Chapter 22

5.3K 95 3
                                    

Huling lingo na namin dito sa Palawan buti nalang at natapos na namin ang lahat ng gawain last week kaya naman ay wala na kaming inaalala ngayon at chill chill nalang kami. At dahil nga naman last week na namin ay pakabogan na ng outfiit pano naman kasi itong si Sir Leo eh pipili daw ng isang winner sa girls at boys na employee na nandito at may premyo itong thirty thousand pesos.

At dahil gusto ko namang manalo doon ay pinahiram ako ni Aisha ng mga dala niyang swimsits pero nag pinaka natipunan ko sa lahat ay 'yong Hot Stuff Strappy Two-Piece Bikini. Siya narin ang nagsabi na maganda daw talaga ako dito dahil highlighted na highlighted ang curves at kitang kita ang cleavage ko dito na siya namang ikinatawa ko.

Masaya naman iyong palaro kahit na iba ang nanalo at hindi ako dahil meron paring consolation prize doon saaming mga 2nd choice ni Sir pero 15K na lang ang prize which is totally okay dahil malaki parin naman. Matapos ang katuwaan lang na contest ay tinangal ko na iyon at ibinalik na kay Aisha. Nag suot nalang ako ng oversized white t-shirt at sport shorts. Pag-labas ko pa lamang ng kwarto ni Aisha ay si Eeviy na kagad ang bumungad sa akin.

"Hinahanap ka ni, Sir Leo. Punta ka daw sa kwarto niya may papagawa daw." Sabi nito at isinara ko muna ang pintuan ng kwarto bago siya sinagot.

"Ano daw papagawa?" Tanong ko sakaniya.

"Malay ko, basta labas ako sa kung ano mang ehem ehem na trabaho yan." Nagulat ako sa pag tawa niya ng malakas bago umalis. Luh!

Gago! Baliw na ata 'tong si Eeviy.

Kaagad rin akong pumunta sa kwarto ni Sir Leo. I found him waiting. "Sir," Tawag ko sa atensyon nito at napalingon naman kaagad ito.

"C-come in." Utal nitong sabi at binuksan ang pinto. Walang malisya naman akong pumasok doon.

"May papagawa daw po kayo?"

"Y-yes! A-actually, ah-

Malakas at kinakabahan ito na siya namang nag pa kunot ng nuo ko. Anyare kay Sir? Ba't nagkakaganiyan? Hinawi nito ang buhok bago huminga ng malalim. Bahagya pa nga itong napamura. Naupo muna ako sa isang silya sa gilid habang pinapanood si Sir. Gusto kong matawa sa ginagawa niya ngayon. At dahil sa hindi ko na nga mapigilan ay lumabas ang kaunting halakhak sa bunganga ko na siyang nag patigil kay Sir.

"Ha-hala sorry Sir!" Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang mga tawang gustong lumabas dito pero kahit anong gawin ko ay nag mimistulang utot na ang tunog dahil sa pag pigil ko sa mga ito na siyang ikinatawa namin ni Sir Leo.

Nang matigil naman kami ay sumeryoso na si Sir. "Trinity, I-

Hindi niya matapos tapos ang gustong sabihin. Naka ilang buntong hininga pa nga ito bago niya masabi ang gusto niyang sabihin.

"I-I wanna date you. No-not in a business way. Li-like watching mo-movies, bringing you flowers, eating dinner j-just the two of us. Or you could also bring your parents." Natigilan ako ng ilang minuto.

"Pero Sir, diba kayo ni Nicole-

"N-no. I broke up with her after I found out some... things about her. I'm so fed up with her lies and cheating issue of course." Tumango ako sa sinabi niya at bahagyang binalot kami ng katahimikan ng hindi ako sumagot.

"So d-do you wanna go out with me?" He hesitated to ask again.

I smiled and said, "Sige, sino ba naman ako para tanggihan ang isang CEO na katulad niyo Sir eh mamaya sisantehin niyo pa-

"I-I want you to be honest with your answer, Trinity. Please, kahit i-reject mo naman ako walang mag babago you'll still work for me. I don't wanna force you or anything. I understand that a no is a no-

"Eh pano po kung 'Yes' ang sagot ko?" Nakangiti kung putol sa sabi niya. Tila inabot ng ilang segundo bago mag sink in ang sinabi ko sakaniya.

"W-what? Can you repeat what you just said?" Napapangiti nitong utos saakin.

"Paano po kung 'Yes' ang sagot ko instead of 'No'?" Pag-uulit ko sa sinabi ko.

"Putangina."

Tumayo ito at pumunta sa gawi ko para yakapin ako. "Fuck! Fuck! Fuck! Thank you, Trinity! You made me the happiest man on earth." Naka baon ang mukha ko sa dibdib niya at ako ay napayakap narin sakaniya. He really smell so good. Iba kasi ang gamit ninyang perfume, nag pa customize ito ng sarili niyang perfume at nang sa ganon ay wala itong kaamoy.

"I thought you'd say no, damn. I was so worried, Baby!" Aniya at mas lalo pang hinigpitan ang yakap saakin.

Luh! Ang bilis ah. Baby kagad? Binigyan lang ako ng tapa kanina tas kami na? Kala ko ba date lang muna?

"When we go back, I'll arrange a dinner for the both of us and your family. Para naman makilala nila ako at bigyan na nila ako ng blessings to be your boyfriend." Natawa ako sa sinabi niya.

"G-grabe ka naman. Nasa dating stage palang tayo." Niluwagan ko ang yakap sakaniya at tumingala.

"I'm sorry, Babe. Pero doon din naman ang punta natin r-right? After that we'll get married and have children's. But if you don't wanna have a child I'll gladly respect that." Tsaka ito yumuko para halikan ako sa nuo.

Hindi ko napigilan ang mapangiti ng tumayo ako dahil sa pag bibigay respeto nito sa kababaihan ko. I hugged him. I really haven't much thought of having a child dahil hindi pa rin naman ako handa sa responsibility and I'm too young to be a mother. "Thank you, Leo."

Hinaplos niya ang likod ko at ipinahinga niya ang ulo sa balikat ko. "I love you, Baby. I want you to have the special and best treatment a Queen like you deserves."

Naramdaman ko ang pag yakap niya sa bewang ko at marahan akong ibinuhat at inihiga. "I wanna cuddle with you, is that fine?" Mas lalong lumawak ang ngiti ko ng magtanong muna ito. Hindi talaga nawawala ang kahulugan ng salitang 'Consent' sa vocabulary niya.

Marahan akong tumango at hinalikan pa ang ilong niya nang may biglang pumasok. "Seeer, hinahanap kayo ni Sir Sk- Ay jusko po mahabaging emre!" Nagulat ako nang marinig si Vince.

Muntik pa nga akong mahulog sa higaan kung hindi lang hinawakan ni Leo ang bewang ko. Napatakip si Vince ng bibig sa nakita niya at si Sir naman ay nakangiti lang at unbothered pa ata.

||R.A||
RAENAALMEDA

MKT TRILOGY #1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now