Chapter 45

67 4 0
                                    

Chapter 45: Hide & Seek

Nasa harapan ko ngayon si Mom, naka-upo sa tabi ko. Blangko pa rin ang ekspresyon ko hanggang ngayon dahil hindi ako makapaniwala sa nabasa ko. Kahit sino namang basahin 'yun ay magugulat.

Saktong pagkatapos kong basahin ang files ay dumating si Mom para sabihin sa akin ang lahat ng sikretong tinatago ni Aella.

"Spill it, Mom,"

Nag-buntong hininga siya."Kaibigan ko ang biological mother ni Aella, Amelia ang pangalan niya. You two grow up together dahil laging nasa isla ang pamilya ni Aella. She's the sweetest child I've ever known. Kaya nga tuwang-tuwa ako noong makita ulit siya pag-katapos ng ten years at mas ikinagugulat ko pa ay nililigawan mo siya. Tadhana nga naman, kahit pinag-hiwalay kayo noon."

Naalala ko 'yun pero bakit? "Bakit kami pinag-hiwalay noon?"

"Hindi ko gustong magkahiwalay kayong dalawa pero wala akong magagawa dahil nangyari ang aksidenteng hinding-hindi makakalimutan. Noong araw na 'yun ay birthday ni Aella kaya't inimbitahan tayo ni Amelia. Habang papunta tayo noon sa highway ay may papuntang eight wheeler truck sa gawi nila at—" nag-simula ng tumulo ang luha ni Mom."I-iniwasan ni Cedrick 'yun, siya ang biological father ni Aella. K-kaso tumama sila sa isang poste ng kuryente. Bumaba kaming dalawa ng Dad mo k-kaso huli na ang lahat. Sumabog ang sasakyan kaya tumawag na kaagad ang Dad mo ng ambulansya, a-at no'ng lumapit kami ay nakita ko ang pag-galaw ni Aella.

"Hindi naming inaasahang siya lang ang mabubuhay sa aksidenteng 'yun. At dahil do'n, nawala ng memorya ni Aella. L-lahat ay nakalimutan niya kaya't ang ginawa namin ay itinago namin siya sa isang rest house na minsan lang nating puntahan dahil natatakot ako baka mangyari ulit 'yun. Hanggang sa humantong siya sampung taon, siya mismo ang nag-presinta sa sarili niya sumali sa isang organisasyon. Kami ng Dad mo ang isa sa mga head doon kaya't madali namin napasok pero hindi ko alam na magaling siyang humawak ng katana. Sa ika-anim niyang misyon, ay nag-wagi siya. Ni-isang misyon ay hindi niya napalpak."

"Paanong hindi siya nag-karoon ni isang peklat?" Tanong ko dahil nga nakita ko na ang katawana niya at hindi wala akong nakita ni-isang peklat lamang.

"Pina-laser namin 'yun dahil hindi niya gustong makita ang peklat,"

Tumango-tango na lamang ako. Patuloy lang ako nakikinig kay Mom dahil kailangan ko talaga ng eksplenasyon. Hindi ko hahayaang may maiiwang butas, kailangan kong malaman ang lahat ng pag-katao niya.

"At noong Enero 17 ay nag-resign siya. Ayaw siya pakawalan ng orginasasyon dahil isa siya sa pinakamagaling na Assasin o Agent pero wala namang magagawa ang orginasasyon dahil kinse anyos pa lang siya. At doon na namin siya huling nakita." Pagwawakas sa kwento ni Mom.

Hindi ko mapigilang lumuha habang pinapakinggan si Mom."That's all?" Tanong ko.

Umiling si Mom."Hindi pa nag-tatapos ang kwento. Nalaman nalang namin na nag-paampon siya at nalaman din naming may anak sa labas si Cedrick na mas lalo naming ikina-gulat. Si Benjamin ang nag-ampon sa kanya, ang kapatid ng kanyang Ina pero alam mo naman siguro na broken family na sila. Kahit gusto kong sabihin sa kanya ang totoo ay hinayaan ko siya dahil alam kong gusto niyang mamuhay ng normal. Natandaan mo ba noong unang punta niya sa mansyon? Doon siya humingi ng palihim dahil sa matagal na pala niyang alam na may anak sa labas si Cedrick at may tito siya na gusto silang pataying dalawa para hindi niya makuha ang kayamanan ng pamilya niya.

"At doon sa dining area ay nag-bigay siya ng bakas para malaman mo kung ano talaga siya. Doon tumawag ang isang kalaban niya noon pero hinarangan namin ang kalaban niya bago pa mapatay si Aella kahit alam naming kaya niyang makipaglaban. Pero alam ko ring masakit ang nakaraan niya." Huminga ng malalim si Mom bago ulit mag-salita."Ryder, ikaw na ang inaasahan niya ngayon dahil alam niyang matagal na kaming retiro sa Humane Society Organization na hawak ng gobyerno. She knew that you can find her with her little play."

Caught By Your Arms(EDITING)Where stories live. Discover now