Chapter 15

84 15 4
                                    

Chapter 15: Dinner

Naiinis ako kay Ryder! Lalo niya lang akong ininis! Katulad kahapon ay lalo siyang nakikipaglandian sa babaeng kasama niya ng makitang pinahiran ni Adrian ang gilid ng labi ko dahil may gravy.

Gravy lang naman 'yun ah! Siya nga may pa subo-subo pa! Kainis! Oo na aamin ko na! Nagseselos na ako bwiset na 'yan!

"Oh? Nakabusangot na naman 'yang mukha mo." Sabi ni Lia pag-pasok niya ng kwarto.

Umiling ako."Wala lang." Sabi ko."Sino nasa labas? Ba't ang ingay? Nakakairita eh."

"Hindi ko pa pala na sabi kanina." Tumawa siya ng mahina, tinaasan ko siya ng kilay."Nasa labas 'yung magkakapatid, kasama si Ry—" Hindi ko siya pinatapos dahil nag-taklob kaagad ako ng kumot, nakakainis siya!

"Anong ginagawa nila rito?" Tanong ko habang nasa loob ng kumot.

"Uh, binisita lang kami. Ang sweet nga eh, may dala pang flowers." Sagot niya na parang kinikilig.

Umirap ako, 'lang forever! "Paki-lock nalang ang pintuan pagkalabas mo." Saad ko, narinig ko nalang ang pagbukas-sara ng pintuan.

Nakahinga ako ng maluwag at lumabas sa kumot, naka-aircon nga kami rito pero hindi ako nilalamig kahit halos balutin na nila ang sarili nila sa comforter.

Tumayo ako sa kama mula sa pagkakahiga at pumunta sa study table ko, mag-aaral muna ako tutal wala naman ng ingay mula sa labas. Nagsiuwian na siguro sila o di kaya'y sinabihan sila ni Lia, sinuot ko ang manipis kong pabilog na salamin at nag-messy bun ako para hindi panggulo.

Inaral ko ang pag-first aid, safety instruction kung may mangyari mang-emergency at ang pag-sasalita ng Chinese language. Marunong naman akong mag-salita no'n pero hindi masyadong fluently.

Napataas ang kilay ko ng tumawag sila Kezy, sinagot ko naman 'yun at inisandal sa mga librong hindi ko ginagalaw.

"Anong kailangan n'yo?" Taas kilay kong tanong habang nag-aaral pa rin.

Tumawa sila."Chillax lang, Buhawi." Sabi ni Buwan.

Inikot ko ang mga mata ko."Ba't tatlo lang tayong sumagot?" Tanong ko, dahil kaming tatlo lang nila Buwan at Kezy lang ang nasa video call.

Nagkibit balikat sila."Baka gumagawa ng baby 'yung isa, 'yung isa naman nag-aaral katulad mo." Sagot ni Kezy.

"Ss nga daw kasi." Natatawang sinabi ni Buwan.

Napatawa ako ng mahina."Gags, ayaw ko ng mamura ng isang cussing machine." Sabi ko habang nakangiwi.

Sumimangot si Buwan."Oo nga! Ang sakit sa tenga, akala mo nakalunok ng mic sa sobrang lakas at diin ng mura." Reklamo niya.

Tumawa si Kezy."Ang hihina n'yo naman!" Sabi niya." By the way high way overload, may chika ako sa inyo kaya tumawag ako." 'Yung ngiti niya ay parang waging-wagi.

Napataas ang kilay namin."Ano?" Tanong namin.

"Baka malaman naming buntis ka na dahil sa kalandian mo ah." Pabiro kong sinabi.

Sinamaan niya ako ng tingin."Hindi gago! May kalandian na naman ako kaso ayaw magpalandi eh, ang tigas! Kasing tigas no'ng ano niya." Natatawang sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin."Tang ina! Nangbre-brainwash ka ba ng utak ha?"

"Pigilan mo ako Buhawi, masasampal ko 'to through phone." Wika ni Buwan.

Tumawa si Kezy."'Yung abs kasi! 'Yan ah, kung ano-ano kasi lumalabas sa isip." Sambit niya."Lalo ka na Buhawi, puro kasi 'Ahh ugh ohh' ang laman ng utak mo." Hininaan ko ang volume ng bigla s'yang nagkunwaring ungol.

Caught By Your Arms(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon