Chapter 34

87 5 3
                                    

This chapter is
Dedicate to cyneancyne

Chapter 34: Tease

Nagising ako sa malambot na sopa habang naka-kumot ang aking buong katawan, napa-tayo ako ng wala sa oras atsaka inikot ang aking paningin. Napa-buntong hininga ako nang makita kong nasa opisina, tumingin sa lamesa ni boss.

Wala siya, tinanggal ko ang kumot sa aking katawan upang maka-upo ako ng maayos. Sinandal ko ang aking katawan sa sopa habang naka-pikit ang aking mga mata, ilang oras akong naka-tulog?

Binuksan ko ulit ang aking mga mata atsaka lumingon sa orasan'g naka-sabit sa itaas ng pintuan. Malabo pa ang aking tingin kaya't hindi ko makita ng maayos.

Nanalaki ang aking mga mata."8:11 na?!" Pabulong na nagulat kong sinabi.

Mas mabilis pa sa koneho ay tumayo kaagad ako at pumunta sa lamesa ko para kunin ang mga gamit ko. Pagkatapos kong kunin ang aking gamit ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, binuksan ko ang pintuan para maka-labas ako.

Kaso natiligan ako nang makitang madilim na sa labas at patay ang ilaw kaya't napa-balik ako sa loob ng wala sa oras atsaka umupo ulit sa sopa. Hindi ba sila nag-o-overtime? O baka wala talagang overtime rito? Gusto ko mang umuwi kaso ayaw kong mag-isa lang ako sa dilim.

Natatakot ako, pakiramdam ko kasi ay may kakalabit sa akin anumang oras. Inilibot ko ang aking paningin, tumingin ako sa glass wall na kitang-kita ang kabilang building.

Napa-buntong hininga ako nang makitang sarado na ang lahat ng ilaw at paniguradong naka-uwi na silang lahat. Sumimangot ako atsaka pinag-laruan ang aking mga kamay habang naka-tingin sa ibaba.

Hindi ko kayang tumingin sa kabilang building na puro patay ang ilaw dahil natatakot talaga ako, luminga-linga ako. Na saan na ba kasi si boss? Iniwan niya ba ako mag-isa rito? Huwag naman sana.

"You're already wake up," napa-tingin ako sa nag-salita, lumiwanag ang aking mga mata nang makitang si boss 'yun.

Basa ang kanyang buhok na mukhang kakaligo lang, nginitian ko siya."Boss!" Bati ko.

Tinaasan niya ako ng kilay."Looks like you saw a light," sabi niya at nag-lakad papuntang lamesa niya habang pinupunasan ang kanyang basang buhok, may kinuha siya sa kanyang lamesa at nag-lakad papalapit sa akin.

"Nakakatakot sa labas, wala bang nag-o-overtime rito? Naka-patay kasi lahat ng ilaw," sabi ko habang naka-simangot.

Tumawa siya ng mahina."The company closed at 7 PM, no one should be at the company except for the guards and me," sabi niya."You're already packed up, I guess you're leaving without saying 'goodbye' or 'thank you' to me for taking of you. How fucking great is that, miss secretary?"

Napa-ngiwi ako."Aalis nga dapat ako kaso nakakatakot sa labas boss, parang may multong naka-tingin sa akin. Atsaka nag-hihintay sa akin si mama, at anong 'thank you'?"

"You got a high fever and you didn't knew all the time?" Nagtatakang tanong niya."Luckily, I know how to take care of a person with a high fever,"

Napa-kunot ang aking noo."Nagkalagnat ako?" Tanong ko ulit.

Tumango siya."Yeah," maikling sagot niya.

Napa-tango-tango ako atsaka tumikhim."Thank you, boss," pagpapasalamat ko kahit ayaw kong mag-pasalamat.

Umiling siya."It's too late to say that now," saad niya.

"Ha? Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"First, you didn't do the punishment because you broke the rule number five, TWO times. Second, I take care of you and stay with you until you wake up. I should be home by this time but because of you, I can't leave." paliwanag niya."So, tell me... do I deserve one 'thank you' from you?"

Caught By Your Arms(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon