Chapter 31

4.5K 77 5
                                    

Naglalakad kaming dalawa at bitbit niya lahat ng paper bags na regalo niya kela Papa at Mama. Sabi ko nga ay tulungan ko na siya pero ayaw naman ninya. “Sure ka bang hindi ka nabibigatan?” Tumango siya at nakangiti pa nga.

Naka suot siya ng white polo at light brown na pantalon. Medjo hapit ang suot na polo ni Leo dahil sa laki ng pangangatawan niya. Naka shades din ito na siya namang pinatangal ko ngayon ngayon lang dahil gustong gusto kong makita ang mga green niyang mata.

Naka ilang lakad pa kami bago marating ang bahay namin. “Mama, ayan na sila!” Natanaw na ata ako ni Midnight. Naaamoy ko na rin ang masarap na Pigar-pigar. Sinabi ko kasi kela Mama at Papa na uuwi na ako ngayon at may ipapakilala kaya siguro ay nag handa ng bongga ang mga ito dahil narin birthday ni Mama ngayon

Napalingon ako kay Leo na siya namang kinakabahan na panigurado. Nandito rin ang mga pinsan ko at lahat sila ay nagmamadali papunta sa gawi ko kaya naman ay napatakbo nadin ako. Ang kaso ay si Leo pala ang habol!

Sila kasi ang unang nakaalam tungkol kay Leo dahil sobrang close ko nga naman sa mga pinsan kong ito. Kaya pala todo ang make up ng mga ito ayon pala ay gusto lang mag pa picture sa Boyfriend ko.

“Dito ka muna. Ikukuha lang kita ng malamig na tubig.” Sabi ko dito at pinaupo muna siya sa couch namin. Dala dalawang electricfan na din ang nakatapat sakaniya para hindi siya pawisan.

“Hi po! Boyfriend po kayo ng ate ko?” Narinig ko na sabi ni Midnight.

Pinakingan at pinanood muna ang dalawa. Ngumiti si Leo at hinaplos ang buhok ng kapatid kung si Midnight. “Yes, Baby girl. I am your sister’s boyfriend.”

Grabe! Akala ko ba ako lang ang Baby girl mo George Leonardo Zapanta Vasquez?

“Wag niyo po sasaktan ate ko ha?” Natawa si Leo sa sinabi ni Midnight at pinisil pa nga ni Leo ang pisnge ng kapatid ko.

“Promise, Baby Girl.”

“Grabe! Hindi na ba ako ang Baby Girl mo Leo?” Pabiro kung sabi habang dala dala ang malamig na water at inabot ito sakaniya.

“You’ll always be my everything, Trinity.” Simple niyang sagot at hinalikan pa ako sa pisnge bago siya uminom ng tubig at iginaton ito doon sa table.

“What’s your name?” Humarap siya kay Midnight.

“Midnight po. Kayo po? Sino po kayo.” Napaka cute talaga ng boses ng kapatid ko. Kaya pareho kaming natatawa ni Leo.

Kinuha niya ang dalawang Paper Bags sa tabi ko. “Hi Midnight! I am your Kuya Leo, your Ate Trinity’s Boyfriend. And here, these are my gifts to you.” Nakagatong sa sahig ang isa dahil masiyadong mabigat at baka hindi ito mabuhat ni Midnight.

“Akin po lahat ng ito?” Nakangiting tanong ni Midnight at tinanguan naman siya ni Leo. Lumapit ako sa tenga niya para bumulong.

Ang bango at pogi niya parin talaga kahit pawisan na. Siya lang ata ang lalaking nakita kung hindi dugyutin at mabaho pag pinapawisan. Kakaiba talaga ang isang Leo.

“Mahilig ka sa mga bata noh?” Bulong ko dito at napalingon siya saakin.

“Very. Bata palang kasi ako ay… You know, I was already exposed to the corporate world na. That’s why I never had the chance to enjoy my childhood life.” Nakangiti nitong sabi at ibinalik na ang tingin kay Midnight.

“Ilang anak ba ang gusto mo?” Pilyo kung tanong.

“Your body, your choice. That’s not for me to decide, Trinity. Kung hindi mo naman kaya, I’ll be fine. Pwede naman tayong mag adopt nalang, My Everything.” I felt a swarm of butterflies in my tummy now.

Naka ilang endearment na ba siya saakin? Baby, My Everything, Mi Reina and Sweetheart? Ano pa ba ang gusto niyang idagdag? Ni hindi ko na nga alam ang itatawag sakaniya.

“Na-nasan na ba sila Mama?” Pag iiba ko ng topic dahil kinikilig na ako. Lumabas na muna ako ng bahay at sinubukang hanapin sila Mama at Papa. “Insan! Salamat paki sabi sa regalo ng boyfriend mo ha? Pang mayaman lang yung mga ganitong pabango, bags, damit at make-up eh! Hehe ang swerte mo naman diyan.”

Nginitian ko na lamang sila. “Si Papa at Mama?” Tanong ko sa mga ito. “Ay pumunta lang sa bayan. Si Tito Harold nag pagupit at si Tita Rosset naman ay bumili lang ng puto at bibingka.” Saktong pag katapos na magsalita ng pinsan ko ay siya namang pagdating nila Mama at Papa.

“Oh! Anak! Andito ka na pala. Kamusta ang Palawan? Maganda ba? Mag kwento ka naman atsaka sino nga pala iyong ipapakilala mo? Aba! Excited na kami pareho ng tatay mo!” Dire-diretso na sabi ni Mama.

“Ma! Kalma lang hahaha! Atsaka ‘yon na nga Mama, kaylangan ko po ng tulong.” Nangunot ang noo ni Mama. Napatingin ako kay Papa na pinapark ang motor niya at medjo nakikipag usap pa sa mga Tito at Uncle namin.

“Ka-kasi po no-nobyo ko iyung ipapakilala ko.” Kinakabahan kung sabi kay Mama pero ito ay matamis na napangiti lamang. “Aba! Ang anak ko dalaga na ngaaa!” Mahina niyang tukso saakin.

“Asaan ba siya? At gusto kong makilala muna bago ang tatay mo.”

“Nandoon po sa loob ng bahay.”

“Oh halika’t dalian na natin dahil matagal pa iyang tatay mo.” Nanguna pa itong pumasok sa loob at sinundan ko naman. Abala parin ang mga ninong at pinsan namin sa pag-kain.

“G-good afternoon, Mrs. Gomez.” Bungad ni Leo kay Mama at napayuko pa nga ito tsaka nag mano. Nanginginig ang mga kamay nitong inabot ang kamay ni Mama.

“Aba! Kay gwapo naman ng nobyo ng anak ko.” Nakangising sabi ni Mama at tumingin saakin. “Para kang yung asawa ko, Hijo. Ganiyan na ganiyan din ang Papa ni Trinity nung ipinakilala ko sa mga magulang ko. Halos nanginginig din ang kamay at nauutal pa nga.”

“Seryoso ka ba sa anak ko?” Malakas ang boses ni Papa ng tanungin niya si Leo.

Magkatabi kaming dalawa at hawak hawak ko ang kamay niya para hindi naman siya kabahan. “O-opo naman po, Sir.”

Opo naman sir." Panggagaya ni Papa sa sagot ni Leo. "Ikaw ba eh kaya ng buhayin ang anak ko?”

“Ano ka ba Harold! Boss kaya yan ng anak natin at nag ma- may-ari din yan ng maraming negosyo hindi lang dito sa pilipinas.” Saway ni Mama kay Papa.

“Ah basta! Ayaw kita para sa anak ko! Makakaalis kana.” Tumayo na si Papa at aalis na sana sa sala ng pigilan ko siya.

“Papa naman!”

||R.A||

RAENAALMEDA

MKT TRILOGY #1 [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant