Chapter 37

3.9K 65 0
                                    

Too Little Too Late – JoJo

Hindi makakailang malakas ang tunog ng mga sasakyan sa kalsada ngunit tila hindi iyon naririnig ni Trinity dahil tanging ang napakalakas na pagkabog ng puso niya lamang ang naririnig ng tenga nito.

At ng i-angat naman niya ang ulo nito ay bigla nalang siyang pinakawalan ng lalaki sa pagkakayakap sakaniya at tuluyan na itong naglakad palayo. “Mag-iingat ka.” Bulong ng lalaki.

Hindi pumayag si Trinity na ganon ganon na lamang kaya naman hinabol niya ito at hinablot nito ang hoodie niya na nakasuot sa ulo pati narin ang cap nito. Napatigil ang lalaki at hinarap siya. Naiiyak na ang mga mata ng strangherong ito.

“P-please tell me that’s you.” Pinipigilan naman ni Trinity ang maging emosyonal sa harap nito ngunit ng muling tumalikod ang lalaki ay tumulo na lamang ang luha niya bago ito muling hinabol.

Tumigil si Trinity sa harap ng lalaki at hinablot naman niya ang facemask nito. Lumantad sakaniya ang pagmumukha ni Leo na umiiyak at hindi makatingin sakaniya.

“Na-napadaan lang ako dito. Na-nag kataon lang.” Pag pipigil ni Leo sa paghahagulgul. Hindi pinansin ni Trinity ang sinabi ni Leo at niyakap na lamang ito.

“P-please let me explain.” Umiiyak na sabi ni Trinity at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sakaniya. Ngunit tila manhid na si Leo dahil pilit niyang tinatangal ang kamay ni Trinity na naka yakap sa bewang niya.

“There’s nothing to explain, Trinity. Because we’re done.” Halos manginig na ang kamay ni Leo kakatangal sa kamay ni Trinity at nilalabanan ang sarili niya na wag itong yakapin.

“Eh ba’t ka pa nandito kung wala na pala?” Sa mga oras na ito ay mugto na ang mata ng dalawa.

“Because I miss you! And this is not the future I imagined with you!” Napapikit na lamang si Leo dahil sa sakit na nararamdaman.

“T-then let me explain—”

“Why? To make me believe again with your foolish lies?”

“Hindi, hindi! I had a reason why I had to do that.” Kahit ilang iwas na ang gawin ni Leo na hindi tignan ang mga mata ni Trinity ay nanatili namang nakatitig sakaniya ang dalaga at umaasa o nagbabakasakaling makikinig ito sakaniya.

“I did n—” Natigil ito sa pag sasalita ng marinig nila ang boses ng isang pamilyar na tao.

“Trinity, hoy kaloka ‘to sinong kausap mo?” Napatingin ang dalaga sa likod niya at nakita si Vince at Joshua.

Tatawa sana si Vince kaso nakita niyang Boss niya pala ang kausap ni Trinity at mukhang nag iiyakan ang mga ito. “Ay, hala sorry. Love quarrels? Charet! Alis na’ko. Bye Sir Josh and Sir Leo!” Nag madali si Vince na umalis sa lugar na iyon at naiwan na lamang si Joshua.

“Trinity,”

“Trinity,”

Sabay na sambit nila Josh at Leo kaya nagkatitigan ang dalawa. Napansin ni Trinity ang pag igting ng panga ni Leo. Marahil ay ilang araw na itong nag titimpi kay Joshua dahil napapansin niya na mula nung magkahiwalay sila ni Trinity ay napalapit ito kay Joshua.

“Tomorrow, Mr. Navickas. You can talk to my girlfriend, tomorrow. She’s mine, you may had her once, but she’s mine. I want you to keep that in mind and to keep your distance away from her.” With that Leo held Trinity’s hand and drawing her inside his car.

Nang malayo-layo na ang narating nila ay itinigil ni Leo ang kotse sa gilid ng kalsada.

“Talk,”

Lumunok si Trinity bago nag simulang mag kwento.

Trinity’s POV

FLASHBACK

Nagising ako sa isang kwartong hindi pamilyar. Naka sindi ang ilaw at maliwanag dito. Napatingin ako sa isang sofa na katapat ng higaan ko. May naka upo doong isang lalaki at nanonood ito ng TV.

Malabo pa ang mga mata ko ng magising ako. Pero kahit ganoon ay nakita kung pinatay niya ang pinapanood niya sa TV gamit ang isang remote. Tumayo ito at lumapit sa gamit ko.

“Good thing that you’re awake na, Hija.” Bungad nito at inabutan ako ng tubig.

Dahil sa pag iisip kung baka may lason ang tubig na iyon ay hindi ko na lamang tinangap.

“I’m sorry if my men we’re so hard on you. Wag ka mag-alala, dinispatsa ko na sila. Afterall you’re my son’s mistress.” Nangunot ako sa sinabi nito. Si Leo ba ang sinasabi niya.

Bahagya itong tumawa. “Oh sorry, my fault. Hindi ba niya nasabi sayo ang totoo niyang trabaho that’s why you aren’t familiar with my terms?” Mas lalo lamang nitong pinagulo ang utak ko.

“Anyways, I want to introduce myself. I am Ybarra Salvatore Vasquez, the father of your boyfriend. I am a really busy man so I’ll be frank with you. I don’t want you for my son. You are distracting him with his goals and job.”

“Sir, I love your son. I can do whatever you want just so I could prove myself that I won’t be a hindrance for him to reach his goals—”

“Everything? Well, I want you to break up with him. And get rid of that baby. He’s too young to be a damn father and a husband of someone filthy like you.” Nangilid ang luha ko.

“You can’t stop me from loving your son, Sir. You can’t dictate and teach your son who to love—” Tumawa ito ng malakas dahil sa sinabi ko.

“Wow! You’ve got some nerves, Hija! Sa’n ka kumukuha ng kakapalan ng mukha para sabihin saakin iyan? Sa pera ba ng anak ko?” Natahimik na lamang ako sa pang mamaliit ng ama ni Leo saakin.

“Look, I am doing you a huge favor. You get rid of that baby, you broke up with my son, and live faraway. I’ll pay for your expenses. Just get the fuck out of my son’s life!”

Huminga ito ng malalim bago pumamewang. “Why are you so desperate for me to leave your, Son—”

“Trust me, Hija. Para sayo din itong ginagawa ko. My son is a huge asshole. Hindi siya makukuntento sa isang babae lang. Just watch this video.” He frustratedly sighed again.

Babe – Taylor Swift

Kinuha niya ang remote at muling binuksan ang TV. Nag simula ng mag play ang video. “This was taken during the Elite Party in Tagaytay at Nicole Samonte’s hotel room.”

“Babe, come on please. Let’s have s*x.” Malandi ang pagkakasabi nito ni Nicole.

“Ayoko, malalaman ni Trinity. An—” At nawala na ang audio nung video.

Nanginginig ang kamay ko na nakahawak sa kumot dahil sa napapanood ko ngayon na paghahalikan nilang dalawa.

Ka-kaya pala wala siya nung nag sisimula na yung party sa Tagaytay dahil nasa hotel room siya ni Nicole. Why? Why does it have to be her? My best friend.

||R.A||

RAENAALMEDA

MKT TRILOGY #1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now