Chapter 23

88 9 0
                                    

Chapter 23: Laro

Nagising ako sa sinag ng araw, idinilat ko ang isang mata ko at bumungad sa akin ang maamong mukha ni Ryder. Gugulong na sana ako nang hatakin niya ako papalapit sa kanya, napasandal ko sa dibdib niya.

"Don't leave, let's sleep and you're still sore," pagod niyang sinabi.

Yinakap ko rin siya atasaka tumingala ako."Gising ka na pala," sabi ko.

Marahan siyang tumango."Yeah, you're wild last night. I didn't know that you can do that," sabi niya.

Uminit ata ang pisngi ko sa sinabi niya, pero dahil naka-pikit ang mata niya ay hindi niya 'yun nakita."Malamang, naka-inom ako ng high fantasy!" Depensa ko.

Tumawa siya ng mahina."Though you're like a dragon that wakes up... in bed," aniya.

Mahina kong pinalo ang matigas niyang dibdib."Gago," mahinang mura ko sa kanya atsaka ipinikit ang mga mata ko.

Napalibutan kami ng tahimik, nilalaro-laro niya ang buhok ko habang yakap-yakap ko siya. Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko dahil ayaw kong matulad kay mama.

Na nabuntis ng maaga pagkatapos ay iniwan lang ni papa na parang walang nangyari. Ang tanging sinasabi ng puso ko ay mahal ko siya, pero nakakaramdam ako na may hindi magandang mangyayari.

"Are you hungry?" Tanong niya.

Marahang tumango ako."Hmm-mm, gusto ko ng fries at pancake," sabi ko, idinilat ko ang mga mata ko atsaka tumingala.

Kanina pa pala siya naka-titig sa akin."Wait me here, I'll bring you breakfast," saad niya atsaka hinalikan ang noo ko.

Tumango ako atsaka tinanggal ang pagkakayakap sa kanya, tumayo na siya atsaka nag-bihis habang ako ay ipinikit ko ulit ang aking mga mata atsaka kinuha ang isang unan at yinakap 'yun.

Umidlip lang ako saglit, pagkagising ko ay wala pa rin si Ryder dahil parang 10 minutes lang ako tulog ko, kaya't kinuha ko muna ang selpon niya para manood.

Alam ko naman ang password niya dahil sinabi niya sa akin, natatawa nga ako sa password niya. Talagang may kasama pang-'Ryder is handsome', hindi na ako magugulat ng pag-bukas ko ay picture namin ang naka-wallpaper.

Ito 'yung time na pumunta kami sa bundok para manood ng meteor shower, naka-hawak ako sa leeg niya habang hawak-hawak niya ang bewang ko at magkadikit ang aming noo.

Parang na-miss kong gumala ulit dahil kay Ryder ay lagi na akong nasa labas, taong-bahay at tamad na nay pera lang naman ako noon pero no'ng dumating siya parang nag-bago ang lahat.

Nanood ako ng pwedeng panoorin, habang nanonood ako ay mag nag-pop up na message. Tumaas ang kilay ko ng makitang si Lara 'yun.

Lala: Hey Ryd, are you free today?
I want to invite you to have lunch with me

Ry: Hi, this Aella
Sorry but he's not here, pero huwag kang mag-alala sasabihin ko nalang sa kanya

Hindi ko na hinintay ang chat niya dahil pinatay ko kaagad 'yun ng pumasok si Ryder na may dalang tray. Lumapit siya sa akin atsaka inilapag sa harapan ko ang tray.

"Sorry if I take too long, grandmother is here. I don't know what she was doing here," aniya atsaka umupo sa tabi ko.

Tumango ako."Okay lang," sabi ko atsaka kumain."Nga pala, nag-text si Lara, inaaya kang mag-lunch. Sabi ko wala ka rito," sabi ko na parang walang pakielam.

Kumunot ang noo niya."She was inviting me?" Tumango ako."But she's here, I even saw her before I leave the kitchen."

Kumunot ang noo ko."Dito siya natulog?" Tanong ko.

Caught By Your Arms(EDITING)Where stories live. Discover now