Chapter 11

5.7K 99 21
                                    

"Eto sir, maganda ito. Mahilig kasi sa itim na one piece iyong si Nicole. Sabi daw niya kasi kitang kita kaputian niya kapag mga itim na damit ang isinusuot niya." Inabot ko sakaniya iyong One shoulder strapped swimsuit na itim at sinuri niya iyon.

"Okay, I guess this looks really good." Inihanger niya iyon pagkatapos na suriin.

"I think that would be all." Sabi nito at nakapamewang pa.

Naupo ako sa gilid ng kama nito habang pinapaypayan ang sarili kahit naman may aircon na. Napagod ako mamili ha!

"Thank you so much for your accompany." Napakamot pa ako sa ulo at nagsabing wala lang iyon.

"Here," Inabot niya saakin ang isang bag na may logo ng DG. Regalo niya din ba ito saakin or para ulit kay Nicole?

"Take that as a thank you gift bilang pag sama saakin mamili ng regalo." Napamulsa siya. Kung ganon ay para nga sakin yung inabot ninya.

Akmang bubuksan ko na sana ito kaso pinigilan niya ako. "You can open that later. For now, ihatid na muna kita dahil baka hanapin kana din sainyo."

Ilang oras kasi ang itinagal namin sa pamimili ng ireregalo kay Nicole. Grabe naman kung mag mahal ang lalaking ito. At mukhang binili pa ang lahat ng damit sa Dolce and Gabbana para kay Nicole. Hindi ko na nga mabilang kung ilang damit ba ang pinilian namin.

I always wonder kung anong mangyayare doon sa mga damit na hindi napili.

***

Matapos ang tatlong araw na leave ko ay siya ding simula ng aming tour project sa palawan. Kaya naman nag aayos ako ng mga damit ko sa maleta ko. Inaasahan kung si Joshua na ang susundo saakin dahil tumawag ito kanina at sinabi nga niyang siya ang susundo saakin.

"Ate, huhu mamimiss kita!" Umiiyak na sabi ng kapatid kong si Midnight. Napa yuko ako at pinunasan na ang mga luha sa mata ng kapatid ko.

"Sandali lang naman doon si Ate eh. Promise pagka uwi ko manunuod tayo ng cine. Diba gusto mo panuodin iyong Frozen? Oh manunuod tayo pagbalik ko kasama sila Papa at Mama." Sinisinok sinok pa itong ngumiti ng tumigil siya sa pag luha.

"P-promise yan a-ate ah? Wag mong kakalimutan." Sabi pa nito. Grabe para akong mangingibang bansa ah.

Ilang minuto pa ng saktong alas dose na ng umaga ng tumunog ang cellphone ko at nakita ang message ni Joshua na nag hihintay na siya. Nagpaalam naman ako kila Mama, Papa, at Midnight bago umalis. Hinatid pa nga ako ni Papa eh kase Isang maleta at Isang bag ang dala ko at hindi ko naman kayang buhatin ang dalawang iyon dahil parehong mabigat.

"Good evening po, Tito." Bigay galang ni Joshua kay Papa at kinuha ang bitbit nitong maleta ko pati narin ang bag na karga ko ay kinuha na niya. Aba gentleman siya ah.

"Good evening din, Hijo. Oh pano ba yan mauna na ako ha? Bantayan mo 'yang anak ko ha? At wag mong pababayaan. Alam mo naman na ikaw lang ang kaibigan nitong lalaki na pinagkakatiwalaan ko." Tinapik tapik pa ni papa si Joshua sa balikat at si Joshua ay natawa ng mahina.

...

5:20 am na ng makarating kami ni Joshua sa Manila International Airport. Wala pa naman ang mga kasama namin maliban kina Sir Sky at Aisha. Si Aisha ay naka black long blazer with denim shorts, black sando croptop and a floppy hat. Habang si Sky ay naka white long sleeve at light brown na denim shorts.

Aesthetic ata tawag sa mga ganiyan eh.

"Let's eat muna, mukhang wala pa naman sila eh." Aya ni Joshua. Kaagad kaming nag dine in sa pinaka malapit na Jollibee.

"Upo ka nalang diyaan ako na oorder. What do you want?" Pigil saakin ni Joshua ng tatayo na sana ako.

"Pancake, burger, atsaka ice cream lang." Inilagay ko sa tabing upuan ang hawak kung sling bag para naman makapag pahinga na ang balikat ko. Oo bukod sa bag pack na dala ko ay may dala din akong sling bag.

"Eto naman nahiya pa hindi na sinamahan ng fries." Pareho kaming nagtawanan sa sinabi ni Joshua. Grabe talaga to kilalang kilala ako. Habang naghihintay kay Joshua ay kinuha ko muna ang cellphone ko at nagtingin ng mga messages. So far wala naman akong missed calls or unread messages.

"Hey," Napatingala ako ng may mag salita. Si Joshua pala. Binitawan ko muna ang cellphone at tinulungan siya na buhatin iyong tray.

"Nakakagutom grabe." Aniya. Pano ba naman siya hindi magugutom eh anim na oras na nag drive at chocolate lang ata ang kinain niya. At talagang halatang gutom siya sa inorder niya. Spaghetti, 1pc chicken, ice cream, at ube cheese pie.

Minadali na namin ang kumain dahil 5:50 am na at nung umalis na kami ng Jollibee ay sinubukan naming hanapin sila Sir Sky at Aisha pero agad din naman namin silang nakita at kasama pa nila si Sir Khiro, Sir Leo, at Nicole. Hindi na ako nabigla na nandito siya dahil nabangit naman na ni Sir Leo na sasama nga siya saamin.

Mayroon ding kasama si Sir Khiro na babae pero hindi ko kilala kung sino ito. Girlfriend ba siya ni Sir Khiro? Well kung Oo ay sana aware siya na may pagka pervert ang boyfriend niya Mhyghad! Ang gandang babae pa naman sinasayang lang sa isang tulad ni Khiro.

Nakasuot ang babaeng kasama niya ng off shoulder peach dress at pinartneran din ito ng peach stiletto habang si Khiro naman ay naka maroon shirt at denim shorts. Sa paraan ng paglalakad nung kasama ni Khiro ay halatang hindi siya sanay gumamit ng heels. Nagulat na nga lamang ako ng bigla itong matapilok at kaagad namang umakto si Khiro.

"You're fucking late." Napatingin kaming dalawa ni Joshua sa gilid namin ng may mag salita dito.

Si Boss!

"Sorry bro, nagutom kasi kami pareho ni Trinity eh. Alangan namang pabayaan ko lang ang sekretarya mo hindi ba?" Tinapik tapik pa ni Joshua ang balikat ni Boss. Binalingan ako nito ng tingin at tanging ngiti lamang ang naibigay ko.

"Trini-

Natigil ito sa pagsasalita ng biglang lumapit si Sir Khiro saamin. Taas kilay ko itong tinignan, ano mag tatanong nanaman ba siya kung magkano ang isang one night stand saakin?'

"Trinity, may extra sandals ka ba diyaan? Pahiram muna ako natapilok kasi itong si Luna eh tas hindi na rin niya kayang maglakad doon sa heels. Sinubukan kung tanungin si Aisha kaso sabi niya puro heels lang din ang dala ninya." Nag aalala nitong tanong saakin.

"Me-meron. Pero size 37 kasi ako eh."

"Okay lang. Size 37 din si Luna." Kaagad kung kinuha ang bag pack ko at kinuha iyong nude doll shoes ko doon na naka plastic pa at inabot kay Sir Khiro.

"Thank you so much." Nagtatakbo pa ito pabalik doon sa kinaroroonan nung babaeng kasama ninya kanina.

"Trinity," Nabalik kaagad ang atensyon ko kay Boss ng tawagin ako nito.

"I am.. I.. ah.." Bahagya itong napakamot ng ulo.

"Yung files?" Nangunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. Anong files?

"What files po sir?" Para itong namutla at hindi na alam ang isasagot saakin. Ayos ka lang sir?

"Iyung sinend ko sayo sa email mo. Na print mo na ba iyon?" Tanong nito. Hindi ba't naibigay ko na sakaniya iyon a day before bago siya umalis?

"Sir, na print ko na po a day before bago po kayo umalis." Kako dito. "Oh yeah yeah right." Kunwari itong huminga ng malalim at nabunutan ng tinik. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi naman nito masabi saakin. Is it because of Joshua?

Narinig namin ang senyas ni Sir Sky na parang tinatawag niya si Joshua kaya naman kaagad na lumapit doon si Josh. Susunod na din sana ako dahil mukhang sinenyasan din ako ni Aisha na lumapit ng bigla akong hawakan ni Sir Leo sa kamay ko.

||R.A||

RAENAALMEDA

MKT TRILOGY #1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now