hindi pumayag ang taga bantay nung isla na iparenta iyon ng buo dahil sa madami ngang mga turista sa ganitong panahon pero dahil kakilala ng Boss namin ang mismong may ari ng isla at isa pa ay ma impluwensya ang amo namin ay napapayag siya nito.

Bumalik ako sa gawi ng mga amo ko at market research team namin. At ipinaliwanag na pwedi na kaming pumunta doon anytime unless may dadaanan pa sila or what.

"Mauna muna kayo kasi may pupuntahan pa kami ng, Boss ninyo." Sabi ni Nicole bago ipinulupot ang kamay niya sa braso ni Leo. Hindi kaagad ako nakasagot dahil sa pagkatulala ko doon sa kamay ni Nicole.

"Kami din." Napatingin ako sa gilid ko ng may humapit ng bewang ko. Nakatingin ito ng diretso kay Leo na tila ba nilalabanan din niya ang mga tinging ibinibigay niya. Mapungay ang mga mata nilang pareho. Ramdam ko ang mata ng mga Market Research team saamin.

"A-ah kami din actually. Sabay sabay nalang tayo pumunta since mukhang lahat tayo may dadaanan naman." Singit ni Vince saamin na kasama sa Market Research team.

Nauna na kaming maglakad ni Joshua at ng iba naming kasama. At nang makalayo layo naman na kami ay tinangal ko na ang kamay niya sa bewang ko. "You know it's obvious naman na he's jealous eh." Mahinang sabi ni Josh making sure na walang ibang nakarinig ng sinabi niya.

"Tumigil ka nga." Inis kung irap dito.

"Let's have a bet then. Kapag umamin siya sayo ng hindi natatapos ang 1 month na stay natin dito is sagot ko ang holiday trip mo sa HongKong. Pero kapag hindi siya umamin sayo..." Pinutol niya ang sariling pagsasalita kaya naman napalingon ako dito habang naglalakad at doon ko lang narealize na sobrang tangkad niya talaga.

"Liligawan kita. What do you think?" Natawa ako mismo sa sinabi niyang iyon. Joke time ba ito?

Pagka lingon ko naman sakaniya ay seryoso siya. Mukhang hindi joke time ah.

Seryoso ba talaga siya sa sinabi niya?

"Hoy gago seryoso ka ba sa sinasabi mo?" Mahina ko itong siniko sa tiyan at natawa lang ito sa ginawa ko.

"Oo naman. I am not dating anyone else and sa tingin ko ay ganon ka din. What's wrong with courting you? Although alam ko namang hindi mo ako magugustuhan dahil nga mahal mo si Leo sa ngayon. Pero hindi ba't parte iyon ng panliligaw? Ang pahulugin ng lalaki ang babaeng nililigawan niya? Just give me a chance and I'll prove to you that I'm worth a shot." Hindi kaagad ako nakasagot.

"I don't know if your silence means yes or no. Pero kahit hindi ka naman pumayag ay balak ko talagang ligawan ka if hindi parin aamin sayo si Leo within this month." Dagdag nito. Tahimik parin ako at pilit pino-proseso ang sasabihin ko.

"I'm willing to be your rebound. Until you finally moved on and you'll finally give me a space in your life." Pinili ko nalang ang manahimik dahil ayoko talagang mag salita. Baka iba ang isipin niya or maging iba ang dating nito sakaniya. Kaso kapag hindi naman ako mag sasalita ay magiging malabo ang takbo ng usapang ito at mas magiging magulo hindi ba?

"Hindi naman sa hindi kita gusto, Joshua. Pero parang impossible kasi ng sinasabi mo sa salitang "Moved on". I've been loving and looking for him for 14 years at sa tingin ko ay may mas ilalalim pa ang nararamdaman kung ito. To the point that I'd rather not settle with anyone else unless its him."

"Kaya nga sabi ko ay willing ako maging rebound mo kahit pa hindi kana maka move on sa taong iyon." Natawa kaming pareho sa sinabi niya.

No, I don't want that. Even if I do not intend to hurt him ay siguradong masasaktan at masasaktan ko siya sa mga paraang hindi ko mapapansin.

"Wag mo kasing ipilit Mr. Navickas kung ayaw." Napatingin kami sa likod namin at nagulat ng may nakikinig pala sa usapan namin kahit sobrang hina na ng mga boses namin.

"Mr. Seran, I didn't know you were listening with us pala."

||R.A||

RAENA ALMEDA

MKT TRILOGY #1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now