Chapter 50

66 5 4
                                    

Chapter 50: End

ANG mga ibang agent, S.W.A.T at assassins ay nasa posisyon na nila habang kami ng mga kaibigan kong baliw at ang isang agent ay nasa tent pa rin. Hinihintay ang signal ng bunny ko. We're just listening to my baby and her 'uncle's' conversation.

Her uncle is starting to get on my nerves, geez! He even forced my baby to sign the contract. Ang kontratang nakapaloob ang lahat ng ari-arian na mamanahin ni Aye na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin kinukuha because of that jerk.

She wanted to bait him, and that bait is the property. Well, alam kong iniisip minsan ng baby ko. I'm a hundred percent sure of it.

"—Bakit ba kasi ayaw mong pirmahan? Ang dali-dali lang naman ang hinihingi ko sa 'yo. Pirma mo lang ang kailangan kontrata, pagkatapos no'n ay makakabalik ka na sa pamilya mo." Boses 'to ng uncle niya, para tuloy biglang umangat ang dugo ko sa sinabi niya.

"Tss. Hindi ko alam na gan'yan na pala ang trato mo sa mga taong tapos mo ng gamitin,"

"Well, you're my niece. At the same time, ikaw lang ang may lakas loob na kalabanin ako kapag kayamanan ang topic. Ayaw ko naman mag-mukhang villian sa buhay mo, ang gusto ko lamang ay kayamanan. Kayamanan na pinaghirapan ko pero imbes na sa akin mapunta ay tatay mong mang-aagaw napunta lahat!"

Umiigting ang aking panga, and I clenched my fists. Damn it! Nangangati na ang mga kamao ko para manuntok ng kung sinong nanakit sa bunny ko. Ready na talaga akong pumatay, pati na rin ang paningin ko ay nagiging itim na paano pa kaya kung makita ko ang kalagayan niya.

"T-that's not my problem. Problema mo 'yan tapos nandadamay ka ng iba,"

Tahimik lamang kaming nakikinig sa kanilang usapan. Naka-tayo ako sa gilid ng harapan ng monitor dahil si Bryson at ang agent ang nasa gitna. And as of my crazy friends, talagang tutok sila dahil mga tsismoso sila.

Napa-tingin ako kay Chase na nasa gilid ko nang tapikin niya ang aking balikat."Chillax, buddy. Even if you're not saying anything, your aura tells us. Nakakatakot kang tignan, para bang sasabak sa world war three." Bulong niya.

"Shut up," iritado kong saad at nakinig na lamang.

"That's why I need you! Ikaw nalang tagapagmana ng kayamanan n'yo. Ang kailangan ko lang ay pirma mo— teka lang nga, kanina ko pa sinasabi 'to ah?"

Humanda na kaming lahat nang marinig namin ang tawa ni Aella, alam naming signal na ito. Kinasa ko ang aking baril na hawak ko, at 'yung isa rin ay kinasa ko. Dalawa ang gagamitin ko para mas masaya.

Before we listened to this, I already prepare my gun that I wil use. Ang dalawang baril na hawak ko ay fennec, one of my favorite gun. I already used this many times when one of my friends needed help.

"Get ready," anunsyo ni Bryson na may hawak na

Tumango lamang kami. Maraming naka-sabit na bala sa aking katawan, even though we have many people, we still need to be ready at the most of the time. Hindi ko alam kung gaano karami ang tauhan ng kalaban namin kaya mas mabuti pang handa kami. I'm wearing a vest too, 'for protection' Bryson say.

"You think na ako ang nahulog sa bitag mo? Aww, nakakaawa ka naman, tito. Hay, nagtataka ako kung pa'no ako nagkaroon ng kamag-anak na feeling matalino. Kahit kailan man ay hindi mo ako mauutakan, kahit kakampi mo pa si santanas ay hinding-hindi ako mahuhulog sa bitag mo. Mas bobo ka pala sa inaakala ko, akala ko naman ay mas matalino ka kay daddy pero hindi naman pala."

"A-anong ibig mong sabihin?!"

Narinig muli namin ang tawa ni Aella, saktong pag-tingin namin sa relo ay 8:00 a.m. kasabay ng pagsasalita niya."Now,"

Caught By Your Arms(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon