Chapter 28

92 8 3
                                    

Chapter 28: Interview

Maaga akong nagising para maka-pag-handa ng aming pag-kain at para hindi ako ma-late sa interview, tulog pa ang mga bata dahil 5 AM pa lang. Sabi ni Chrisna ay 8 AM ang interview atsaka agahan ko raw kasi maraming tao raw pupunta dahil sikat ang kompyang 'yun.

Niluto ko ang paborito nila na pancake with chocolate syrup, mag-titimpla na rin ako ng mainit na gatas para sa kanila. I can't imagine na magiging nanay ako pero nagpapasalamat ako at dumating sila dahil sila ang pinang-hahawakan ko para lumaban noon.

Pagkatapos kong mag-luto ay tinakpan ko ang pancake para hindi pasukan ng kung anong insekto, umupo ako sa stool atsaka kinuha ang selpon ko mula sa apron na suot-suot ko.

Nanood lang ako ng thai-drama sa selpon ko, isinandal ko ang selpon ko sa vase atsaka inihiga ang ulo ko sa island counter. Ginamit ko ang braso ko para pang-unan, pinipigilan kong tumili dahil natutulog pa sila Raid.

Ngumingiti ako rito na kilig na kilig sa pinapanood ko, naka-ilang episode na ata ako pero kilig na kilig pa rin ako. Humikab ako atsaka tumingin sa orasan, 6:28 na pala, nalipasan ako ng oras kaka-nood.

Tumayo ako sa stool atsaka tinanggal ang apron at itinupi, pinatay ko ang selpon ko. Nag-lakad ako papuntang kuwarto nila, binuksan ko ang pintuan at tumambad sa akin ang mahimbing natutulog.

Umupo ako sa kama nila."Raid, Hera? Wake up na, aalis si mommy oh," panggigising ko sa kanila.

Idinilat ni Hera ang kanyang mga mata atsaka kinusot-kusot ito."Are you going to interview na?" Nakangusong tanong nito.

Tumango ako, tumayo ito atsaka yinakap ako."Mamaya pa namang 8 ang interview ko, you will stay at your great grandmother house," sabi ko.

Tumango lang ito atsaka humiling sa balikat ko, tumawa ako ng mahina atsaka hinalikan ang ulo nito."I will bring you to the dining area," sabi ko, binuhat ko siya atsaka tumayo.

Inihatid ko siya sa dining area at inilapag siya roon, kinuha ko ang pancake sa island atsaka iniligay sa lamesa. Mukhang naalimpungatan siya sa nakita niya, tumawa ako ng mahina.

"Pancakes, my favorite food!"

"Lahat naman yata favorite mo eh," ani ko.

Ngumuso ito habang naka-tingin sa akin."Food is life, mommy,"

Tumawa ako."Ewan ko sa'yong bata ka, saglit lang. Gigisingin ko lang ang kuya mo," sabi ko, tumango lang ito dahil nagsisimula na siyang kumain.

Pag-pasok ko sa kwarto nila ay tulog na tulog pa rin si Raid, napa-iling-iling ako. Tulog mantika talaga ito kahit kailan, lumapit ako sa kanya atsaka umupo sa tabi niya.

"Raid? Wake up," panggigising ko rito, dumaing lang ito. Napataas ang kilay ko, ayaw mong gumising ah? "Raid si Alexandra mo nasa labas, hinahanap ka!" Pagkukunwaring natataranta kong sinabi.

Nagpipigil tawa ako ng gumising ito at natatarantang tumayo."W-what? Where is she?" Lumingon-lingon siya sa paligid.

Tumawa ako ng malakas atsaka sinundot ang pisngi niya."Ayiee! Binata ka na ba baby boy?" Pang-aasar ko sa kanya.

Nang ma-realize niya na hindi totoo ang sinabi ko ay sumimangot siya."Mommy!" Suway niya sa akin.

Humagikgik lang ako."Kain na po, master," pormal kong sinabi.

"Tss," inirapan niya ako na ikina-tawa ko lalo, bumaba na siya sa kama atsaka lumabas.

Napa-iling ako."Ang bata-bata pa, crush na kaagad nalalaman niyo," naka-ngiwi kong sinabi, tumayo na ako.

Caught By Your Arms(EDITING)Where stories live. Discover now