Chapter 54

3.6K 64 3
                                    

Malakas ang music dito kung kaya't hindi ko narinig ang sinabi niya.

Natapos din kaagad ang music at ng akmang aalis naman na agad ako ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pag hawak sa mga kamay ko.

"You can let me go, Mr. Vasquez." Pilit ngiti ko pang sabi.

Ngunit umiling lamang ito. Kaya sapilitan kong binawi ang kamay ko sakaniya.

"Thank you, Sir." Pagdidiin ko pa sa salitang 'Sir'.

I turned my back. I'm not the old me, he can just get every fucking time he wants. 

He's nothing but a chapter in my life. A chapter I can get rid in a book.

...

Naglalakad na kami ni Clee sa parking lot. "Thank you," Sabi ko habang tinatangal ang pinahiram na coat ni Clee. Napangiti naman ito habang pinaglalaruan sa kamay niya ang susi ng kotse. "Anything for you, Gorgeous."

Hindi ko naman napigilang kiligin sa sinabi niya. Ngunit kaagad nawala ang mga ngiti namin ng makita na namin ang kotse niya.

"Shit!"

Basag basag ang windows nito at flat din ang tires. Binaboy din ito sa pamamagitan ng spray paint. At bali din ang side mirror ng kotse niya.

...

Halos mag kakalahating oras na kami dito ni Clee sa parking lot dahil iniimbistigahan parin ang pangyayari sa kotse niya. Pinapa check na din ang CCTV. Nakaramdam na ako ng antok ng bigla namang lumapit na saakin si Clee.

"Sorry. I didn't want to ruin our night. Ayaw rin naman kitang mag public commute o mag grab lang kasi baka mapano ka." Malungkot ang boses nito.

"I'll take you home." Napatingin ako sa likod ni Clee kung sino ang nagsalita.

Andito nanaman ang asungot na'to. "Good evening, Mr. Vasquez." Bati ni Clee at nakipag kamay pa nga kay Leo. "Good evening." Bati nito at hindi tinanggap ang kamay ni Clee.

Bastos talaga!

"Th-"

"I'm talking to Ms. Gomez." Putol pa niya kay Clee.

Problema ng gagong 'to?

"I appreciate the effort, Sir. But I can manage myself." I looked at him directly in the eyes to make him know that I am no longer affected by his charms.

"Babe!" Napatingin ako sa babaeng lumingkis sa braso niya.

Good for him! Mabuti nang may bago siya para di na ako hanapin.

"Tyellian, sumabay kana kay Sir Vasquez. Baka kasi abutin pa'ko ng umaga dito." Singit naman ni Clee.

Naramdaman ko ang pag kunot noo ni Leo ng marinig na tawagin ako ni Clee ng "Tyellian".

"What? Sasabay ka ba Ms. Gomez or no?" Pag mamadali naman nito saakin. Bwiset. Gustong gusto ko lunukin pride ko, kung hindi lang talaga masakit ang paa ko.

"Okay, fine."

I feel like inirapan ako nung babae na kasama ni Leo.

...

I insisted na sa condo ko nalang niya ako ibaba at hindi sa village na tinitirhan ko kasama ang pamilya ko. Baka kasi sundan ako. Kaso ay medjo malayo nga lang iyon dito.

Ganon na lamang ang tibok ng puso ko ng huminto kami sa tapat ng isang village at bumaba na iyung babae na kasama niya. Fuck!

Dadalawa lang kami dito sa loob ng kotse niya!

I already can feel my hands trembling. And I'm not quite at ease after all that had happened between me and him.

"Churros?" He offered when we stopped by a Drive Thru.

"No thanks. Pwede bang mamaya ka na om-order? I really want to go home."

Pero tila bingi ata siya dahil inuna pang magtanong ng magandang kainin doon sa staff. Sa inis ko ay bumaba na ako ng kotse niya at tumakbo kahit pa naka heels ako.

Naramdaman ko namang agad siyang sumunod dahil sa ilaw ng headlight niya na tumatama saakin. Nang marating ko ang kalsada ay pumara agad ako ng taxi pero ayaw naman akong hintuan.

Mas nataranta ako ng bigla pa siyang bumaba sa kotse niya. "I'm sorry," He gently grabbed me in my arms.

"I can manage myself."

Just go!

"I don't want to leave you like this. Baka mapano ka pa."

You already did.

"Kaya ko ang sarili ko. Even before you entered my life. Kaya ko ang sarili ko!" I shouted at him.

Para siyang poste na natameme lamang sa tabi bago naglakad palayo at pumasok na sa kotse para umalis.

That's right. Leave me.

Pagka alis niya ay nagbook ako kaagad ng Grab. Nagulat ako ng hindi pa mandin nakakalipas ang 3 minutes ay nandito na kaagad ang binook ko na Grab.

"Grab po, Ma'am?" Tanong ng driver pagka upo ko sa likod.

Nangunot ang noo ko ng parang nabobosesan ko ito. Nakasuot siya ng Cap at walang hiya ko itong hinablot. "YOU?!"

"Tangina, sinusundan mo ba'ko?" Pasigaw kong sabi.

"Eh nag tratrabaho lang naman ako, Ma'am." Mapang asar niyang sabi. Fuck!

Bababa na sana ako kaso naramdaman ko ang pamamaltos ng paa ko. Fuck!

"May band-aid, scissors, alcohol, gauze pad, gauze tape, bulak, at betadine po diyan sa gilid niyo, Ma'am." Naka ngiti pa niyang sabi.

Fuck you, Leo! Gustong gusto ko siyang sigawan.

***

Late na akong naka pasok sa opisina dahil sa pagod kagabi. Nadatnan ko din si Clee na nasa loob na ng opisina ko at mukhang hinhintay ako mula pa kanina.

"What happened? You weren't answering my calls and messages." Pag-aalala nito saakin.

"Sorry, na low-bat ako. At pagod narin nung nakarating." Inayos ko pa ang buhok ko bago naupo sa lamesa ko.

Binuksan ko ang lunch na inorder ko sa isang fastfood. "T, you know you're on a strict diet." Paalala saakin ni Clee.

"Ngayon lang naman ako kakain ng fast food." Depensa ko sa sarili ko.

"I know but I'm just-"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng mag salita ang sekretarya ko. "I'm sorry to interupt you, Ma'am. But Mr. Vasquez is outside and wishes to have a talk with you."

What a great way to ruin my morning!

"Let him in." Sagot ko at umalis naman na ang sekretarya ko.

"Here, I brought you vegetable salad." Alok pa ni Clee sa dala niyang pagkain.

"Ayoko nga ng veggies ngayon. I want fast food. Gosh! Ilang araw na akong puro gulay." Inis kong sabi kay Clee.

"Come on, T. You have to follow your diet plan para ikaw ang mapili na mag model sa product ng-"

Muli nanamang naputol ang pagsasalita ni Clee ng may sumingit. "Dude, let her eat what she wants." Napatingin pa nga si Clee sa kamay ni Leo na madiing nakapatong sa balikat niya.

||R.A||
RAENA ALMEDA

MKT TRILOGY #1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now