Chapter 14

5.6K 114 14
                                    

Gulat akong napatingin kay Sir Sky dahil nakikinig pala ito sa usapan namin. Sila Sir Sky, Sir Khiro, at Sir Leo ay kilala bilang sa mga magagaling na Business Tycoon sa bansang ito at mas lalo na sa iba pang mga bansa at lugar. Sila din ay malalapit na magkakaibigan dahil sa mga pinangalingang mayayamang pamilya na matagal na ding magkakilala at magkaibigan ng mahigit dekada na.

Kaya mas lalo akong kinabahan dahil baka ikwento ni Sir Sky ang mga narinig niya saamin. Wala kasi sa itsura nito ang pagiging chismoso. Pero on second thought ay siya ang pinaka tahimik sa kanilang tatlo at pinaka mysteryosong tao. "Don't worry Trinity, I won't tell your Boss everything I heard." Ngumiti lamang ito ng nakakaloko. Ngunit hindi pa rin ako nakakalma kahit binagyan na ako nito ng assurance.

"I just have 1 favor." Natigil kami sa paglalakad sa labas ng airport dahil hinihintay namin ang service. Sana naman ay hindi mahirap ang hihingin nitong favor.

"Saakin ka sumabay, I have something to discuss with you." Tumango ako sa sinabi ni Sir Sky.

Nahinto ang isang van saamin at naunang pumasok doon si Aisha at ang tatlo sa market research team namin tsaka naman ako sumunod doon. Sasakay na din sana si Josh saamin ng pigilan siya ni Sir Sky. Napatingin nga halos lahat ng tao doon sa loob ng van dahil sa ginawa ni Sir Sky na paghawak sa dibdib ni Josh. Mag kasing height lang kasi sila at pareho din ang laki ng katawan. Ang pinagkaiba lang ay laman ng ilang paligo si Sir Sky.

"Sorry Mr. Navickas but our CEO Mr. Vasquez is requesting you to join them. I think he wants to talk with you more privately about this upcoming business." Nangunot ang nuo ni Josh sa sinabing iyon ni Sir Sky. Inis na tumalikod si Joshua bago pumunta doon sa kotse nila Sir Leo.

"What a relief!" Huminga ng malalim si Sir Sky ng makasakay na at isara na ang van.

"Ano nga po pala iyong gusto niyong sabihin saakin Sir Sky?" Magkatabi kami ni Sir Sky at hindi ko mapigilan na mapangiti ng mapansin na parang hindi mapakali itong si Aisha at panay ang silip saaming dalawa.

Ahem ahem in love alert ang kumare natin at the same time ay selosa.

"You should stay from, Joshua." Seryosong sabi ni Sir Sky habang inaayos ang suot ninyang T-shirt. Mapakla naman akong natawa sa sinabi ninya.

"Ba't naman po Sir Sky? Matagal na po kaming mag kaibigan non."

"I know. But a while ago in the aircraft. Aisha was filming for her vlog and it was caught on cam that he's trying to sexualize her. It-

"I don't wanna offend you or anything Sir Sky and Aisha pero hindi ba meron ding nangyari kay Aisha and Sir Khiro? Bakit doon hindi niyo sinita ang ugali ng Boss naming iyon pero si Joshua sinisita po ninyo. Not that I'm defending Joshua but I'm just really curious, why?" Nangunot ang noo ko sakanilang dalawa.

"Trinity, nothing happened between us and Khiro. We shared a simple kiss and nothing else. At yung mga rumors na kumakalat ay wala namang katotohanan and I have made myself clear countless times but they chose not to believe me and kept spreading those rumors. And that kiss Khiro and I shared is merong consent ko. But when Joshua was touching me and squeezing my ass he didn't even ask any permission at all. Eto oh panoorin mo yung video." Ipinakita niya saakin ang cellphone at ipinanood iyon saakin.

Nakatayo non si Aisha habang nag to-tour sa aircraft ng biglang magkasalubong silang dalawa ni Joshua sa parang hallway ng aircraft. Ito siguro 'yong oras na nagpaalam siya saakin para mag cr.

"Say hello to my vlog!" Sabi pa ni Aisha doon sa video at itinapat pa sakanilang dalawa ni Josh ang camera.

"Hello everyone!" Kumaway si Joshua gamit ang kaliwa niyang kamay habang ang kanan naman ay pumulupot sa bewang ni Aisha. Siguro dito na iyong parte na sinasabi ni Aisha na parang ini-squeeze ni Joshua ang pwet niya dahil medjo nawala na ang ngiti dito ni Aisha.

Tila hindi ako makapaniwala sa napanood. Paano nagawa ni Joshua iyon kay Aisha?

"I don't want to ruin your friendship with him but I just want you to be aware of his actions. 'Yon lang especially that you are a very close friend of his." Sabi ni Aisha at ibinalik ko naman na sakaniya iyong cellphone ninya.

...

Sandalian lamang kami sa mall dahil kaunti lang naman ang binili namin. Iyong market research team namin ay bumili lang ng extrang damit at nag grocery ng ilang pagkain. Ako naman ay dumiretso kaagad sa bilihan ng sapatos para bumili ng sandals ko atsaka na sumabay sakanila sa grocery. Bumili lang ako ng ilang canned soda at chichirya para naman may makain ako pag nagpapalipas ng oras.

Ngayon ay nakasakay naman na kami ng bangka papuntang Club Paradise. Siyempre ay kay Sir Leo at Joshua na ako sumabay dahil may kaunti akong explanation sa lugar. Ano ba naman ito puro landian ang dalawa naming kasama. Sina Nicole at Sir Leo. Walang view na pinalampas si Nicole at kuha siya ng kuha ng litrato. Para na ngang naiinis si Sir Leo dahil pa ngiti ng pa ngiti si Nicole sakaniya pero hindi nalamang nag rereklamo ang amo namin.

Hinintay ko munang makadaong ang sinasakyan naming bangka bago ako nag salita. Naunang bumaba si Sir Leo at sumunod naman si Nicole at Josh. Nang ako naman na ang bababa ay nalito ako sa kung kaninong kamay ang kukunin ko.

Pareho kasi sila ni Sir Leo at Joshua ang naglahad ng kamay nilang tumulong saakin. "Ka-kaya ko naman." Nagdahan dahan nalang ako sa pagbaba ng bangka kaso sa di inaasahan ay nadulas ako. "A-ah!" Napasigaw ako at di alam ang gagawin.

Akala ko ay babagsak na ang likod ko sa tubig kaso itong si Sir Leo ay parang kasing bilis ng flashlight kung kumilos at saluhin ako. Oo at medjo mababaw naman iyong tubig ang kaso ay nag slide kasi ang paa ko at nakakahiya panigurado kung babagsak nga ako sa tubig.

Pero in the end, sakaniya parin pala ang bagsak ko.

||R.A||

RAENA ALMEDA

MKT TRILOGY #1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now