Chapter 47

3.8K 71 5
                                    

Napahiga si Joshua dahil sa natamong sugat sa braso niya. Si Leo naman ay tumawag na sa mga tauhan niyang sundan ang kotse ni Nicole kung saan ito pupunta. Naiwan ito sa mansyon upang halughugin ang buong loob nito.

At ng masiguradong wala talaga si Trinity doon ay dumiretso ito sa kusina at isinindi niya lahat ng stove at inilagay ang dalang lighter sa oven. Nang ma-i-set na niya ang timer para sa oven ay kaagad itong tumakbo palabas.

Saktong paglabas niya ay ang pag sabog ng mansyon sa loob. Hinawi pa nito ang buhok na nagulo at sumakay na sa kotse niya. Sa pag mamadali niya ay hindi narin niya nakita ang sitwasyon ni Joshua kung tinuluyan na ba siya ng mga tauhan niya o hindi.

Kaagad itong nagmadali sa pagmamaneho at in-on ang Bluetooth headset niya. “Hello? Send me the location where Nicole exactly is. I’ll fucking kill that brat if she touch my Fiancée.”

Hindi sumagot ang kabilang linya dahil pinatayan na kaagad siya ni Leo at hinintay na lamang nito mag notify ang location ni Nicole. Nang tumunog ang cellphone nito at nag pop-up ang location ni Nicole ay mas lalo nitong binilisan ang pagmamaneho.

Ito ay naka direkta papuntang Bangui sa Ilocos. Hindi malabong marating ni Leo ang Ilocos ng kalahating oras lamang dahil sa kotse nitong gamit na Jaguar XE SV at naka maximum speed na din ito.

Trinity’s POV

Nagising ako ng maramdaman na parang nanunuyo ang lalamunan ko. Marahan akong bumangon para hindi na magising si Leo dahil alam ko na pagod din siya. Kinuha ko ang bottled water na binili namin kanina at ininom ito. Babalik na sana ako ng higaan ng maisipan kong, wag muna.

Hindi ko gustong hindi pansinin si Leo sa buong biyahe namin. Ang gusto ko lang naman ay umamin siya kung totoo ba ang mga salitang binitawan ni Joshua. Handa naman akong pakingan ang paliwanag niya.

At kung totoo nga naman ito ay baka pansamantalang iwan ko muna siya. Doon ako sa alam kong mas makakabuti saakin. At ang kasal ay baka i-postpone din namin.

Hindi madaling pag-desisyonan ang lahat ng ito. Pero sa totoo lang ay nasasaktan na ako sa mga nalalaman ko tungkol sakaniya. At hindi ko alam kung hanggang ilang sakit pa ba ang kaya kung tangapin para sakaniya.

I’m starting to doubt the choices I made in my life. Tama ba na nagpadala lang kami sa nararamdaman namin at hindi muna kinilala ang isa’t isa? Tama ba na kahit may hinalikan siyang iba ay pinatawad ko parin siya? Tama ba na parang nag bu-bulag-bulagan na lang ako kahit na malaki ang posibilidad na parte nga siya ng sindikato?

Bumuntong hininga ako at babalik na sana sa higaan namin ng biglang may mahinang kumatok sa pintuan.

“Gabing-gabi na ah.” Mahina kung sabi bago binuksan ang pinto. Nanlaki ang mata ko ng bigla nila akong tinutukan ng baril tagiliran. “Sumama ka saamin kung ayaw mong pasabugin ko ‘yang bata sa loob ng tiyan mo.”

Nasa loob ako ng isang kwarto at ni wala kahit anong gamit dito bukod sa inuupuan kung kama. Hinahaplos ko lamang ang tiyan ko habang umiiyak. “K-kapit lang, Anak, ha? ‘Di ka pababayaan ni Mama.” Pinilit ko pa ang sarili na ngumiti.

“Pasensya ka na, Anak. Walang magawa si Mama kanina para humingi ng tulong. Pa-pasensya na kung malaman mo pagtanda mo itong nangyari satin at isipin mo na wala akong kwenta. Mas importante kasi para saakin ‘yung kalagayan mo.”

“Ka-kasi kung sisigaw ako ng tulong baka mapano ka, Anak. Kaya sana balang araw hindi ka mag-sisi na naging Mama mo ‘ko, huh?” Marahan ko pang hinimas himas ulit ang tiyan ko.

Napapikit ako sa sobrang bigat na ng mata ko. “Leo? Nasaan ka na ba?” Patuloy ang pag-agos ng luha ko na kahit anong gawin kung pag punas ay napapalitan din naman ng panibagong luha.

Natatakot ako sa gagawin nila dahil alam ko na kung gaano kasakit ang gagawin nila ay doble ang dating nito sa anak ko.

Bumukas ang pinto at iniluwa non si Nicole. “Aalis na tayo!” Hinila nito ang kamay ko at nag pumigil lamang ako. “Taman a, Nicole! Tama na! Buntis ako! Hindi ka ba naaawa sa anak ko?”

Hindi ito sumagot at sa halip ay pilit akong kinakaladkad nito palabas ng kwarto. Di hamak na mas malakas ito kumpara saakin ngayon dahil ako ay nag da-dalang tao at siya ay hindi.

Tinulungan siya ng mga tauhan nito na hilain ako hanggang sa makapasok ako sa kotse.

Piniringan ng mga ito ang mata ko upang hindi ko malaman kung saan kami patungo. “Bilisan mo! Baka maabutan nila tayo, dali!” Sigaw ni Nicole. Tumagal pa ng ilang minuto bago tumigil ang kotse. Marahas nila akong pinababa ng kotse na para bang wala silang pake kung buntis at malaglagan ako ng anak.

Sa pagbaba ko ay sumalubong ang malamig na simoy ng hangin saakin at rinig ko din ang malalakas na hampas ng alon. Habang nag lalakad ay ramdam ko ang paglubog ng paa ko sa buhangin.

Inalis na din ni Nicole ang piring ko. Napaatras akong bahagya ng makita ang helicopter. “Tangina. Anong plano mo?”

“Anong plano ko? Pasakayin ka diyaan at itulak para pag bumagsak ka eh sa dagat at malunod nalang. Kaso ayoko naman ng ganon. Baka mailigtas ka pa ni Leo.”

Sarkastiko nitong sagot bago niya ako muling itinulak. Muntik pa nga ako sumubsub sa buhangin kung hindi lang ako nasalo nung piloto. Si Nicole ay nauna ng sumakay habang ako ay inaalalayan ng piloto.

“Tulungan mo'ko, parang awa ?” Bulong ko dito. “Pasensya na po, Ma’am. Trabaho lang.” Sagot nito na siyang mas lalong nag pa luha saakin. Napansandal ako sa upuan ng mag simula ng umandar ang helicopter.

||R.A||

RAENAALMEDA

MKT TRILOGY #1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now