Chapter 3

16.8K 316 63
                                    

Third Person's Pov

Ilang minuto pa siyang naghintay sa opisina niya at inis na pinaglalaruan ang ballpen. Hindi niya rin alam kung susulat pa ba ito dahil ilang beses na itong nahulog. At sa dahil hindi na siya maka pagtimpi ay inis siyang tumayo sa upuan niya at lumabas ng opisina.

Lahat ng empleyado dito ay yumuko sakaniya ng makita nila itong lumabas. Hangang maka sakay siya ng elevator ay hatid-hatid ng mata ng mga emplacement niya ito. Isinandal niya ang ulo sa gilid ng elevator.

"You're making yourself look like a fool." Aniya sa isip nito at kinuha ang cellphone niya para tawagan ang isa sa mga guards.

"Where's Trinity?" Pabungad nito.

"Nandito sa lobby, Boss." Sagot ng kausap niya. Kaagad niyang priness ang button sa 1st floor.

Napamulsa ito at pumikit habang hinihintay na bumukas ang elevator. Nang bumukas naman ito ay kaagad siyang lumabas at kunot nuong sinalubong ang nga empleyado niyang hindi yumuko sakaniya.

Kaagad itong napansin nung babae na janitress kaya yumuko ito pero huli na ang lahat ng biglang sipain ni Leo iyong bucket na naglalaman ng maruming tubig.

"Clean that. And pack your things after. You're fired." Kalmado nitong sabi ng hindi man lang tinatapunan ng tingin iyong babae.

Diretso siyang naglakad hanggang matunton niya iyong lobby kung saan naabutan niyang may kausap sa telepono ang sekretarya

"Oras ng trabaho and you're doing nonsense?" Naka pamewang nitong tanong dito.

"Ah sige bye-bye na baby. I love you. Promise uuwi na ako diyaan pag sunday." Mas lalong nag-init ang ulo niya ng kumaway pa ito sa kausap bago ninya ibaba ang tawag.

"Sir Leo, can I do something for you?" Pilit ang tanong na iyon pati narin ang ngiti na mas lalong ikinaigting ng panga ni Leo.

"What I'm trying to say is. Do your job. Wag kayong pa petics petics lang." Kaunti nalang ay umusok na ang ulo nito dahil sa galit.

"Ah Sir Leo, lunch break pa naman po namin." Nahihiyang sabi ni Trinity sakaniya.

"And now you have the guts to answer me back?" Ramdam ang galit at inis sa boses niya. At sa ayaw namang matanggal sa trabaho ni Trinity ay napa yuko nalang ito at napa iling.

"Follow me." Muling pag-lamig ng awra nito sakanya. Kaya agad nalang ito sinundan ni Trinity.

Habang paakyat ang elevator papuntang 54th floor ay bigla itong natigil sa kalagitnaan ng pag andar na ikinagulat nilang dalawa.

Ilang segundo pa ay nawalan ng ilaw sa loob ng elevator. Hinanap kaagad ni Trinity ang cellphone niya at in-on ang flashlight nito upang magkaroon ng ilaw sa loob.

"I can't breathe," Mahinang bulong ni Leo habang hawak hawak ang dibdib niya

Trinityellian Solana Gomez

"I can't breathe," Rinig kung sabi ni Sir Leo sa gilid kaya naman napatingin ako dito.

Nataranta kaagad ako at nilapitan ito at sinubukang paypayan gamit iyong dala kung magazine.

"Tulong!"

"Sir, hingang malalim!" Kinakabahan ko na sabi sakaniya.

"Hindi nga ako maka hinga eh!" Habol hininga ang nangyayari sakaniya ngayon at ako naman ay halos pawisan na dahil sa kaba.

MKT TRILOGY #1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now