Chapter 9

5.8K 116 11
                                    

Napa usog ako ng kaunti ng sumulpot ang boss ko bigla sa gilid. Hindi naman sa ping o-over think ko sarili ko pero sinusundan niya ba ako dito?

"Hi Trinity. I didn't know you were on vacation." Anong sinasabi ni Sir, eh nag iwan ako ng letter sa table niya na mag le-leave ako ng 3 days.

"Sir, good morning. Actually, I left a letter on your table about my 3 day leave." Paliwanag ko sakaniya.

"Sorry, I must've forgotten to read it. Pero ano ba namang magagawa ko eh andito kana sa Pangasinan. Alangan namang pabalikin kita sa manila dahil lang hindi ko pinirmahan ang leave mo." Humarap siya sa akin pagkatapos niyang kumuha nung croissant.

"May kasama ka ba? Or do you need a ride?" Nag bago ang malamig niyang tono at naging masaya ito.

"Ah-h no need sir. I can manage on my own naman po."

"No, I insist. Nasa Rosales palang tayo. Hindi ba't sa Calasiao ka nakatira?" Tinanguan ko ito. Tsaka kami naglakad papunta sa table ninya. Hindi ko na hinintay si Joshua dahil siguradong tulog pa iyon. Nag iwan naman ako ng gamot at tubig sa tabi niyang table.

"Bakit ka nga pala nag leave? May problem ba sa family?" Natanong nito at iminum pa ng kaunting kape.

"Opo sir eh, yung kapatid ko kasi nagtatampo po. Eh hindi ko naman iyon matiis." Natawa ito sa sinabi ko.

"Alam mo ganiyan na ganiyan ako sa ate ko noon. But also due to family problems my sister and I got separated. My father sent her to Spain and me sa Canada naman para doon ipagpatuloy ang pag aaaral." Kuwento nito saken.

"Eh asan na yung ate niyo, Boss?"

"She's still in Spain, galit kasi sakaniya iyong dad ko eh. That's why she can't go home here. Ako naman ay controlled ni Dad kaya hindi din ako makapunta ng spain at makita ang ate ko." Hindi ko alam pero ang lungkot ko at masaya ng kaunti.

Siguro dahil ang lalaking matagal ko ng hinahanap ay nandito na at nakakapag open up pa sa akin. Malungkot dahil sa dinanas nito at sa isip kong panandalian lamang ito. Dahil sooner or later ay uuwi din siya kay Nicole. Bat ba kasi ako pumayag na magpangap si Nicole na siya yung Tyellian na nakilala ni Leo noon kahit hindi naman. Eto tuloy ako nasasaktan at nahihirapan.

"Ang lalim ng iniisip mo. I wonder if I am included with what you're thinking." Nabalik ang atensyon ko sa sinabi niya. Kung alam niya lang na siya ang main topic ng iniisip ko.

"Just kidding. Ah regarding kay Mr. Navickas, tell him that I won't give another second chance kahit sundan niya pa ako dito sa Pangasinan. Hindi ako tumatangap ng mga bastos na investors sa business ko." So hindi pala talaga ang lumang bahay nila Joshua ang ipinunta niya dito kundi ang kasosyo niya na Boss ko.

"Sir, I swear wala naman pong mga kasalanan si Sir Joshua doon sa mga investors na iyon. Joshua Navickas is a close friend of mine and pwede naman po naming pag usapan iyong issue regarding sa team niya." Paliwanag ko sakaniya. At mismo rin namang si Joshua ang nagsabi saakin na kung gusto ng Boss ko ay tanggalin nalang ang mga nambastos sa akin sa meeting niya during that meeting.

"I'll think about it, Trinity. I'll message you-

Naputol ang pagsasalita niya dahil may biglang sumingit. "Babe, bat mo naman ako iniwan." Tsaka humalik ang babaeng ito sa pisnge niya. Alam kung si Nicole ito dahil sa hibla palang ng buhok niya at haba. Nawala ang ngiti ng Boss ko at napalitan ito ng mas matamis pang ngiti sa kanina.

Kung alam mo lang.

"Oh hi trinity? Hindi ko alam andito ka pala. Who are you with?" Naupo ito sa tabi ni Leo. Naka suot ito ng knee length sequins na dark green at off shoulder na dress.

MKT TRILOGY #1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now