Chapter 33

4.9K 93 8
                                    

Gaya nga ng sinabi ni Papa ay maagang pumunta dito si Leo. “Magandang araw po, Sir.” Bati nito. Sobrang pormal talaga niya dahil hindi niya tinatawag na Tito si Papa gaya ng ibang mga manliligaw.

“Masiyadong pormal naman, Hijo. Tito nalang.” Sabi ni Papa ng mapansin niya ang pag tawag nito sakaniya ng ‘Tito’.

“Kain na, ako nag luto.” Hinila ko na ang kamay ni Leo at pinaupo na siya para maka kain na kami. “Thank you, Trinity.” Natatawa ako dahil para siyang natangalan ng angas na tawagin ako sa mga endearments na inisip niya para saaming dalawa.

Nilagyan ko ang plato niya ng sinangag, corn beef, atsaka isang maliit na bowl para sa corn soup. Ipinag timpla ko din siya ng kape dahil alam kung hanap hanap niya ito tuwing umaga.

“Pagkatapos nito, Hijo. Eh pupunta tayo ng bayan tapos sa maliit na sakahan namin. Tuturuan kitang mag saka at mag pakain ng mga alagang hayop.” Tumango si Leo bilang pag sang ayon.

Third Person’s POV

Matapos nilang kumain ay dumiretso kaagad sila sa palengke. “Ganito ang buhay dito sa probinsya, Hijo. Alam ko namang hindi mo na kaylangang mag saka dahil nga ay mayaman kana. Pero bilang ama ng nobya mo eh gusto ko namang mag daan ka muna sa butas ng karayom para malaman ko kung seryoso ka ba talaga sa anak ko.” Sabi ng tatay niya na ngayon ay may buhat buhat na isang sako ng feeds.

“Alam ko p-po iyon, Tito. At handa akong g-gawin ang lahat para sa anak niyo.” Halos hingalin na si Leo dahil dala-dalawang sako ang buhat buhat niya sa magkabilang balikat. Naliligo na ito sa pawis ngunit napaka gwapo parin ninyang tignan. Nangingibabaw parin ang amoy ng pabango niya kahit na napaka malansa sa palengke dahil sa amoy ng mga sariwang isda.

“Ay kay gwapo to met yan laki.” (Ay ang gwapo naman ng lalaking ito.)

“Anto kasiy ngaran to awa?” (Ano kaya ang pangalan niya ‘noh?)

Ganito ang bulungan ng mga nag titinda at mamimili na nalalagpasan ni Leo. Dahil hindi niya maintindihan ang wika ng mga Pangasinense ay nanahimik na lamang ito at mas nag pokus sa bitbit ninya.

“Mukhang habulin ka ng babae, Hijo.” Biro ng ama ni Trinity sa nobyo nito.

“O-opo, Tito. Pero balewala lang ang mga ‘yan saakin dahil mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa anak niyo.” Tila napawi ang pagod ni Leo ng maisip na ginagawa niya ito para sa mahal niya.

“Tama! Kahit pa may pogi problems tayo eh dapat hindi tayo nag lo-loko. Dahil kaylan man ay hindi nakaka gwapo ang pagiging manloloko.” Nagtawanan ang dalawa hanggang sa makarating sila sa lumang pickup truck na ginagamit sa farm ni Harold.

Inilagay nila sa likod nito ang lahat ng sako na kanilang binitbit. Matapos naman nitong buhatin ni Leo ang lahat at inilagay sa likod ng truck ay ibinato sakaniya ni Harold ang susi ng truck. “Mag maneho ka, napagod akong mag bitbit.”

Sumakay na ang mga ito at si Leo nga ang nag maneho habang si Harold naman ang nag turo ng direksyon papunta sa farm nito. At ng makarating naman ang mga ito ay kaagad na bumaba si Harold. “Mag pahinga ka muna, Hijo. May kakausapin lang ako.” Pagka sabi nito ay dumiretso kaagad si Harold sa mga taong nag hihintay sakaniya na siguro ay mamimili ng produkto nila.

Sa kalayuan naman ay natanaw niya ang isang magandang dalaga na nangangabayo. Napangiti kaagad ito ng makitang si Trinity pala. Nagkatitigan ang dalawa kung kaya naman iniba ni Trinity ang direksyon niya at papunta na ito ngayon kay Leo.

“Are you lost, Mr. Stranger?” Biro ni Trinity sakaniya at nag pangap na parang hindi niya kilala si Leo.

“Yes, Ms. Undeniably Gorgeous. Can you lead me to your heart?” Bawi naman ni Leo dito at tinawanan lamang siya ni Trinity.

“Matagal pa yang si Papa, mangabayo muna tayo. Dali na! Sakay na.” Kaagad namang sumakay ito at kumapit pa nga sa bewang ni Trinity. Pinatakbo nito ang kabayo hanggang sa makarating sila sa isang tabi ng dagat. Bumaba si Trinity at sumunod naman si Leo.

“Ligo tayo?” Tanong ni Trinity kay Leo habang itinatali ang kabayo sa gilid ng isang bahay kubo.

“Wala akong pamalit.”

“Tsk. Binilhan na kita kanina sa Bench. Kaya tara na.”

Isang oras na din ang nakalipas mula ng maligo sila sa tabing dagat na dalawa at ngayon ay tinuturuan na ni Harold si Leo kung paano mag saka. Habang si Trinity naman ay hinihintay lamang ang nobyo niya at ginagawa ang ilang paper works niya dahil kaylangan na ito sa susunod na araw.

Huminga siya ng malalim ng matapos na niya ito ng biglaan namang tumawag ang nanay niya sa kaniyang telepono. “Hi Ma!” Bati nito. “Hello! Nak, pwede ka bang umuwi dito at idaanan ang kapatid mo ng art materials para sa project niya sa bayan? Hindi kasi ako makalabas eh nag luluto ako ng bulalo para sa hapunan mamaya.” Aniya.

“Sige po, Ma. Paalam lang ako kay Papa at Leo. Pa text nalang din mga kaylangan ni Midnight.” Sabi nito.

“Sige, sige. I text ko nalang sayo. Thank you, Nak! Ingat ka ha? Love you! Nga pala, paki sabi sa nobyo mo na dito nalang mag hapunan.”

“Okay po, Ma! I love you too.”

First Person’s POV

Isinara ko ang laptop na dala ko at ibinalik sa bag ko. Isinuot ko ang bota at nagtungo kung saan nag papahinga pansamantala sila Papa at Leo. “Papa, may pinapa bili si Mama kaya maaga na akong uuwi.” Paalam ko dito habang naupo sa tabi ni Leo.

“Leo, pag tapos niyo dito punta ka ng bahay ha? Doon kana daw mag dinner sabi ni Mama.” Sabi ko dito at pinunasan ang pawis sa mukha niya. “Pawis na pawis kana oh!” Inilagay ko ang extra towel sa likod ninya.

“I love you.” Bulong nito at ngumuso pa nga siya. Aww! Kawawang bata hindi maka halik andito kasi si Papa eh. Hahaha!

“I love you, too. Sige na, alis na ako ha?” Bulong ko pabalik dito at pasimple pa siyang hinalikan sa pisnge niya. “Pa, alis na po ako. Atsaka paki dala nalang po itong bag ko baka kasi hablutin sa palengke.” Inabot ko kay Papa ang totebag ko atsaka niyakap ito.

“Oh sige na! Mag-ingat ka. Samahan mo ang nanay mo sa pag luluto.”

Nakababa na ako ng tricycle at mag lalakad na lamang sa iskenita hanggang maka rating ako sa bahay namin ng bigla namang may humila sa likod ko at tinakpan ang ilong ko gamit ang panyo.

Sinubukan kung man laban dahil hindi pa masiyadong umeepekto ang gamot na kung ano man ipinahid nila doon. Kaso ay kusang nanghina ang katawan ko ng sikmuraan ako ng isa sa mga kasama nito at tuluyan na akong nawalan ng malay.

||R.A||
RAENAALMEDA


W

ait. Cut muna. Pagod na mag edit si author 😭

MKT TRILOGY #1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon